Chapter 3. My belove Queen

5 1 0
                                    

   Para akong matawa sa paggunita ng aking nakaraan.Kung paano ako binully noon at ang pagdating ng taong nagpapalakas ng aking loob at iyon ay si Nong Tiko.

Sa ngayon nagmamadali akong umuwi dahil magdidilim na.Pagdating ko sa bahay ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at dahan dahan-dahan akong naglakad patungo sa aking kwarto.
"Saan ka galing at bakit ngaypn kalang dumating?" Lumingon ako at nakita ko si tatay na nagkape at halatang galit na galit.

"Saan ka nanggaling anak ?bakit may mga pasa at sugat ka?" Nag -alalang tanong ni nanay sa akin.
Lumapit si nanay sa akin at tiningnan ang aking mga sugat.
"Umalis ra diyan Marita Kaya nga nagkaganyan ang batang iyan dahil kinukunsinte mo!"
Nag-aalburuto na naman ako sa takot.Lumapit si Tatay sa akin at "Paakk!"
Oo simanpal niya ako.Sumakit lalo ang pisnge ko at lihim kong dinama ang sakit.

"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka!paano kung napaano ka doon huh? Hali ka nga rito!"
Piningot ni tatay ang tenga ko kaya hindi ko mapigilang mapasigaw .
"Aray ko tay! .....Aray...tay" iyak lang ako ng iyak.
"Tama na Roberto awang-awa na yang bata." Pagmamakaawa ni nanay kay tatay.
Tumahimik ka riyan Marita tinuturuan ko lang ito ng leksiyon!" Sagot ni tatay kay nanay.

"Hirap na nga tayo sa pera !Dumadagdag ka pa sa problema! Paano kung higit pa sa pasa at sugat and dinatnan mo hah? Angelou wala tayong pambayad sa ospital !salat na nga tayo sa bigas pangkain niyo araw -araw! Bwesit na buhay ! " napaiyak si tatay sa inis at umalis.
Napahagulhul na ako sa iyak.Nagkulong ako sa kwarto kahit gusto ko ng maghapunan pero nahihiya ako sa kapatid ko at kay nanay dahil feeling ko pabigat ako sa pamilyang ito.
Maya-maya lang ay may kumatok sa kwarto ko.
"Anak kumain kana  dahil mag-alas nuwebe na ng gabi .Oh heto dinalhan kita ."
Napabangon ako kaagad at niyakap ko si nanay.
"Nay? Bakit ngayon lang po kayo dumating kasi po gutom na gutom na po ako."ani ko
"Hala sige kumain kana anak"
Pinagmasdan ako ni nanay habang kumakain.
"Nay ?may tubig po ba kayo?"
"Oo, heto .Oops dahan-dahan lang sa pag-inom"
Pagkatapos kong kumain ay nakita ko si nanay sa umiiyak.
"Nay?bakit po kayo kayo umiiyak? " pagtataka ko at tumulo muli ang luha ko.

"Bakit ka kasi sumali doon. Tingnan mo may gasgas kana sa mukha.Paano kung may nangyaring masama sayo ?Nak,hinding -hindi ko talaga kakayanin."
Hinipo ni nanay ang aking mukha at pinahid ang aking mga luha at niyakap ako.
Yan si nanay napakamapag-alaga at mapagmahal.

"Sorry po nay " pagpaumanhin ko
" ah Nay?" May kinuha akong kahon. Iniabot kay nanay at binuksan niya ito.

"Nak saan galing to?" Halatang gulat na gulat si nanay sa nakita niya. First time ko kasing sumali doon at first time ko ring kumita ng ganoong kalaking halaga.

"Nay yan po yong napanalunan ko.Narinig ko po kasi si Nang Bebeng na papaalisin na niya tayo bukas kung hindi tayo makabayad ng upa."
Umiiyak na naman si Nanay kung mabigyan siya ng award sa kanyang pag-iyak ay sure akong  tatanghalin siya bilang Best in Actress of the year.

"Anak, gagawan naman namin ng papa mo ng paraan iyon"

"Nanay naman tanggapin niyo nalang po ito .Dugo at pawis ko po itong pinaghirapan." Saad ko kay nanay.

"Nak  maraming salamat hah? Pero promise mo sa akin na hinding-hindi mo na ito uulitin  pa"

"Opo nay"
At Niyakap ko si nanay ng mahigpit.
By the way, hindi ko nga pala nasabi kong sino ako 😊. Ako nga pala si Angelou Perez Manalo. 15 years of existence and  I'm a grade 10 student .May kapatid ako na si Dianne Perez Manalo . 14 years of existence at grade 9 student naman siya ngayon. Tatay ko si Roberto Manalo at Nanay ko si Marita Manalo. Hirap kami sa buhay.Si tatay walang permanenting trabaho dahil elementarya lang ang kanyang natapos sa pag-aaral. Si nanay naman nagbebenta lang ng gulay sa palengke  at nangungupahan lang kami kina Aling Bebeng.

WindfallsWhere stories live. Discover now