It's Showtime Studio
Direk Bobet: Guys, after ng show usap tayo sa lounge area. ASAP, saglit lang naman to. Lahat ng hosts, please be there. I have an announcement to make.
———
Anne: Okay naman yung ratings ng show ah? Ano kaya yung ia-announce ni Direk?
Billy: Naku, alam nyo naman ang management! Hindi yan kuntento sa "okay" lang
Vhong: Baka magda-dagdag uli ng segment?
Karylle: Where's Vice? Sabi nya magpa-palit lang sya
Jugs: Uy, Vicerylle!
Billy: Tikitiktaktuktak, Vicerylle!
Jhong: Pero guys seryoso, baka magdagdag nga ng bagong segment. Sana kasama ka na, K! Para naman hindi yung lagi ka nalang hurado. Galing mo kaya mag-host!
Teddy: May point ka naman dyan, Kuys! Dami nating kuda, tayo nga tiga hampas lang ng gong tap--
Naputol ang pagchi-chikahan ng mga hosts nang pumasok si Direk Bobet.
Direk Bobet: Sorry to keep you waiting, guys. Usap na tayo, pwede? So as you can see, maganda naman ang ratings natin lately. But, the management wants more.
Anne, K, Billy, Vhong: More??!!!
Ngunit natigil ang usapan nang biglang may baklang pumasok sa silid at ito ay agad na tumabi kay Karylle.
Vice: Ano meron, Direk? Ano yung announcement? Bakit? Tungkol saan?
Direk Bobet: You're here! Wow, Viceral ha. Sabi ko as soon as possible kanina diba? Umupo ka na nga, mabilis lang 'to. Yun nga, as I was saying. Okay naman ang ratings ng show. But the management wants more. They want something new. Fresh kumbaga, out of the box. They asked me kung may iba pa daw ba tayong pwedeng gawing pakulo. Syempre as always, to gain more viewe--
Hindi pa man natatapos si Direk Bobet magsalita ay nagsalita na nga si Vice.
Vice: Hello, Tay Bobet? Technically, they're not even asking, nagde-demand na nga sila. Ano pa ba ang gusto nila?! Mag-trending tayo worldwide araw-araw sa internet?
Direk Bobet: I suppose? I don't know. Let me finish first, Vice. We'll be needing you since mukha naman bumenta sa tao yung first meeting nyo nung dancer. What's her name again? Uhm... I can't remember
Anne: Uhm, teka lang guys. I'll make hula, Jocelyn? Joyce? Jasmine? Jackilyn? Sorry, I don't know her din pala...
Karylle: Wait a second, Tay Bobet. Yung dancer. Ano yun ipe-pair up sila? Sila ni Vice?
Vice: Di ko rin sya knows. Napagkatuwaan lang naman namin ng mga writer yun. Biro biro lang
Ryan: Jackie name nya, boyfriend nya si Tom. Naku baka sumugod din yu---
Direk Bobet: You know what, Ryan? It doesn't really matter kung may boyfriend sya or ano. Pumatok sa masa eh, tsaka i-inform naman namin si Tom. And besides, utos ng management at ng mga big bosses. Be professional nalang. Direktor lang naman ako dito, I'm just also doing my job kagaya nyo.
Saglit namang nagka-tinginan sina Vice at Karylle na tila ba nakikiramdam sa isa't-isa. Natatakot si Vice na baka masaktan nya ang feelings ni K, at syempre ng kanilang mga Vicerylle Babies din. Ayaw lang nya na umabot sa point na nakakasakit na naman sya nang iba dahil lang sa utos ng management para sa ikaga-ganda ng show.
Seryoso ang lahat ng biglang may tumawag kay Direk Bobet.
Direk Bobet: If you don't mind, guys? Sagutin ko lang 'tong tawag. Importante lang.
Vice: Direk, saglit! Ayoko gawin. Ayoko saktan ang mga babies ko. Alam mo namang mahal ko yung mga yun diba? Ayoko masaktan sila dahil lang sa management, pera at ratings.
Direk Bobet: Come to think of it, anak. Pag-isipan mo muna ng maigi. Excuse me, I'll have to take this call.
Naging daan naman iyon upang magkaroon ng pagkakataon para makapag-usap ng masinsinan sina Vice at K. Ngunit bago pa man magsalita si Karylle ay inunahan na ito ng pag-alis ni Vice sa silid.
———
Karylle's POVKasalukuyang tulala ako sa lounge area kasama ang ibang hosts nang biglang tumunog ang cellphone ko. Karakaraka ko itong binuksan, umaasa na si Vice yun. At hindi nga ako nagkamali.
1 New Text Message
From: Vicey
"K, sunod ka naman sa DR ko oh. Let's talk."
Kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko at nilisan ang kwarto. Akmang kakatok na sana ako ngunit bumukas ang pinto at mabilisang hinatak ni Vice ang kamay ko papasok. Nang makapasok na ako sa dressing room ni Vice ay pareho kaming walang imik, kaya ako na ang unang nagsalita.
"So, what do you think? Mukhang okay naman yung pino-propose nila Di--"
"Hindi. Ayoko." mariin na sagot ni Vice
"Why not, Vice? Hey, I'm sure naman the babies will understand na it's just for the show? Na it's just a memo from the management."
"No. It's not like that. Hindi lang naman sila iniisip ko, syempre ikaw din. I mean, ayoko ma-bash ka na naman uli ng mga tao."
"Pfft! Don't worry about me, silly! Kaya ko 'to ano ka ba. I'm Ana Karylle kaya! And you know what, Vicey? I heard na depressed si Jackie, maybe this will help para mapagaan yung loob nya and who knows baka magka-project pa sya. Tsaka sabi nga ni Direk, diba? Be professional. Alam ko namang ako ang original."
"Okay sige na, payag nako. Always remember na ikaw naman talaga ang original, wala nang iba. All this time alam mo namang ikaw at ikaw lang! Tsaka ikaw kaya ang BU-hay KO!"
"Halika na nga sa labas! Nagte-text na sila Anne, nandun na daw si Direk."
"Palusot ka pa naku if I know naglalapot na yang singit mo sa kilig"
"Kadiri ka talaga! Eww, so gross!"
"Pero mahal mo"
———
Lounge Area"So ano, Vice? What do you think?"
"Nakapag-decide na po ako 'Tay Bobet. I'll do it."
/// END
Happy Birthday, Mommy K!!!!!! 🌻✨💕

YOU ARE READING
You And Me
Romance"The greatest kind of love is that kind of love that never loses hope. The greatest kind of love is that kind of love that remains and continues even after goodbyes." - Jose Marie Viceral