CHAPTER 16 : A NEW YEAR WITH HIM

77 3 3
                                    

CHAPTER 16 : A NEW YEAR WITH HIM

CHAPTER 16 : A New Year with HIM

Maagang nagising si Fhamee, wala na ang mga kasama niya sa kwarto kaya naisip niyang baka nasa labas na ito at kumakain. Paglabas niya, nagpa-ikot ikot na siya sa resort pero wala pa rin siya nakikita ni isa sa kanila. Sa paglalakad niya nakita niya si Drei. Nagkakailangan silang tumingin sa isa't-isa at di alam kung saang direksyon na pupunta. Lalagpasan na niya sana si Drei ng tawagin siya nito ..

"Fhamee pwede ba tayong mag-usap?" napatigil siya sa paglalakad

"Para saan?" humarap siya kay Drei

"Please"

Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ito dahil wala naman siyang makitang kasamahan nila kaya naisip niyang sumama muna dito at makipag-usap.

"Anong gusto mo pag-usapan?" tanong niya dito pagka-upo nila

"Ok ka na ba?" tanong nito na parang nag-aalala. Nakaramdam si Fhamee ng pagkainis dahil pagkatapos siya pabayaan ay may gana pa ito na kamustahin siya

"Ok na ko buti na lang niligtas ako ni Darwin, hindi niya ko pinabayaan. Hindi niya ko iniwan hanggat di pa ko nakakatulog" sabi niya na parang may pinupunto

"Buti naman kung ganun"

Nagkaroon ng katahimikan pagktapos ng maikling kamustahan ...

"Ah-- galit ka ba sakin?" tanong ni Drei na ikinagulat ni Fhamee. Eto yung tanong na gustong gusto niya iwasan pero sa pagkakataong to mukhang hindi na talaga siya makaka-iwas

"Bakit naman ako magagalit?" balik na tanong niya

"Galit ka nga"

"Huh?" pagtataka niya sa sinabi nito

"Kung di ka galit, ang isasagot mu agad ay hindi pero dahil ganyan ang sagot mo .. alam kong galit ka" hindi nakaimik si Fhamee dahil alam niya sa sarili niya na tama ang sinabi ni Drei

"Dahil ba kay Phoebe?" tanong nito sa kanya

"Bakit nasali dito si Phoebe?" tanong ni Fhamee na kunwaring hindi pa alam ang totoo

"Fhamee wag na natin iwasan to, wala din naman mangyayari. Kahit itanggi mo, alam ko na alam mo na ang totoo" sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya

"Ano nga bang totoo?" tanong ni Fhamee na nakatitig din sa mga mata niya, mga matang unti-unti bumubuo ng luha na pilit niyang pinipigilan.

Napayuko si Drei sa tanong niya. Huminga ito ng malalim at saka nagsalita

"Sa nakaraan naming tatlo. Siguro ang alam mo ay nagtaksil kami sa kuya mo. Oo hindi ko itatanggi yun, hindi ako magmamalinis. I admit we cheated on your brother, i loved Phoebe before .." napakunot ng kilay si Fhamee sa sinabi ni Drei.

"Masyadong busy ang kuya mo nun, di ko naman siya masisisi dahil gusto niya talagang makakuha ng mataas na grado para na din di siya mahirapang makakuha ng scholarship sa college. Hindi pa kita kilala nun pero nakikita na kita sa school nun. Alam kong kayong dalawa na lang ang magkasama sa buhay kaya naiinitindihan ko kung bakit ganun na lang ang pagsisipag niya sa pag-aaral yun nga lang .. yun ang naging dahilan ng pagkawala niya ng oras kay Phoebe at sa panahong yun ako ang kasakasama ni Phoebe."

"Bakit mo ba kinikwento sakin yan? Alam ko na ang lahat" patayo na si Fhamee

"Pakiusap pakinggan mo muna ko. Hindi ko hinihiling na paniwalaan mo ko pero sana man lang pakinggan mo ako" hinawakan siya nito sa braso. umupo ulit siya, nangangahulugang handa siya pakinggan ang sasabihin nito

My Kuya's Bestfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon