35 *Last Show*

17 3 0
                                    

**

Paggala gala ang kaluluwa ni Kriswo. At sa paglipas ng oras ay unti unting nawawala ang kanyang mga alaala.

Kapag ang isang kaluluwa ay tumakas at nagpunta sa mundo ng mga buhay ay unti unting magiging masama sa paglipas ng oras. Malilimutan niya ang kanyang pagkatao at mawawalan ng landas.

Kriswo: Kanina pa ako paliko-liko dito pero hindi ko na alam kung saan ako papunta!

Green Repair: Kriswoooo!!

Kriswo: S- sino ka?! Wag kang lumapit sa'kin!!

Green Repair: Pag hindi ka sumama sa'kin, tuluyan ka ng magiging masamang kaluluwa!

Kriswo: P-patay na'ko?

Green Repair: Oo, Kriswo.

Kriswo: I- iyan ba ang pangalan ko? Nasaan ang pamilya ko? Gusto ko silang makita!

Green Repair: Tagasundo lang ako. Wala akong alam sa pagkatao mo. Kaya halika na at bumalik na tayo. Pag sumama ka sa'kin, maaalala mo ang mga tao sa buhay mo.

Kriswo: Pero ayoko. Ayoko pang mawala.

Green Repair: Hindi ka naman tuluyang mawawala. Magkakaroon ka pa ng ikalawang storya.

Kriswo: Ano?

Green Repair: Reincarnation.

Kriswo: Pero...

Green Repair: Halika na, Pusa.

Kriswo: 😔.

***

Natapos din ang madugong labanan nina Kurujay at Capayas.

Hinigop ni Koro ang kanyang kapangyarihan mula sa dalawang panig. Kinuha ni Strenge ang natitirang Kapangyarihan ni Kurujay na galing sa kanyang pagiging wizard upang wala na siyang magamit pa laban kay Capayas.

Ngayon ay tapos na ang labanan, wala ng kaguluhan. Kaya nagsimula ng bumangon ang mga tao mula sa malagim na sinapit.

Dumating ang mga rescuers, ambulance, Red Rose (Isang organisasyon na tumutulong sa mga tao sa panahon ng Kalamidad.) at nagsimulang tulungan ang mga tao.

*Sinaktan Hospital*

Habang nagmamadaling kumilos ang mga doctor at nagkakagulo ang lahat dahil sa maraming pasyenteng sinugod, tulalang naka-upo si Chanchan habang hawak hawak ang isang kwintas.

Isa si Chanchan sa mga nagboluntaryong sumama sa mga rescuers. Unang pinuntahan nila ang gumuhong catz arena at dun niya natagpuan ang nagiisang kwintas na binigay niya kay Kriswo. Walang kagaya ang kwintas na iyon sapagkat si Chanchan mismo ang gumawa ng kwintas na iyon.

Lutang ang isip ni Chanchan ng makuha nilang mga rescuers ang mga labi ng mga tao at mga pusa. Ganun na lamang ng makita ni Chanchan ang malamig na bangkay ni Kriswo. Dahil sa pagkagulat ay nawalan ng malay si Chanchan at sa kanyang paggising ay nasa hospital na siya.

Mabilis niyang pinuntahan ang morgue at isa isang tiningnan ang mga bangkay. At sa dulo, dun niya nakita ang taong guguho sa buhay niya.

Ni hindi malapitan ni Chanchan si Kriswo dahil hindi siya makapaniwala na ang babaeng kanyang pinakamamahal ay nakahiga na sa malamig na sahig at nakabalot ng puting tela.

Umatras si Chanchan at mabilis na tumakbo palabas ng morgue.

Baek: Chan! Anong nangyari? Bakit ka hinimatay? Hindi mo ba kinaya?

Friends In FurlandWhere stories live. Discover now