true love

74 2 0
                                    

ANA POV:

Isang buwan na ang lumipas at mayado kaming naging busy sa gang  madalas kasi may away at ang mga baguhan ay matitigas ang ulo,kaya kami ang napapasubo sa mga gulo na pinapasok nila,

Kami naman ni Patrick hindi ko na alam masyadong magulo madalang kaming nag sasama at kung mag kasama nman kami madalas balisa sya o wala sa sarile hindi ko makausap nang matino.

Pero gaya nang una napapansin ko parin na madalas silang mag sulyapan ni myla,ewan ko ba ramdam kung my mali pero hindi ko lang alam kung panu ko ba itatanong sa kanya,siguro hintayin ko nalang na sya mismo ang mag sabe.

Si kuya naman madalas nang maagang umowe at napapansin kung madalas nyang obserbahan ang galaw ko kaya double ingat ako at mas naging dahilan yun para mas lalo kami nawalan nang oras ni Patrick.

Nga pala lumipas narin ang one month namin ni Patrick na mag karilasyon pero nakalimutan nya yata kc,isang linggo na ang nakalipas hindi malang nya ako nabati,masama man ang luob ko pinilit ko nalang na intindihin,

Papunta ako ngayun sa cafeteria narun na kc ang barkada ako nalang yata ang wala,dumaan pa kc ako sa locker ko at kinuha ko yung gift ko para kay Patrick.

Pag pasok ko sa entrance rinig ko agad ang maingay na mga estodyante na nag kakasiyahan at nag kakagulo kasama ang mga barkada nila,domeretso agad ako sa lamesa namin,

Hi" bati ko sa kanila

Dali dali naman akong nilapitan ni Patrick at hinalikan sa pisnge,pinag hilaan nya ako nang upuan sa tabi nya,

Binilhan na kita nang pag kain bhe"sabi ni Patrick

Salamat"simpling sagut ko

Ana madalas yatang busy ka?anu bang pinag kakaabalahan mo? Tanung ni Jason

Hmmm wala naman maaga na kc umoowi si kuya ngayun kaya hindi ako nakakasama sa lakad nyo"sabi ko at tumingin kay liza,alam ni liza,myla at megan Kung san ako pumopunta dahil narun sila nung araw na binigyan ako nang ubligasyon nang founder namin,ako kc ang inatasan na mag disiplina nang mga pasaway sa grupo,

Tango tango lang ang sagut nila saakin at nag patuloy uli kami sa pag kain habang ang iba ay nag kokwentohan,

Hinawakan ko ang kamay ni Patrick sa ilalim nang mesa kaya napatingin sya sakin,malamlam ang mga mata nya at parang nagugulohan sya,parang my malaki yata syang problema

Nginitian ko sya at kinuha sa bag ko ang isang itim na relo at sinuot sa kamay nya,halatang nagulat sya sa ginawa ko dahil nanlalaki ang mga mata nya.

Ngumiti ako ulit
Gift ko sayo,hindi ko kc nabigay nung mag isang buwan tayo"

Nakita ko sa mga mata nya na naluha sya pero pinipigil nya" guilt "yan ang nababasa ko sa malamlam nyang mga mata,

Nagulat ako nang bigla nya ko yakapin,sorry bhe'nawala sa isip" bulong nya

Masakit man na nakalimutan nya pero dapat intindihin ko dahil halata nman na my problema sya,at ayo ko na dumagdag

Okey lang anu kaba,my susunod pa naman ehhh"

Babawe ako bhe"sabi neto at hinalikan ako sa ulo

PDA kayo ahh"sabi ni Jacob

At nakikanchaw naman ang iba

Gago ingit lang kayo"sabi ni Patrick

at nag kulitan nanga ulit sila,ang kukolit hahaha

☺☺😂😂😊😊

( True Love )completed TRUE TO LIFE STORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon