Lisa POV;
"Ouyyy gumising kana !" boses ni Nayeon. Sya kasi ang mahilig samin manggising.
"Mamaya na kasi ! San ba lakad natin ?" sabi ko habang minumulat ang mata ko "papasok malamang" sabi niya na may pagkamataray
"umalis kana" sabi ko at hinila na sya palabas kaya pumunta nako sa cr para maligo
-------------------
Andito kami ngayun sa pintuan ng school nakasulat ay Aberden Academy infairness maganda dito kaso parang ang daming babae na naglilinis
"Nayeon ! Bakit mga babae ang naglilinis?" takang tanong ko kay Nayeon "kaya nga naman" sabi ni Tzuyu na nakakunot noo. "Abah ! malay ko atsaka ang may ari ng paaralan nato ay tita ko" paliwanag nya
"Tara na" sabi ko kaya sumunod narin sila habang paakyat kami andami naming nakikita na naglilinis ng dingding "ano meron dito? Bakit puro lahat naglilinis" sabi ko at iniikot ang paningin ko
"bakit kayu naglilinis" tanong namin sa isang babae na di naman kagandahan "kasi ang mga badboys ang leader dito at kaming mga babae sa paningin nila ay talunan kaya lahat ng utos nila nagagawa namin naghihintay lang kami ng makakatapat ng mga lalaki" paliwanag nya atsaka ulit pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa
Ganyan pala sila dito pero kami di namin yan gagawin like D U H hinding hindi namin yan gagawin atsaka subukan lang nila samin iutos yan papakain ko sa kanila yang mga sinasabi nila
Umakyat na kami. Syempre nakita narin namin yung room namin. Bubuksan na sana namin yung pintuan kaso nagbukas mag-isa eh
pumasok na kami sa loob. Bakit ba kasi ganto kaingay ang mga kaklase namin? Nakakabwisit ! ayyy salamat dumating narin ang aming guro
"Ok class may bago tayung transferee! Pumunta kayu dito sa harap at magpakilala?" sabi ng guro namin atsaka sya umupo
pumunta na sa harap si Jennie at sya ang unang nagpakilala "Hi im jennie kim 17 years old at galing kami sa korea" sabi ni jennie kaya sumunod naman si nayeon "hellow im nayeon joul 17 years old at galing din sa korea" sabi ni nayeon
Sumunod naman si tzuyu "hii im tzuyu chou 17 years old at gaya ng sabi ni galing din akong korea" sabi nya kaya sumunod naman ako
"Hii im Lisa manoban 17 years old at taga korea din ako" sabi ko at hinihintay nalang namin ang sasabihin ng aming guro ng nagsibulungan sila
"Ang ganda nila" girl1
"Ang sexy naman nila" girl2
"baka masusungit ata yan eh" girl3
"Baka sila na ang mga makakatapat ng badboys" girl4
"Ok pwede na kayung umupo" sabi ng aming guro kaya naglakad kami papunta sa upuan
Magdidiscuss na sana si mam ng may biglang kumatok at binuksan nya ito ano meron dun ? siguro may sasabihin lang ung studyante nayun
"Class jan lang kayu kapag recess na dun na kayu lumabas" sabi ni mam at nagmadaling lumabas Hayyss first day school wala naman gagawin
"nayeon! Sino ba ang tita mo?" tanong ko ganto kasi upuan namin
Lisa-ako-nayeon-jennie
kaya libre ko syang makausap at si jennie naman ito naglalaro ng wordscape "basta" sabi nya ang tipid naman nya magsalita
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at ang yabang naman ang lakas ng pagkasipa ehh paano kung masira yan
"Ang badboys andito naa" sigaw ni girl1
"paparating na ang mga badboys" girl2
"tahimik na tayooooo" sigaw ng babae
Kaya dali dali silang nagsitahimikan anong nakain nila at takot na takot sila
Tssss di naman mga gwapo este mga gwapo pala pero hinding hindi kami magkakagusto sa kanila
"Ouy ! Ang panget nila" sabi ni jennie tsss pakunwari pa sya eh halatang nagagwapuhan narin sya pero di yan magkakagusto dun
"Hahahahaha" sabay sabay naming tawa nagulat nalang kami ng biglang lumapit ang isa sa kanila saamin "anong tinatawa nyo" sabi niya anong pakealam nya
"Anong pakealam mo?" sabi kong naiirita "di nyo sila kilala" isa sa istudyanteng lalaki ang nagsalita "ano naman ngayun? Bakit kayu kilala nyo ba kami?" sabi ni tzuyu at sinamaan nya ng tingin
"ano ba hinahanap mo?" sabi niya. Ano nga ba hinahanap ko? alam kuna "umalis kayo sa harap namin" sabi kong nakangiting pang-aasar
magsasalita na sana sya ng biglang magbell kaya tumayo kami at tinignan ko sya sa mata na para bang sinasabi ko na babye
****
Andito kami sa canteen"Alam moba ikaw lang ang nakasagot sa kanila ng ganun?" isang babaeng lumapit saamin "ano sila prinsipe para maging sunod sunoran kami!" sabi ko at tinarayan sya
Ano kami tanga para magpatalo sa kanila "sana nga kayu na ang makatalo sa kanila eh para matapos na ang paghihirap nila saamin" sabi niya na may pagkamalungkot na boses
"Ano ba kasi ang pinapagawa nila sa inyu?" nakakunot noo na tanong ni tzuyu at itong dalawa walang imik eh walang balak magtanong
"Parang lahat dito saamin inutos nila at kinakawawa rin kami ng mga lalaki yung parang minamaliit ang mga babae!" sabi niya na para bang maluluha na kaya nakaramdam din ako ng inis
"Ok simula ngayun sabihin mo sa mga babae na huwag na silang magtrabaho at kung tanungin sila sino nagsabi sabihin nyo lang kami" sabi ni Jennie na walang tingin tingin saamin alam ko kasing ayaw niyang minamaliit ang mga babae
"baka kung ano po gawin sa inyu ng mga Badboys nayun!" sabi niya na may pagkatakot na tono "ano ba pangalan mo?" sabi ko at hinihintay ang isasagot niya
"Mina" tipid niyang sagot "bakit alam mo lahat ng kwento nila?" sabi ko "may isa kasi akong kuya sa kanila" sabi niya
"Bakit parang mas gusto mo kami kesa sa kuya mo" sabi ni Nayeon at wala kaming balak kumain magtatanungan nalang kami
"gusto ko kasi matapos na ang paghihirap nila yung gusto namin na tahimik na buhay" paliwanag niya at kunting ngiti sa labi
"Tara na" sabi ni jennie at nauna nang umalis tumayo narin kami
Jennie POV;
Naglalakad ako ngayun papuntang room iniwan kuna yung tatlong yun
naiinis lang kasi ako eh kung itrato nila dito yung mga babae pantay pantay lang naman ang mga babae at lalaki
nagulat nalang ako ng may mabunggo ako at ito ako ngayun nahulog sa sahig ang sakit ng katawan ko
"Dika ba marunong tumingin sa dinadaanan mo" sabi ko at tumayo pinagpag ko narin ang katawan ko "kabago bago mo dito ang yabang muna ah" sabi niya. Ang yabang pala nito
Tumingin ako kanya at nagulat ako isa sya sa mga badboys "mas mayabang ka" sabi ko at sinuntok sya sa tiyan kaya tumalikod nalang ulit ako
"Oyy! Babae dipa tayo tapos humanda ka saakin" sabi niya na halata sa mukha niya ang pagka inis sa ginawa ko ok lang yan nararapat yan sa mga mayayabang
*******
Andito kami sa bahay
YOU ARE READING
Bad Boys v.s Amazona's Girl (Teen Clash)
DiversosAng eskwelahang ito ay isang Aberden Academy na paghahari ng badboys. Ang mga babae dito ay kinakawawa lang ng mga lalaki kumbaga sinusunod ng mga babae lahat ng utos nito Paano kung ang badboys ay mainlove sa amazona's girl , maititigil naba ang ka...