Chapter 1. Who am I and Where I came

6 1 0
                                    

Lugar na punong-puno ng krimen.Nakaw,hold-up ,murderer, kidnapping, at bakbakan na kasalukuyang ang lugar ay pinangalanang DELEKADO dahil ang nasabing lugar ay napakadilikado sa dapit ng Tondo.Punong puno ng hiyawan,sigawan at halakhak na akin ng nakasanayan maging sa pasa at sugat ay ang akin ng kinamulatan. "Hohohoooho...bogshhhhh!" "Bugbugin mo! Sige tamaan mo sa ulo! Sige pa sige! WooooohhhhWoohhh! " Ito lage ang maririnig mo tuwing may rakrakan.Malaki ang kikitain mo rito depende sa laki ng pusta sa kabilang grupo.Kung sino man ang nagwagi ay uuwi ng may dalang maraming salapi.Hindi basta-basta ang larong ito. Pwede kang mamatay sa larangang ito at nasa desisyon ng makakalaban mo nakasalalay ang iyong buhay kung ikaw ay matalo. Walang pili mababae man vs. Lalaki . Sa mga kapus palad ito ang nagsilbing hanapbuhay namin.Karamihan sa mga sumasali ay mga kabataan at mga batang abandunado na. Illegal man ay dito kami nabubuhay at makakakain lang ng ika tatlo kada araw. "Proooooot"tumunog na ang pito at iyon ang sinyalis na tapos na ang unang labanan.
"Angelou handa ka na ba?" "Kanina pa Nong Tiko,sabik na sabik na nga itong kamao ko." Pagpasok ko sa intablado ,parang nawala ang tapang ko at napahiran na ng kaba.Para akong natameme sa nakita ko .Ang laki niya kompara sa katawan ko . Babae vs. Lalaki na nasa 19-20 yata anv edad .Makakaya kaya ng labing-limang anyos na babae laban sa bente anyos na lalaki? "Prooot! From the red corner .Siya ang tinaguriang Kaptin Barbel sa kanilang baranggay Mr. John Barbelia!!" "WohhhhWohhWooohhh! Go kaptin !go kaptin! " Lahat yata ng tao rito ay pabor kay Barbelia,wala man lang akong fans tsk. "And from the blue corner ang BREED WINNER sa kanilang baranggay Angelou Manalo!" "Booohhh ! Wala lang yan sa kalingkingan ni kaptin! Hahaha!" Sigaw ng isang lalaki at nagtawanan ang lahat.Bwesit hindi pa nga nagsimula ang labanan mga ulol! At heto na pinag shake hands pa kami ng tarantadong to. "And now let the battle begin" sabi ng announcer. "Fight"
Ang bilis niyang gumalaw hindi ko siya matamaan parang alam niya ang bawat kilos ko. "Bogshhhhh" Natamaan niya ako sa pisnge . Bigla akong natumba at nagdilim ang aking paningin. Bwesit isang suntok palang iyon. "Booohhhh! Bohhh! Haha "sigaw ng mga tao. "Tapusin mo na siya kaptin . Patayin mo na siya!" Sa pagdinig ko sa katagang iyon ang dahilan ng pagkulo ng aking dugo. Nalasahan ko na ang dugo ko sa aking labi at doon ako namalayan. "Tatapusin na kita!" Napaiwas ako sa huli niyang suntok at dahilan ng pagkabali ng kanyang kamao na doon tumama sa pader na bakal.Napakalakas ang suntok na iyon.Mapatay niya siguro ako kapag hindi ako nakailag.Sinipa ko kaagad ang kanyang alagang jr ng napakalakas with my special kick.Napatumba ko siya at nagsusumamo sa sakit.Sinugod ko siya kaagad and sinuntok ng sinuntok upang hindi na makalaban pa.Sa mga pangsampo kong suntok ay nawalan siya ng malay at tiningnan ko kaagad ang kanyang pulso .Laking pasalamat ko dahil buhay pa ang gago.Oo basagolera ako ngunit hindi ako mamamatay tao. "Anglou for the win! ....Angelou for the win!......" Sigaw ng mga tao pati yong nang " Booohhh " sa aking ay pinuri rin nila ang pangalan ko.Tumayo ako na parang lasing dahil sa hapdi ng sugat sa aking katawan.
"At ang nanalo ay si Angelou Manalo!" Pasigaw na sabi ng announcer .Tudo pusta ang mga tao. " Nagwagi ka Angelou" sabi ng aking tagapagsanay na si nong Tiko.Lumisan kami kaagad sa lugar na iyon dala dala ang salapi.Sa di kalayuan ay may mga pulis na paparating .Binuhat ako ni nong Tiko upang makalayo at pumara kaagad ng taxi.
Sa magmulat ng aking mata ay naamoy ko kaagad ang herbal na palaging nilaga sa akin ni nong Tiko pagkatapos ng laban na pampabalik ng lakas ko. "Oh gising kana pala iha. Hala inumin mo ito pampagaan ng iyong pakiramdam." Ininum ko kaagad ang herbal dahil medyo mapait ang lasa nito. "Napahimbing ata ang tulog mo.Siya nga pala nagamot ko na ang iyong mga sugat sa katawan." "Maraming salamat po,ah anong oras napo pala ?" Napatayo ako bigla dahil sa pagsilip ko sa bintana na magdidilim na.
" Mag-aalas singko na ng hapon." Ani ni Nong Tiko.
Agad akong nagpasalamat at nagpaalam sa kanya.Hinati nin ang aking napanalunan dahil parehas ning pinaghirapan iyon .Nagtiyaga siya sa pagsanay sa akin simula limang taon na ang nakaraan.

WindfallsWhere stories live. Discover now