Sana ako na lang (One shot story

2.4K 87 61
                                    

Enjoy~! 

Hi ate ^__^V

---------------------------------------------------------- 

 Sana ako na lang :(

by: Redinlove

Mahirap ang mabuhay. Pero lahat naman tayo kinakaya hindi ba? Ang mga aksyon natin hindi ganun kadaling gawin. Hindi ganun kadaling gawin kung sa mga desisyon mo sa buhay ay hindi mo alam kung tama ka ba. Hindi ganun kadaling sabihin na ginawa mo yun kasi dun ka masaya. Kung ang totoong rason nito ay ginawa mo yun kasi alam mong dun SIYA sasaya.

Ako nga pala si Czarina Joice P. Villegas. Simple at tahimik.

Si Marrian Javier. Isang simpleng babae na kuntento na sa boyfriend niya. Isang makulit, pasaway at moody na babae. Siya nga pala ang Bestfriend ko. Matagal na kaming magkakilala kaya naman kilala ko na siya. Pero hindi niya ako ganun kakilala.

Dahil hindi ako palakwentong tao.

Kaya nga pati nararamdaman ko, hindi niya alam.

Anong magagawa ko? Pinanganak akong ganito eh. Kaya maraming tao ang nagsasabi sa akin ng problema at mga sikreto nila. Kasi alam nilang hindi ko kayang sabihin ito sa iba. At isa yun sa mga ayaw ko sa personalidad ko. Sila, kaya nilang sabihin ang nararamdaman nila. Samantalang ako, eto 'di ko kaya. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit.

Mabuti sa kanila naiishare nila ang mga problema nila, at kahit papaano ay may tinik na nawala sa dibdib nila dahil sa pagkwento nila nun. Habang ako? Wala. Walang ginawa kung hindi bigyan lang sila ng advice. At ang sakit isiping hindi ko kayang gawin yung mga ginagawa nila. Pero hindi nila alam yun, kasi nga alam nilang ganito ako. Ganito ako -- kuntento na sa kaligayahan ng iba. 

-------------------------------------------

Ngayon ang unang araw namin bilang freshmen. Dito din naman kami sa school na to grumaduate nang elementary kaya alam na namin ang pasikot sikot ni Marriane.

"Alam mo yung feeling na kinakabahan ako ngayon. Ang dami naman kasing mga bagong mukha eh. Nakakapanibago." 

sabi ko kay mariaane habang nilalagay niya ang bag niya sa upuan sa second to the last row sa gilid malapit sa bintana.

"Oo nga eh. Asan na kaya si Rina?"

Si Rina Dela Cruz ang kaibigan din namin. Pero nung grade 5 lang siya napalapit sa amin. Ang kaso hindi kami gaano kaclose ni Rina dahil na rin sa lagi silang magkausap ni Marianne. 

"Andito ako." tawag ni Rina sa amin.

Naupo na kami at nagstart na ang unang klase namin. Syempre magpapakilala kami. Nang biglang may nakita akong lalaking sobrang KULIT at joker kaya naman tawa kami ng tawa sa mga jokes niya. Ang kulit niya, ultimo sa pagtour namin kanina.

Pasaway kumbaga.

"Hi~~ my name is Earl  Mark Reyes. You can call me handsome este pangit este cute este Earl." Tumawa siya

At tumawa lahat ng klase. Ang kuleet.

Kinagabihan. May nagtext sa akin, unregistered number

--

From: +63928*******

Hi. Pwede ba kitang maging textmate?/

--

Ayaw ko sana siyang textan pero may parte sa akin na nagsasabing replayan ko. Kaya nagreply naman ako

--

Sana ako na lang (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon