Chapter 2. 5 YEARS AGO

6 1 0
                                    


"Bogsh! Bogsh!.......sipa ,suntok, at bully ang palagi kong dinadatnan sa paaralan simula elementarya.
"Hmmm....hmmmmm....ano ba ang kasalanan ko sa inyo ? Bakit niyo ba ako palaging inaaway? Hmm.hmmmm!" Iyak parin ako ng iyak.
"Bawal kasi ang mga pulubi dito lalo na kapag mga singkit! Haha!!! Hahaha!!! Singkit!   ....singkit!...singkit!....." Tawa naman sila ng tawa.
Singkit ang tawag nila sa akin sa paaralan.Minsan nga sisnisisi ko si Lord kung bakit ang aking mata pero sabi nan ni nanay bagay raw sa akin ang singkit dahil ito raw ang nagbibigay attraction sa aking mukha.

"Ano naman kong singkit ako?hindi naman masama ang hitsura ko ah? Hoooohooo hmmm.hmmm..." Saad ko sa kanila

"Hala umiiyak na naman si singlit! Tingnan niyo nawala na naman ang kanyang mata whahahahahah!!!!! ...hahahaja!!! Yan ang bagay sayo!"

Sinipa ako ng sinipa  sabay tapon ng kanilang mga basura sa akin.
"HOY!"  Nagsitakbuhan sila nang marinig ang sigaw na iyon.Lumingon ako kung saan nanggaling ang sigaw.
Isang matandang lalaki na nasa 60 to 70 na ang edad na papalapit sa akin.Labis na takot ang aking naramdaman .Pinilit kong tumayo pero di ako makatayo. At
namalayan kong nasa harap ko na pala siya whahhh!....
"Diyos ko Lord!!!!!!!!!tulong! ......" Sabi ko sa aking isip.
Pinilit ko paring tumayo pero walang lakas ang aking mga paa dahil nangiginig na.

"Huwag mong piliting tumayo kung hindi mo kaya iha."  Saad ng matanda sa akin.

Isang boses na nagpapawi sa aking takot na ramdam ko ay  ligtas ako.
"Huwag  kang matakot hinding hindi kita sasaktan." dagdag pa niya.
Tumango ako at binuhat niya ako.Hindi nalang ako nagreklamo kung saan niya ako daldalhin dahil alam ko sa sarili ko na ako ay ligtas sa kamay niya.
Sino ba namang hindi matakot sa awra niya? Isang lalaking may mahabang balbas at may mahabang buhok na mediyo maputi na dahilan ng katandaan na akalain mo ay isa siyang mangkukulam.

WindfallsWhere stories live. Discover now