SURREAL

75 3 0
                                    


Hindi makapag-concentrate si Leah sa kaniyang ginagawa. Parang hindi niya kayang tapusin ang santambak na folder sa desk niya. 

Overthinking mode. 

"Bakit ako?"

"Ano ang sasabihin ng mga tao sa opisina?"

"Babaero ito at baka biktimahin lang ako."

"Ano ang nakita niya sa akin e hindi naman ako maganda."

"Paano na ako gagalaw sa lugar na ito. Awkward na."

"Kapag ni-reject ko siya, baka bawian naman ako sa mid-year evaluation."

"Ginugulo nito ang buhay ko. Ayoko ng ganito."

"Hindi pa puwede mag-asawa dahil kailangan kong unahin ang aking pamilya."

HOOOOY! sigaw ni Mam Lydia.

"Ang evaluation reports, nasaan na?"

Biglang napabalikwas si Leah. Muntik nang mahulog sa ergo chair niya. 

Iba ang irap ni Mam Lydia papalayo mula sa kaniyang desk. Estrikta siya pagdating sa trabaho. Sinabihan na siyang kailangang ihiwalay ang personal sa propesyunal na buhay. Kapag sa opisina, trabaho. Else, bibigwasan siya sa evaluation. 

Hindi namalayan ng dalaga na lampas na ang 12:30 ng tanghali at wala pa siya sa 1/4 na kaniyang dapat tapusin. CR break lang ang pahinga. 

Alas-5 na at wala pa siya sa kalahati ng folder na nakatambak sa desk niya. 

Alam na ni Mam Lydia na hindi niya kayang tapusin ang report. "Kailangan mong mag-over time dahil sa makalawa na kailangan iyan. Dadaan pa iyan kay Sir Robert."

Tulala lang siya. Walang magawa. Kinuha ang cellphone na may wallpaper ng ina at mga kapatid niya.

"Ma, hindi ako makakauwi nang maaga. Baka alas-10 na ng gabi ako makakarating sa bahay. Kayo na muna ang bahala sa ulam mamaya. Utang na muna kayo kay Aling Berta." 

Alas-6 ng gabi. Uwian na ang mga empleyado.

"Mauna na ako. Ayusin mo iyan at nang hindi tayo malintikan sa mga boss natin." ani Mamy Lydia.

Maliban sa guwardiya at night shift na mga janitor, siya na lang at ang boss niya ang natitira sa opisina. Tutok ang manager sa kaniyang ginagawa. Walang napapansin. Workaholic mode. 

Napatingin siya sa opisina ni Robert. Pilit niyang nilalabanan ang halo-halong damdaming pipigil sa kaniya para matapos ang kaniyang ginagawa. 

Alas-8 ng gabi. 

Sa gitna ng kaabalahan, may tumawag sa kaniya. "Nag-overtime ka pala."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KILIG, KIROT and KEMBOT CHRONICLES Number 1Where stories live. Discover now