Prologue

70 8 2
                                    

"Bilisan mo dyan Clea,baka maabutan nila tayo" Hingal na sabi ko sa nakababatang kapatid kong babae.

Kasalukuyan kameng naglalakad habang tinatahak ang daan papuntang San Isidro na kung saan nakatira ang aming Lola na pwede naming hingan ng tulong.

"Ate, sandali yung tsinelas ko, naiwan kukunin ko lang.."

"Bilisan mo clea,nandyan na sila"

Patakbong kinuha nya ang kanyang tsinelas pabalik sakin ngunit....

"Bitawan nyo kohh---ate tulong ate!! tulungan mo ko!" nagmamakaawang sigaw ng kapatid ko.

Nahuli sya ng mga Tauhan ng Ama namin,

Blood Aces..

Sinubukan kong bawiin sya sa mga bampirang yon pero hindi ko nagawa.

Napakalakas nila at hindi iyon makakayanan ng isang dose anyong bata.

Hindi parin ako huminto sa pagsuntok sa kumakarga sa kapatid ko. Nang walang ano-ano'y,natumba na lamang ako dahil sa pagkahilo.

Umiikot ang buong paligid ko.Parang nasusuka ako.Hindi ko na nakayanang dumilat pa at tuluyan nang pumikit.

Madilim....

Masikip....

Mainit...

Nakakulong ako sa isang kwarto na sobrang maliit.Ako lang mag-isa dito at ramdam kong may tumititig sakin.
Hindi sila tao,mga nakakatakot na nilalang.

Tumayo ako at naglakad.Naglakad ng naglakad.Ngunit parang hindi natatapos ang daang tinatahak ko.

Patuloy ang aking paglakad hanggang sa ako mismo ang nakaramdam ng pagod.

Sumuko ang mga Binti Ko.

Dahil sa sobrang pagod...

bigla na lamang akong natumba at nawalan ng malay......

"Iha,gising anak nanaginip ka" isang sigaw ng matanda.

Matandang Babae.Manipis ang boses.

Si Lola Esang

"Iha,dumilat ka iha, dilat iha-----"

Hindi na nya naituloy ang kanyang sasabihin ng bigla akong gumalaw at mamulat.

"Uhmm,n-nasaan a-ako--"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla akong yakapin ni lola.

"Naku iha buti naman ay nagising kana,salamat sa diyos" humahagulgol na iyak nya habang nakayakap parin sakin.

Bigla kong naalala ang mga nanyari.Tumatakbo.Nagmamadali.Hindi Mapakali.Si Ama.Mga Tauhan. Si Cle---

"s-si Clea?! nasan sya gusto ko syang makita! nasan sya lola ligtas ba sya?!" nag-aalalang tanong ko.

Bakas sa mukha ni lola ang Panghihinayang.Pag-aalala at Pagkadismayado.

Nakita ko ang sagot sa kanyang mga mata.Nagsasabi ito na parang wala syang alam kung nasaan si clea, na hindi nya alam kung anong nangyari sa kanya.

"Tumakas kame kay Ama,kaming dalawa ni clea..." paunang salita ko napaupo naman si Lola sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

"Habang tinatahak namin ang daan papunta rito sa bahay nyo,ay naabutan kame ng mga tauhan ni ama,nakuha nila si Clea,ngunit lumaban ako upang bawiin sya ngunit bigo ako"

Bakit hindi ko sya nakuha?

Bakit?! anong nangyari?

"Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil bigla na lamang akong nawalan ng malay" mahinahong sabi ko ngunit bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita ko.

Hindi na nakasagot si Lola at tumayo upang kunin ang pagkain ko.

Si Lola ang Ina ni Ama.Hindi nya nakuha ang kanyang pagkabampira dahil puro itong tao.Ang kanyang asawa na si Lolo Fedrico ang may lahing bampira na sa edad ng 485 years old ay malamang nabubuhay pa.

Hindi lang si Lola Esang ang kanyang naging kasintahan.Sa daang panahong kanyang pagkabuhay,malamang marami na syang naging asawa.

Lumabas ako ng bahay ni Lola upang magpahangin.Nilibut ko ang buong lupang kinasasakupan ng bahay ni Lola.Malaki ito at Malawak.

Napahinto ako sa isang malaki at malamang napakatanda nang puno.Marami itong mga ugat at mga bulak.Nakakatakot ang itsura at para saksi sa lahat ng pangyayari.

"Kung makapag-sasalita lang sana ang punong yan,malamang maraming kwento ang maiku-kwento nyan Iha"malumanay na tugon ni Lola.

Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala sya.Tumingin muna ako sa kanya bago muling tumingin sa puno.

"Ang punong yan ay nasa 2585 taong gulang na"nakangiting tugon habang tinitignan ang puno."Lolo mo ang nag-alaga nyan kahit hindi sya ang nagtanim-----hindi lang natapos dahil sa isang trayedya."malumanay ngunit malungkot sa sabi ni Lola bago nagsimulang maglakad.

Kumaway muna sya sakin bago tuluyang nawala pabalik sa bahay upang maghanda ng makakain namin.

Napaisip akong bigla.Talaga ngang sariwa pa ang trahedyang iyon para kay Lola.Marami ang namatay na tao at bampira sa labanang iyon.

Trahedya na nakapagpabago sa aming lahat...

At trahedyang hindi malabong bumalik at maghasik ng lagim...

-----------------------------------------------------------
Maraming Salamat!!!!!!

See you On Next Chapter!!

May Mga Typo Error Yan! hahahahha pero klaro parin ang kwento!

Super thank you!

God Bless!

The Vampire's Daughter [ On Going ]Where stories live. Discover now