Kandila

11 6 0
                                    

Third Person's POV

      Siya si Anaiah Villareal, maganda, masipag, matalino. Siya naman si Terrence Alcantara, kuntento na sila sakanilang mga buhay hanggang sa nagkatagpo sila sa sindihan ng kandila sa simbahan.

Makalipas ang ilang araw ay pasukan na. Dahil first year palang si Anaiah naligaw siya sa Campus at hindi inaasahang makakabangga niya si Terrence. Imbis na tanungin kung okay lang siya ay nakuha pa ni Terrence na tumawa dahil ito ang ikalawang beses na magkakabanggaan sila.

 
   "Ikaw na naman?!" sigaw ni Anaiah

     Isang ngiti lang ang sagot ni Terrence sakanya.

Matapos ang ilang buwan nagkamabutihan silang dalawa hanggang sa naging sila, sobrang saya ang naramdamn ni Terrence sa mga panahong iyon. I-ce-celebrate na nila Anaiah ang kanilang sixth monthsary ngunit nagkaroon ng problema sa pamilya si Terrence kaya nakalimutan niya ang mahalagang araw na iyon, nabalot ng sobrang lungkot at galit si Anaiah dahil doon naisipan niya na mangaliwa, sinabi niya ang kanyang plano kay Gail na kanyang bestfriend.

     "Hindi ako sang-ayon sa plano mong yan kahit kaibigan pa kita" 

    Dahil sa pagtutol ni Gail sa kanyang plano mas lalong nagkaroon ng ideya si Anaiah at naisipang si Gabriel na nobyo ng kanyang kaibigan ang kukumpleto sa kanyang plano.

Hindi nahirapang kumbinsihin si Gabriel dahil sa sinabi ni Anaiah na pagseselosin lang nila sina Gail at Terrence pero mas malalim pala ang intensyon ni Anaiah. Isang araw inanyayahan ni Terrence si Anaiah para sa isang date kahit alam niya ang ginagawang kataksilan ng babae, bago matapos ang araw na iyon hindi na mapigilan ni Anaiah Ang sarili na kausapin siya tungkol sa kanilang relasyon.

      "Pagod na ako Terrence hindi ko na kayang magkunwari alam kong alam mo na ang aking ginawa kaya mo nga ako inimbitahan diba? para makipagbreak. Hindi ko lang alam ba't pinapatagal mo pa" sa puntong iyon hindi parin nagsasalita si Terrence. 

      "Pwes uunahan na kita. Tapos na tayo."

      "Hindi ako papayag na masira ang ating relasyon, ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito Anaiah hindi ko kayang  mabuhay ng wala ka!"

Nagpaulit-ulit sa isipan ni Anaiah ang mga katagang iyon simula ng marinig niya ito sa bibig ng lalake, natapos narin ang pinaggagawa nila ni Gabriel bago pa ang kanilang huling pagtatagpo.

Isang araw bumisita si Gail at Gabriel sa kanya. Lungkot, pagkagulat, pagsisisi, yan ang mga reaksyon ni Anaiah sa nalamang balita.

   

      -----pagkatapos ng dalawang buwan------

     

"Anaiah halika na puntahan natin si Terrence" pag-aanyaya nila Gabriel

     "Mauna na kayo susunod nalang ako"

 

 ------pagkarating ni Anaiah------

 
"Anaiah una na kami para masolo mo si Terrence" paalam nila 

"Terrence kung nasaan ka man ngayon alam kong masaya ka na, sana napatawad mo na ako. Ilang buwan na akong nagluluksa sa pagkamatay mo sobrang sakit, sobrang sakit para sa akin sana kung hindi ako naging sakim sana magkasama pa tayo ngayon. Nakakatawa hahaha una tayong nagkita sa sindihan ng kandila sa simbahan ngayon naman ay nagsisindi ulit ako ng kandila pero hindi sa simbahan kundi sa puntod mo. Basta tandaan mo mahal kita Terrence mahal na mahal, nabasa kuna pala ang iyong liham salamat sa lahat, salamat sa pagmamahal mong walang hanggan. Paalam mahal."

 Sa mga oras na iyon binalot ng hindi maipaliwanag na lamig si Anaiah, para sa akin ay hinahagkan lamang ni Terrence si Anaiah.

     Dear Anaiah, 

                     Pagbinabasa mo ito sana'y wag mong sisihin ang iyong sarili. Naging mahina kasi ako, hindi ko kinaya ang sunod-sunod na mga  pangyayari sa buhay ko.  Mahal na mahal kita Anaiah pasensya na kung hindi ako naging mabuting nobyo sa iyo. Salamat sa lahat Anaiah. Paalam

                                                                                                                       nagmamahal,

                                                                                                                           Terrence



-----------------------------END-----------------------------------

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now