👻2

0 0 0
                                    

Pagkarating ni Champ sa Dorm nila ay agad siyang pumasok sa kwarto niya at pumunta sa kama niya.

"Jeez.Bakit wala dito sa kama."tanong ni Champ sa kanyang sarili.Linapitan niya ang Cabinet sa harap ng salamin at yumuko para halungkatin ang mga nasa loob nito.Napatigil nalang siya ng may maramdaman siyang malamig sa batok niya.

"A-anong--"hindi niya muna tinapos ang sinabi niya at agad na lumingon sa likod niya ngunit wala siyang nakitang ibang tao kundi ang sarili niya lang.Nagkibit balikat nalang ito at bumalik na ito sa paghahalungkat sa cabinet niya para hanapin ang libro.

Napatalon nalang siya sa gulat nung may narinig siyang kaluskos sa ilalim ng kama niya."Malaman ko lang talaga kung sinong nangtitrip sakin!Ipapakatay ko talaga!Peste!"padabog siyang lumuhod at yumuko at unti unting hinawi ang bed sheet.Hanggang sa...

*SQUEAK*

"AHHHHHHHHHHHHH!!!!"Agad itong napatayo at napalabas sa kwarto niya at nagtatakbo ito sa hallway.At nung makalayo na siya sa kwarto niya ay dun siya tumigil sa pagtakbo at napasandal sa dingding."S-sh*t...A-ano yun..."hinahabol pa rin niya yung hininga dahil sa mabilis niyang takbo kanina af napahawak na rin siya sa dibdib sa sobrang kaba.

Pero napatalon siya sa gulat ng may narinig siyang nagsalita."Miss Dela Torre?"Agad siyang napalingon at may nakita siyang tatlong kalalakihan sa harap niya.

"O-oh?"sagot niya rito."Ayos ka lang ba?"tanong ni Chain.Habang nakatingin naman sakanya yung natitirang dalawang lalaki na sina Tero at skylon.Ito pala yung nakapulot sa ID niya kanina."Y-yeah.Paano niyo pala nalaman yung surname ko?"nagtatakha niyang tanong."Uhm."inabot ni Tero yung ID niya atsaka"Napulot yan namin kanina sa hallway nahulog mo siguro yan.Tiningnan namin yung ID mo at pangalan at mukha mo nakalagay."mahabang litanya ni tero.Samantalang ang dalawang kaibigan niya sa gilid ay napailing iling na lamang at napangisi ng pasekreto.

"O-ows..."Tinanggap ni champ yung ID na inabot ni Tero at saka yumuko ng bahagya."Salamat at nagaksaya pa kayo ng oras na isuli ito sakin."sambit nito.Ngumiti lang ng tipid si tero at aakmang aalis na nung hinawakan siya sa magkabilang braso ng mga kaibigan niya.

"Anyway,Ms.Dela Torre pwede ba naming mahingi ang number mo mukhang gusto ka atang makilala ng kaibigan ko eh."wika ni Skylon at ngumisi ng sobrang lapad sa ngayo'y nakakunot ang noo na si Tero.

"Huh?Sino?"nagtatakhang tanong ni Champ.Pasekretong tinuro ni Chain ang kaibigan niyang si tero at napa-Ah nalang si Champ.

"Oh sige.Ahm 092---"

"Bakit ka pala nagtatakbo kanina at nagsisisigaw pa?"pagputol ni tero para matigil ang kalokohan ng kanyang mga kasama.

Sa pagtanong ni Tero sakanya ay naalala niya yung nakita niya.Naalala niya kung bakit siya nagtatakbo at nagsisisigaw sa hallway ng dorm.Na speechless siya at hindi magawang sumagot sa tanong ni Tero."Dela Torre?"pagaagaw pansin nito sakanya ngunit ito'y nakatulala at parang malalim ang iniisip."Ms.Dela torre?"pagaagaw pansin ulit nito sakanya ngunit parang wala pa rin itong narinig.

'Yung kamay..."-ani ni Champ sa kanyang isip at pilit na inaalis yung nakakatakot na imaheng yun.

"MISS DELA TORRE!"sigaw ni skylon at dun na napatalon sa gulat si Champ at nagtatakhang tumingin sakanila."Huh?"tanging nasambit ni Champ.

Napatawa nalang ang tatlo kasama na dun si Tero dahil sa inaasal ni Champ."Kailangan na pala naming umalis sige."sabi ni Skylon at hinila si Tero papalayo kasunod nitong naglakad ay si Chain na tinap pa sa balikat si Champaigne.

"Thank you!"pahabol na sigaw ni Champ at nagsimula na ring maglakad patungo sa susunod na klase niya.

'I'm sure na tapos na ang klase sa Science ngayon.Hays.First time akong hindi nakadalo sa Favorite subject ko pa.'ani ni Champaigne sa kanyang isipan.Habang naglalakad siya ay di niya maiwasang maisip ulit yung nangyari kanina.

'Yung kamay...Paano yun napadpad sa ilalim ng kama ko?'tanong niya sa kanyang isipan.

Ng dahil sa nakita niyang kamay sa ilalim ng kama niya ay parang ayaw na niya ulit pumasok sa kwartong yon.Natatakot siya na baka sa susunod ay iba na ang makita niya pero nagtatakha siya kung bakit may napadpad dun na putol na kamay at medyo may dugo pa.At hindi lang yin basta kamay.

Kamay yun ng isang tao.

-

"Hahaha.Ang weird niya pala."sambit ni Chain at tatawa tawa habang naglalakad sila pauwi."Yeah hindi ko iniexpect nga ganun pala siya."sagot naman ni Skylon.Habang Si tero ay malalim naman ang iniisip

'Bakit kaya nagtatatakbo at nagsisisigaw yun kanina?May nakita ba siyang nakakatakot?May nangyari ba sakanya?'-nagugulang tanong ni tero sa kanyang isipan.Inis niyang ginulo ang kanyang buhok.

'ARGH!AND BAKIT KO NAMAN YUN POPROBLEMAHIN?!ANO KO BA SIYA PARA AKO YUNG MAMROBLEMA?!'-sabi ni tero sa kanyang isipan.

"Uh..Pare okay ka lang ba?"nagtatakhang tanong ni Skylon.Napa-tss napang si tero at unang naglakad sakanila.

"Problema non?"tanong ni Chain.

"Tsk baka may dalaw o kaya nagmemenopause na yun.Hahaha"tatawa tawang sambit ni skylon.

"Baliw."sambit ni Chain at napatawa na rin sa kalokohan ni Skylon.

Hands (Creepy#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon