👻1

0 0 0
                                    

CHAPTER 1

"Amina yung lipstick ko."sabi Champaigne kay Isabel.Sinunod naman ni Isabel ang utos ni Champaigne at kinuha nito ang lipstick sa bag niya at inabot ito kay Champ.

"Here you go bessy."nakangiti nitong sabi.Tipid na ngumiti si Champ.Nasa canteen sila ngayon dahil lunchbreak nila.Lingid sa kaalaman ni Isabel ay nakikipagplastikan lang si Champ sakanya dahil sa ito ay sikat at mayaman.Mayaman naman din si Champaigne pero yun nga mas mayaman at mas sikat si Isabel at ang pamilya niya.

Kumuha ng salamin si Champaigne at nagsimula nang lagyan ang kanyang labi ng lipstick.Tumikhim si Isabel na nagpaagaw pansin kay Champ."Oh?May problema ka ba?"inis na tanong nito."Uhm...Kasi si Mommy magpapaparty mamaya sa bahay birthday niya kasi ngayon."wika ni Isabel.Labis na pagkatuwa ang naramdaman ni Champaigne dahil sa ito'y makakagala na naman.Palagi kasi siyang iniimbita ni Isabel kapag may party sa bahay nila. Ngumiti ng malapad si Champ at hinawakan sa braso si isabel"Great!Pupunta ako sa inyo mamaya.Dapat pareho tayo ng suot ha?You should Wear a mini white skirt at yung upper naman ay off shoulder na kulay blue---"naputol ang sasabihin niya ng sumabat si Isabel.

"Yun nga yung problema Bessy eh.Ayaw ni Mom na imbitahan kita.I tried to ask her kung bakit ayaw niya at sinabi niyang ayaw niyang makita ka."nakasimangot na sabi ni Isabel.Napawi ang kaligayahan na nakalagay sa mukha niya at unti-unting nawala ang emosyon sa mukha niya.

"Alam ko kung bakit ayaw niya.Galit sakin ang mama mo at ayaw niya sakin."padabog na kinuha niya ang bag niya mula sa pagkakahawak ni isabel at umalis.

Tinawag pa siya ni Isabel nung naglalakad palayo na siya pero hindi niya ito pinakanggan.Habang naglalakad siya papalabas sa Canteen.

"As if namang gusto ko ring makita yung demonyitang Mommy niya."sabi niya at napa-tsk.Napatigil siya sa pagiisip ng may nakalimutan pala siyang dalhin.

'Oh no!Yung Science Book ko nakalimutan ko sa dorm'-wika ni Champ sa kanyang isipan

Mula sa paglalakad ay nagsimula na siyang tumakbo pabalik sa dorm.Kahit na maarte at panget ang ugali ni Champaigne ay hindi naman nito pinapapabayaan yung pagaaral niya.Isa nga ito sa mga honor sa room nila.Siya yung palagi 2nd Sa ranking ng buong university.

Tumatakbo na siya ng napakabilis yung mga estudyanteng nadadaanan niya ay napapatingin sakanya.Hindi niya namalayan na nahulog na pala niya yung ID niya sa bag.Narinig niyang parang may nahulog pero hindi niya ito pinagaksayahan ng oras.Ang nasa isip niya lang ay ang makuha ko yung Libro niya at makapabalik sa classroom ng napakabilis dahil malapit na ang klase niya.

-

May tatlong kalalakihan na naglalakad sa hallway kung saan dun rin dumaan si Champ habang tumatakbo ito pabalik sa dorm.

"My man.Hindi mo na dapat pinagaaksayahan ng oras si Isabel.Alam nating dalawa na malandi yon at kailan man hindi yun magseseryoso kahit sa lalaking kagaya mo."wika ng lalaking may kulay brown na may pagkaitim na buhok na si Skylon.

Yung lalaking may itim na buhok na nagngangalang Chain ay nagpakawala ng isang buntong hininga naman."I know.Pero Sky mahal ko talaga siya at hindi ko siya kayang hiwalayan.Umabot pako sa point na nung hindi niya ko pinansin ay muntikan nakong magpakalunod sa alak."problemadong wika nito.

Napailing iling naman ang kaibigan niyang si Sky."Malala kana pare."sambit nito.Nagkibit balikat lang si Chain habang ang kasama naman nila na may Kulay Berde na buhok na nagngangalang Tero ay sobrang tahimik lamang.

"Bro Tero.Magsalita kana man diyan para kang inilihi sa pipi.Kung magsasalita ka man ang tipid mo pang magsalita."inis na sabi ni Skylon.Napa-tsk nalang so tero at napatigil sa paglalakad ng may naapakan siya kakaiba.

Napatingin siya sa sahig at umatras.Napatigil na rin ang dalawang kasama niya at nagtatakhang tumingin sakanya.

"Tero may problema ba?"tanong ng kaibigan na si Chain.Tinuro niya ang naapakan niya sa sahig."ID?"nagtatakhang tanong ni Skylon.Hindi nalang niya pinansin ang kaibigan niya at pinulot ang ID na nasa sahig.Tiningnan niya ang pangalang nakalagay doon.

"Champaigne Dela Torre."sambit niya at tumingin sa kasama niya.Napakunot ang noo ni Chain at lumapit kay Tero para tingnan rin ang nakalagay sa ID.

"Wait.She looks so familiar to me."sambit ni Chain.Nakisali na rin si Skylon sa pagtingin sa ID."Weird.Parang nakita ko na rin ang babaeng toh---"

"AHA!Naalala ko na siya.Siya yung kaibigan ni Isabel."putol agad ni Chain.Naliwanagan na rin sila Skylon at Tero nung sinabing ito ay si Isabel.

"Yung maarte?"tanong ni tero.

"Yeah."-Skylon.

Napatango tango nalang si Tero at itinago sa bulsa niya ang ID.

"Hanapin natin siya tapos isuli natin toh sakanya."mahabang litanyan ni Tero.Nalaglag ang panga ng dalawang kasama niya."W-woah...Yun na ata.."pabiting sabi ni Skylon.

"Ang mahabang sinabi ng isang Tero Gally."pagtatapos ni Chain sa sinabi ni skylon.Napàirap nalang si Tero at iniwan ang dalawang namamangha sakanya.

"Teka pare naman eh!"sigaw ni Skylon at hinabol si Tero.

"Tsk!Iniwan ba naman ako!"sunod na humabol si Chain.Napailing iling nalamang si Tero ng marinig na niya ang mga kasama niyang hinayupak na sobrang ingay sa likod niya.

Kinuha niya ulit ang ID mula sa bulsa niya at nagtatakhang tumingin ito sa litrato ni Champaigne.

'Ang babaeng ito...Bakit may nararamdaman ako ritong kakaiba?'

Hands (Creepy#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon