SINTA

109 1 0
                                    

Toxic ang opisina alas-9 pa lang. Parang Divisoria. 

"Kailangan na Leah ni Boss ang report. Pakibilisan please." 

Iba ang volume at tono ng boses ni Mam Lydia, ang supervisor ng office cluster.  Love her or hate her. Mahigit dalawang dekada na siya sa kumpanya. Marami na ring empleyado ang lumuha at umiyak sa sobra niyang estrikta. Ito ang panahon na maingay siya. End of the year accounting and inventory. Robot ang lahat ng nasa opisina. 

Aligaga ang dalaga. Hindi alam kung ano ang uunahin. Hirap pagsabayin ang problema sa pamilya at pressure sa opisina. Nag-away sila ng bunsong kapatid dahil nahuli sa pagbabayad ng first tranche ng enrolment fee. Hataw siya ngayon sa overtime para may mabayaran ang inutang sa Bumbay na rumoronda sa kanilang lugar. 

"OK ka lang?" Napalingon ang dalaga. 

Kinabahan nang makita si Robert, ang manager ng kumpanya. Nakangiti at posturang-postura.  Parang hindi naman naghahabol sa dapat tatapusin niya. 

"Ok lang po ako Boss. Tatapusin ko na po ang mid-year evaluation reports. Pasensiya na po."

"Well, next week pa naman ang deadline niyan. Take it slowly." Iba ang tingin ni Mam Lydia sa dalawa. Alanganing napapangiti o nagtataka. 

"Tapusin ko na Sir this day. Baka matambakan pa ako ng trabaho."

"Good. Pero no rush.", sabay lagay ng isang note sa desk ng dalaga. 

"NAGUSTUHAN MO BA ANG ROSE?"

Na-shock ang dalaga. Hindi niya inakalang ang boss niya ang may pakana ng lahat. 

Notorious si Robert sa pagiging palikero. Single pero marami nang nababalitang naging girlfriend. Noong nakaraang Christmas party sinama niya ang isang babaeng modelo sa iba't ibang magazines. 

Ganunpaman, no nonsense leader siya. Laging nahi-hit ang marketing targets ng kumpanya. Kaya tuwang-tuwa sa kaniya ang mga top executives. Mahirap siyang palitan sa panahon na pataas ang sales ng kumpanyan. 

Hindi pa rin maproseso ng dalaga ang note. Surreal ang feeling. Matagal na kasi siyang may crush din sa kaniyang boss. Pinipigilan niya lang dahil sa dami ng concerns sa buhay. 

Tumigil ang orasan. Parang dinala siya sa outer space na walang siyang naririnig kundi ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. 

Umalis si Robert nang maiabot ang note. Nginitian ang dalaga bago bumalik sa kaniyang opisina. 

Naparalisa ang buo niyang pagkatao. 

"Ano ang nangyayari? Totoo ba ito?"



KILIG, KIROT and KEMBOT CHRONICLES Number 1Where stories live. Discover now