Jeon Jungkook
I woke up crying in my girlfriend's bed. I was crying hard.
"LOVELYBETHHHHH!" Narinig kong sigaw ni Andeine mula sa labas. Agad akong bumaba para pagbuksan sya ng pinto.
"Ay balugang mugto ang mata! Jungkook! Gago ka ginulat moko!" -Andeine
"teka nga pumasok muna tayo. Baka may makakita sayo dito." -Andeine
"A-asan si L-lovely?" naiiyak kong tanong sakanya.
"Ay. Wala ba dito? Akala ko bumalik kasi Bukas ilaw eh. Akala ko nan hindi na sya tutuloy. Alam moba---"
"PUTA ANDEINE NASAN YUNG GIRLFRIEND KO!!?"
"Ah eh teka lang! Sinundo sya ni tita kagabi dito pag uwi nya. Tumuloy sila sa hotel malapit sa Incheon."
"Anong oras yung flight nila?" -ako
"10 am daw."
Agad akong tumingin sa oras. 9:15 na.
"tangina!"
Tumakbo nako kaagad sa taas. Binuksan ko yung closet ko at kinuha yung coat ko. Saka mask. Kinuha ko din yung pinakatatago kong gamit sa closet. Wedding ring. Dapat sa 3rd anniversary ko pato gagamitin. Pero wala eh. Aalis na sya.
Bumaba nako kaagad at nag ayos ng sarili ko.
"TARA NA BILIS! ANO SASAMA KABA!??" Sigaw ko kay Andeine at agad na lumabas. Lumabas na din sya kaya nilock kona yung pinto. Pumara nako ng taxi.
"INCHEON KUYA PAKIBILIS!"
Nakatulala lang ako habang iniisip ko yung maaaring mangyari kapag nawala si Lovelybeth sakin. Naramdaman kong tumulo yung luha ko sa cellphone kong nakabukas at nagriring.
"HOY JUNGKOOK! TUMATAWAG SI LOVELYYYY!"
Nagising yung diwa ko sa boses ni Andeine. Agad kong sinagot yung tawag ni Lovely.
"Yeobo! Nasan ka? Wag ka umalis please. Please. Yeobo jebal."
"I'm inlove with you Jeon Jungkook. Was. Still am. And will always be. ❤"
"Yeobo hintayin moko papunt---"
Pinatay nya na yung tawag. Umiyak nalang ako bigla. Ayoko talagang umalis sya. Paano nako? Lalo akong hindi makakapag focus kapag wala sya sa tabi ko.
"Ano bayan! Bakit ngayon pa natraffic ng ganito!?" -andeine
Agad akong napatingin sa Kalye. Ang haba ng pila ng mga sasakyan sa sobrang traffic. Shet. 9:45 na. Gusto ko pa syang makita. Kung aalis man sya. For the last time gusto ko syang makita.
Hindi talaga gumagalaw yung mga sasakyan.
"kuya oh. Salamat! Keep the change!" lumabas nako kaagad ng taxi. Madaling madali na talaga ako.
"san ka pupunta Jungkook!?"
"tatakbuhin kona to! Ano sasama kaba?" -ako
"wag na. Bilisan mona! Susunod nalang ako!"
Tumakbo nako. Pinakamabilis na takbong kaya ko. Umiiyak nako habang tumatakbo. Sa sobrang bilis kong tumakbo, nalaglag na yung mask ko. Kukunin kopa sana. Kaso may mahalaga si Lovelybeth kesa sa mga makakakilala sakin. Wala nakong pake kung pagkaguluhan nila ako. Kailangan ko si lovely.
9:55 nakarating nako sa incheon. Agad akong pumasok sa loob. Hinanap ko sila. Ayokong mawalan ng pag asa. Kasi alam kong nandito pa sila.
"woah! Jungkook oppa!"