"Champibabes!!"malakas na sigaw ng kaibigan niya.Agad na napalingon si Champ at ngumiti sa kaibigan niya Si Demy.Si Demy ang totoong kaibigan niya at hindi siya nakikipagplastikan rito.Eto lang kasi si demy ang kayang tiisin ang Mala demonyitang ugali niya.Minsan lang sila nagkikita ni demy dahil ito'y 4th Year college na habang si Champ naman ay 2nd year pa.
"Demybabes."sabi ni Champ at mahigpit na yinakap ang kanyang matalik na kaibigan."Geeesh!Namiss kita Champibabes.Anyways kumusta ka na?Hindi nako updated sayo masyado dahil dineact mo na yung Facebook mo."sabi nito at napanguso."Dineact ko yun kasi marami na iong ginagawa.Tsaka marami na din kasing nagpopost sa wall ko na nalandi ako ganun."ani ni Champ.Agad na sumimangot si Demy at nagwala.
"BAKIT SINO YUNG WALANGYANG NAGSABI AT NAGPOST SA TIMELINE MO NA MALANDI KA?!SABIHIN MO!SINO YUN?!IPAPAKATAY KO YON!IPAPATOKHANG KO YAN KAY FAFI DUTERTE!ITATAPON KO YUN SA PACIFIC OCEAN!TELL ME!SINO YUNG PABIDANG YON?!OMYGHAD PAGNAKITA KO YUN LELETSONIN KO SIYA!FOR SURE HINDI NAMAN KAGANDAHAN YUN!KUNG MAKALAIT AKALA MO NAMANG KAGANDA----"
"Hey Demybabes.Hahahaha Chillax matagal na yon.Ikaw talaga hindi ka pa rin nagbago.Warfreak at isip bata ka pa rin.Minsan naiisip ko na baka nagkamali lang ng inaakalang School level baka nga 1st year college ka pa eh HAHAHAHAHA"ani ni Champ at Humagalpak ng tawa.
Napairap nalang si Demy."At hindi ka pa rin nagbabago Laitera ka pa rin."ani ni Demy.Napatawa napang si Champ at inakbayan ang kaibigan niya."Demybabes."tawag niya rito."Yeah?"sagot nito.Nagsimula na silang maglakad sa hallway habang naguusap sila."May ikwekwento ako."seryosong sabi ni Champ."Sige ano yun?"sagot ni Demy.
"Maniniwala ka ba sa sasabihin ko?"-Champ.
"Depende kung kapani paniwala ba HAHA ano ba kasi yun?Nacucurious na ako."sagot nito.
"Tsk wag nalang naka hindi ka maniwala eh."
"Ihhhhh!Ano nga kasi yon?!paano ko maniniwala kung di mo pa nga sinasabi kong ano yan?!"
Napabuntong hininga si Champ at tumigil sa paglalakad ganun rin ang ginawa ni Demy.Humarap si Champ kay demy at tiningnan ito sa mata.
"M-may nakita ako kanina sa kwarto ko."
"O tapos?"
"May k-kamay..."
"Huh?Kamay?Anong kamay?Kamay ng doll?"
Napatingin tingin muna sa gilid si Champ para siguraduhing walang ibang estudyanteng makakarinig sakanila sa hallway na patungo sa Classroom nila.
"Nope...Believe me or not pero nasisigurado kong kamay iyon ng tao."bulong ni Champ.Nanlaki ang mata ni Demy at di makapaniwalang napatingin sakanya.
"Ay weh?"natatawang tanong nito.
"Tss di ka naniniwala eh!totoo nga!"sigaw ni Champ.
"Look.Champibabes baka kulang kalang sa tulog at kung ano-ano na ang nakikita mo."sabi ni Demy at tinap ang balikat niya.
"I knew it!Hindi ka maniniwala sakin!Ba't ayaw mong maniwala?!Totoo yung sinasabi ko!Sakto yung oras ng pagtulog ko!Seryoso ako at hindi ako nagbibiro dito."galit niyang sigaw.Napakamot nalang sa ulo si Demy."Hays."tumingin si Demy sa kanyang relo at saka tumingin pabalik kay Champ"Kailangan ko nang umalis Champibabes.Malapit nang magsimula yung next class namin.Please...Kung anong nakita mo baka guni-guni mo lang yun okay?Baka namamalik mata kalang.Sige alis nako."humalik muna sa pisnge ni Champ si Demy bago ito umalis.
"ARGH!BAKIT BA AYAW NIYANG MANIWALA SAKIN?!"nanggigil na sigaw ni Champaigne.Libre lang siyang magsisigaw sa hallway dahil wala naman masyadong Tao rito at sobrang tahimik pa na aakalain mong walang nagaaral rito.
*SCREEEECH*(insert tunog ng pintuang bumubukas)
Napalingon si Champ sa kaliwang hallway na madilim at walang katao-tao.
"A-ano na na namang pakulo ito jusq..."bulong niya.
'Champaigne...'
Nanlaki ang mata niya ng marinig niya ang pangalan niya.
'OMYGHAD!'
Nanigas siya sa kinatatayuan niya at halos hindi siya makagalaw sa takot.Unti unting bumukas ang pintuan hanggang sa...
'CHAMPAIGNE'
Parang may sariling isip ang mga paa niya at naglakad patungo sa madilim na hallway.
'WHAT THE HELL?!NABABALIW NABA AKO?!'
Huminto siya ng nasa harap na siya ng pintuan.
"Nangyari na ang nangyari.Nasa harap nako ng mismong pintuan...Wala ng atrasan toh."bulong niya sa sarili niya.
Hinawakan niya ang doorknob at binuksan ito ng paunti unti.Hanggang sa...
'Champaigne'
Narinig na naman niya ang hindi pamilyar na boses.
'Phew...Ba't ba sobrang lamig dito...'anang niya sa isip niya.
Madilim.
Yan ang tanging mailalarawan sa kakaibang pintuan.Parang nawala na naman sa wisyo si Champ at pumasok dito.
"T-tao po."sambit niya.
'Syete.Ang dilim.'komento niya sa kanyang isipan.Napatili siya ng napakalakas ng may narinig siyang parang nabasag na salamin.
Napatakip nalang siya sa tenga at saka nanginginig na nagpatuloy na naglalakad sa kakaiba na kwarto.
'Ayoko na...Please...Tama na...'sambit niya sa kanyang isipan.Ngayon para na siyang naiiyak sa takot.
Napatili ulit siya ng marinig na naman niya yung parang binasag na salamin.Napaupo nalang siya sa sahig habang tinatakpan ang tenga niya at habang nakapikit siya.
'Champaigne...'
Mas diniinan niya ang kanyang tenga sa pagkakatakip ng kanyang tenga dahil sa ayaw niya marinig ang kakaibang boses na yun.
'Champaigne tulungan mo ko.'
Dun na siya napadilat at...
Bigla nalang siyang nahilo at nawalan ng Malay.
BINABASA MO ANG
Hands (Creepy#1)
HorrorFirst,Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga multo o ano man yang mga kababalaghang yan pero nung araw na nakita ko ang mga katulad nila dun ko nasabing totoo sila.But still may part pa rin na na hindi pa rin ako naniniwala.Pero nung isa isa nang...