21. *The Plan*

2 2 0
                                    

Tahimik na kumakain ng hinog na mangga si Reano. Nakaupo siya sa isa sa mga sangga ng puno ng mangga kung saan niya kinuha ang mga manggang kinakain niya ngayon.

Paborito niya sa lahat ang hinog na mangga. Kaya tama lang na maging masaya siya dahil kinakain niya ang paborito niyang pagkain. Pero walang bakas na kasiyahan sa mukha ni Reano. Puno ito ng hinanakit at parang inako lahat ng problema sa mundo.

Reano: Hindi ko lang paborito 'to, paborito 'to naming dalawa.

At sa isang iglap ay bumuhos ang mga luha ni Reano. Humagulhol siya sa pagiyak at nag-ingay.

Minura niya ng minura ang pusong labis na nasasaktan ngayon.

Minura niya ang buhay niya.

Minura niya ang lahat.

Reano: Sana hindi nalang ako nagpakalayo! Sana sinakripisyo ko nalang ang buhay ko para bumalik ang pagiging ibon ni Taehyung! Mas maayos pa 'yon kaysa dito na nabubuhay naman ako pero pinapatay ako araw araw.

Pero gustuhin man niyang mamatay nalang ay inisip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Taehyung pagnalaman niyang namatay siya dahil sakanya. Baka ay sundan siya agad ni Taehyung.

Natigil si Reano sa pag-e-emote ng may marinig na sigaw mula sa malayo. Dumungaw siya sa ibaba para hanapin ang sumisigaw pero walang tao ang naroon. Luminga linga siya sa paligid pero wala siyang nakita ni anino.

Hanggang sa unti unti lumalapit at lumalakas ang sigaw. Nang mas lumakas ito ay tumingin siya sa ibabaw at agad na nanlaki ang mga mata nang makitang may kung ano na mahuhulog. At siya ang mahuhulugan!

Nagulat si Reano sa nakita at agad na nahulog ang mga manggang kinuha niya pati na ang manggang hawak niya.

Huli na para umiwas si Reano. Bumagsak sakanya ang bagay na nagmula sa itaas.

Sabay silang nahulog sa ibaba. Hindi nakalipad si Reano dahil masyado siyang nasaktan dahil mabigat ang bumagsak sakanya kaya ay umaalog ngayon ang kanyang ulo.

Nakapikit habang nahuhulog si Reano mula sa sangga ng punong inupuan niya. Iniisip niyang ito na ang katapusan niya. Na mas mabuti ng mamatay siya para mawala ang sakit.

Nagawa pang ngumiti ni Reano sa mga huling sandali. Tila bumagal ang oras habang nahuhulog siya.

Hindi siya pwedeng magpakamatay dahil kapag ginawa niya 'yon ay makakalimutan siya ng lahat. Walang bakas niya ang maaalala ng lahat. 'Yan ang parusa ni Dyosa Strenge sa mga taong kinikitil ang sariling buhay.
Kaya ganun nalang ang saya ni Reano dahil aksidente siyang mamamatay.

Hinihintay na ni Reano ang pagbagsak niya sa sahig. Hinihintay na niyang mabagok ang ulo niya at mawala sa mundong kinabibilangan niya. Pero may humila sakanya at naramdaman niya ang mga bisig nito.

Gulat at agad na dumilat si Reano dahilan upang makita niya kung sino ito.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata.

Reano: Taehyung..

At nawalan na ng malay si Reano sa pagkakabagsak.

*On the other side*

Reawo: Ate hindi kita maintindihan! Bakit mo sinabing patay na si Kriswo?! Gusto mo ba talagang maparusahan ng husto si Capayas sa kasong hindi niya naman ginawa?!

Herlow: Ano bang sinasabi mo Reawo?! San ka ba talaga kampi? Kita mo bang nagaagaw buhay na si kriswo dahil sa Capayas na 'yon at siya pang kinakampihan mo! Hindi ba't galit ka rin sakanya?! Nagpanggap siyang ikaw! Nakakalimutan mo na ba?

Friends In FurlandWhere stories live. Discover now