Chapter 2

40 5 7
                                    

Samantha's Point Of View

10 years later.....

Pagkalipas ng Ilang taon,hindi ko na muling nakita pa si Clea.Pero hindi ako tumigil sa kakahanap sa kanya.

Walang gabing nakatulog ako ng mapayapa.Buhay ang buong diwa ko para hanapin sya.Lahat ng parte ng katawan ko,pilit syang pinapahanap.

Hindi lang parang magkapatid ang turingan naming dalawa ni Clea.Laging kaming magkasangga sa lahat ng bagay.Laging nagtutulungan at laging nagmamahalan.

Naaalala ko pa nga nung minsang umiyak sya dahil nawala yung laruan nya.Sobra yung iyak nyang yun.Halos hindi sya tumigil kaiiyak buong araw.

Ang laruang kaseng yun ay napaka-makahulugan sa kanya.Bigay kase yun ni Mama bago sya umalis.

Halos pagalitan sya ni Ama dahil sa sobrang pag-iyak,malapit na nga syang mapalo nun eh pero syempre bilang ate hindi ko hinayaang mapalo sya.

Spoiled din yan kay Mama.Gusto nyang lagi syang kinakantahan bago matulog.Lagi nga kame nag-aaway dahil dun.

Cleah Alixieh Moonlight.Nag-iisang kapatid ko.Malambing.Mapagmahal.Maalalahanin.

Hindi ko kayang mawala sya sakin.Hindi ko kayang mawala sya sakin.Kaming dalawa na lang ang magkakampi simula nung mawala si Mama.

"Iha,gumising kana at maghahanap pa tayo ng mapapasukan mong eskwelahan." malumanay na sabi ni Lola.Agad naman akong bumangon at dumeretso sa C.R at naligo.

Pagakatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng damit.Dumeretso sa hapag kainan.

Habang si Lola naman ay abala sa paghahanda ng aming makakakain.

"Ang bango naman nyan Lola,ano hu ba yan?" nakangiting tanong ko.Agad namang humarap si Lola at tsaka inilapag ang sandok sa tabi ng kaldero.

"Espesyal ang araw na ito iha,dahil nakapiling na uli kita" abot ngiting sabi ni Lola.

Humakbang si Lola papunta sakin at tsaka umupo sa tabi ko.Nginitian nya muna ako bago muling nagsalita.

"Alam ko ang nararamdaman mo Iha,alam kong masakit isipin na hanggang ngayon ay hindi mo parin nahahanap ang kapatid mo." malumanay ngunit may pagkaalalang sabi ni Lola.

Umayos ako ng upo at biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko.Sumeryoso ako at nakatingin lang sa taas ng kisame.

Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko.Hindi ko dapat ipakita kay Lola na nasasaktan ako.Hindi nya dapat mahalata na nahihirapan ako.

Hindi na ako sumagot kat Lola.Ngumiti muna sya bago tumayo at muling bumalik sa kusina.

Maya-maya lang ay dumating na ang pagkaing inuluto ni Lola.Adobo pala ito.

Alam nyang paborito ko tohh,dahil sya ang nag-alaga samin ni Cleah mula pagkabata.

Nagkahiwalay lang kame dahil na rin sa Trahedyang yun.

Hayyyyyyyyyy....

Malakas na buntong hininga ko bago kumuha ng mga plato at kubyertos.Nilagyan ako ng kanin ni lola at sabay kaming kumain.

Hindi kami masyadong nagsasalita dahil ayaw nya nang maingay habang kumakain.Sumusulya lang ako sakanya ng patago.

"Saan mo ba gustong mag-aral?" malumanay na tanong ni Lola ngunit nanataling nasa pagkain ang paningin nya.

Bigla nyang iniangat ang kanyang mukha at tumingin ng deretso sakin.

Natigilan naman ako dun.Bakas sa mukha nya ang pagka-seryoso.

The Vampire's Daughter [ On Going ]Where stories live. Discover now