1st Thunder

13.3K 535 163
                                    

1st Thunder
The I.D

"Shit male-late na 'ko.." bulong ko sa sarili ko habang nag aabang ng bus. Tagaktak na ang pawis ko sa sobrang init.

Mabilis akong nakipag unahan ng abang sa pintuan ng bus at kumapit sa bakal para sigurado na mauuna ako pagnakababa na ang lahat ng mga bumababang pasahero.

"Pasok pa sa dulo! Maluwag pa!" sigaw ng kontraktor.

Gitgitan na gitgitan at wala na 'kong maramdaman na aircon. Ang nakakainis pa maraming manyak kapag ganito'ng siksikan. At di nauso ang magpaka-gentleman sa mga lalake tulad ngayon wala man lang nahabag na paupuin yung matandang babae -__-

"Cubao." sambit ko sa bababaan ko, matapos ako bigyan ng ticket ay...napapikit ako sa iritasyon.

Mamaya ka sa'kin.

Dadaan na ulit yung kontraktor sa likod ko ng samaan ko ito ng tingin.

"Pwede ho ba'ng wag niyo idikit 'yang 'ano' niyo sa likod ko? Nakakailang at nakakabastos." pagpa-prangka ko dito.

"--pwede ka naman tumalikod ng daan dahil lalake naman yang nasa likuran ko." Tiningnan ko pa ang lalakeng nakatalikod sa likuran ko para ituro ang pinupunto ko.

Akala niya ba hindi ko nakikita yung pagdaan niya? Sinasadya niya hindi lang sa'kin pati na'rin sa ibang babae!

"Grabe ka, miss hindi kita binabastos."

"Ano? Sinong gagong manyak ang kauri mo ang aamin?"

Akala nito mananahimik ako? I want justice!

Nagsimula ng lumakas ang bulong-bulungan.

"Akala mo kung sino kang kagandahan para manghusga!" sagot nito at sa tingin ko sampung taon ang agwat nito sa'kin.

"Eh ikaw? Pinapares mo sa mukha mo yang kababuyan mo! Bababa na 'ko! Ayoko na dito!" Naghawian ang mga nakatayong pasahero upang pababain ako...binalikan ko ng nanlilisik kong mga mata ang kontraktor.

Dahil dito mas lalo akong na-late!

"Sandali pipicturan ko ang plaka niyo at ng mai-reklamo ka!" nakita ko ang pagkaputla nito bago ako nakababa ng bus.

Lakad takbo ang ginawa ko upang makarating sa 'Thunder University'

Gusto ko maiyak sa frustration dahil exam namin ngayon! Kailangan ko mag-ala-flash! Nung nasa gate na 'ko....

Gusto ko...gusto ko maglumpasay sa semento at iuntog ang ulo ko sa ulo ng guard dahil...dahil...di ko mahanap ang I.D ko! Di ko mahanap! Tanging lace na'lang ang natira! Nakasuot sa'kin yon...malas.

Nakatingin sa akin si guard ng seryoso. Oo, serious siya 😭

Niyakap ko ang tuhod ko, para akong tanga 'nu? Pero wala ako'ng pake.

Ni hindi ko nga pinansin yung humaharurot na motor na dumaan sa harapan ko. Di na ko nag abalang tingnan.

Nang biglang narinig ko ang pangalan ko

"Ms. Glendale Penelope, you may come in," sambit nung guard na para ba'ng gulat na gulat at natataranta?

"Huh?" Napatayo ako sa gulat.

😮

"P-pero wala akong I.D?"

"Nandito na po ang I.D niyo," mas lalo akong nagulat ng makitang inaabot niya ang I.D ko!

"PAANO'NG NASAYO YAN! PINAGTI--"

"Binigay ng aming Young Master Thunder ang I.D niyo, Ms. Glendale Penelope.."

Mafia Heir Possession: Thunder Thurston Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon