GUSTONG mapailing ni Thaddeus habang pinagmamasdan ang naging reaksiyon ng napakagandang babaeng natagpuan niya sa loob ng All Seasons resto bar sa East Hampton. Sa edad na twenty-seven ay isa na siyang matagumpay na businessman at kasalukuyang nasa New York para sa kanyang negosyo. Nagkataon na ang isa sa mga current client ng kompanya niya ay resident ng East Hampton at isa rin sa napakaraming partygoers sa village. Nagkasundo silang magkikita sa isang fine dining restaurant para pag-usapan ang tungkol sa business. Madali namang natapos ang kanilang business deal at niyaya siya nitong pumunta sa All Seasons. Dahil kliyente, pinagbigyan niya ito. Ngayon nga ay nagwawala na ang kasama niya sa dance floor habang siya ay naiwang mag-isa sa kanilang mesa. Dapat ay magpapaalam na siya sa kanyang kliyente dahil maaga pa siyang papasok sa opisina kinabukasan, pero napigil iyon nang biglang pumasok sa loob ng resto bar ang magandang babae na tila aristokratang may mataas na antas sa lipunan kung pag-ukulan ng pansin ng lahat.
Unang tingin pa lamang ay namalas na niyang may Asian blood ang babae kaya naagaw niyon ang kanyang atensiyon. Tila may kung ano ring bumubulong sa kanya na manatili roon at pagmasdan ang babae. Kaya iyon ang ginawa niya. Hindi na niya nagawang lubayan ng tingin ang babae habang nakikipagkuwentuhan sa isa ring tila Asian na babae na katabi ng bartender. Siguro iyon ang manager ng All Seasons. O kung hindi man, baka ang may-ari. Hindi niya alam, at wala siyang pakialam. Nakapokus siya sa magandang babae na tila prinsesang pumasok sa bar. Kilala yata sa lugar ang babae dahil halos lahat ng naroroon ay napapalingon sa gawi nito.
Ewan nga ba kung ano ang nangyari sa kanya at natagpuan na lang niya ang sariling naglalakad patungo sa bar counter malapit sa puwesto ng babae nang mapag-isa ito. Naiinis siya sa sarili na may tila kung anong nag-uudyok sa kanya na makipagkilala sa babae. May fiancée siyang iniwan sa Pilipinas. Kaya ano ang kalokohang ginagawa niya? Nagpasya siyang sundin ang kagustuhan ng kanyang mga magulang. Nag-improve na rin ang damdamin niya para kay Avie. Pero ngayon, ano itong ginagawa niya?
Parang natauhan si Thaddeus sa isinisigaw ng matinong bahagi ng kanyang isip kaya sa halip na dumeretso palapit sa babae ay sa bartender siya humingi ng inumin. Nakakababang-puri yata sa kanyang pagkalalaki kung babalik pa siya sa puwesto pagkatapos maudlot sa naunang nais gawin. At hindi rin maarok ng katalinuhan niya kung saan ba nanggaling ang ideyang nais niyang makilala ang babae. Ang plano niya ay uubusin lamang ang inumin at aalis na roon subalit naudlot na naman nang maramdamang pinagmamasdan siya ng babae.
At last, he succeeded in getting her attention. But it was too late to recognize that it was a big mistake. Ang tanga lang niya. Hindi niya dapat ginawa iyon. He was not interested in any girl. Ang tanging bagay na mahalaga sa kanya ay ang negosyo at ang success niyon. Iyon ang pilit niyang itinatak sa isip.
Nang ang magandang babae ang magsimula ng usapan ay unti-unting napatid ang pagkondena ni Thaddeus sa sarili. Pinigilan niya ang sarili na i-entertain ito, taliwas sa nauna niyang plano. But the woman was definitely irresistible. Hindi niya ito maaaring bale-walain. Lalo pa nang magsalita na ito ng Tagalog.
She was a Filipina!
He felt the need to talk to her. Pero naroon pa rin ang babala sa sarili. He can't be serious about getting to know her more. Nami-miss na siguro niya si Avie kaya kung kani-kaninong Filipina na lang siya naa-atrract. Bilang konsolasyon sa kanyang sarili para hugasan ang pagkakamaling bigla niyang nagawa ay tinakpan niya iyon ng isa pa ring pagkakamali. Nag-isip siya ng ibang pangalan na maibibigay sa babae. Double sins. He became an instant liar.
Damn!
Ang isipin na maaaring hindi naman seryoso sa kanya ang babae o kaya ay maaaring hindi rin nito sinabi sa kanya ang totoong pangalan nito ang nagbigay kapayapaan sa kanyang isip. Sino ba naman ang basta na lang magbibigay ng totoong pangalan sa isang estranghero, lalo na at naroon sila sa lugar na walang puwang ang kaseryosuhan? Bored lang siguro ang babae dahil iniwan na ng kausap pagkatapos sunduin ng isang lalaki.
Filipino-American ang babae. At base sa mga galaw, alam niyang liberated itong uri ng babae. Hindi naman siya inosenteng nilalang para maging bulag sa kung paano mamuhay ang mga babaeng laki sa Amerika. Alam niya kung ano ang kalakaran doon. Everyone flirted all over the place. Walang seryosong relasyon. Pulos fling at short-term relationships. Kapag gusto ang isa't isa ay ayos na. And once they were satisfied, they parted ways.
So, anong halaga pa ng pagsasabi ng totoo niyang pangalan? Malamang na hindi na rin sila magkita pagkatapos ng gabing ito.
Damn!
Bakit kailangan niyang magpaliwanag sa sarili? Masyado naman yata niyang dinedepensahan ang pakikipag-usap sa babaeng ito at umabot pa siya sa pakikipagbuno sa sarili para lang bigyang-katwiran ang kanyang ginagawa. Napasobra na yata ang lamyerda ng isip niya at kung saan-saan na iyon napunta. O, baka nagi-guilty siya dahil alam niyang may mali sa kanyang ginagawa.
Double damn!
Kailangan ko na talagang tapusin ang kalokohang ito, paulit-ulit na sinasabi niya sa sarili habang inuubos ang laman ng baso. Pero nang magsalita uli ng Tagalog ang magandang babae, tila napaalis ang mga babala ng kanyang isip. Hindi niya napigilang sumabad sa mga pinagsasasabi nito.
And now, he's dead.
"N-naiintindihan mo ako?" Tila hindi makapaniwalang tanong ng babaeng nagpakilalang Eilla. Namutla ito.
"Of course, kasasabi ko lang na half Filipino ako," amused na tugon ni Thaddeus. Sa palagay niya ay tinamaan ng hiya sa sarili Eilla. "Drink before you faint," utos niyang tinunghayan ang hawak nitong baso.
Mabilis nitong sinaid ang laman ng baso. She totally lost her composure. Pero sa halip na mandiri ay tila na-amuse pa siyang panoorin ang pabago-bagong reaksiyon ng babae.
"Kunwari, wala kang narinig, ha?" sabi pa nito pagkatapos laklakin ang inumin.
Hindi na niya napigilan ang matawa sa inaasal ng babae. "It's nice to meet you, Eilla. And it's nice to know na handa kang maging cannibal dahil may lahing cannibal ang bago mong kakilala."
"Kakilala?" Tumango-tango ito. "Ah, oo nga, bago pa lamang kitang kakilala." Inirapan siya. "Kung alam ko lang na posibleng maintindihan mo ang mga sinasabi ko, hindi na lang sana ako nagsalita."
"Ayos lang 'yan," naaaliw na sabi ni Thaddeus. Natagpuan niya ang sarili sa kakaibang pakikitungo ni Eilla sa kanya. Ang totoo, bored na bored na siya sa buhay. Pulos trabaho at trabaho na lang. Maybe, it was about time to spice up his boring life. Ano kaya kung patulan niya ang isang ito? Just for fun.
"Let's dance," yaya ni Thaddeus.
Lumiwanag ang magandang mukha ni Eilla, medyo nabawasan na ang pagkapahiyang nadama nito kanina. Tumango ito at nagpatiuna na sa dance floor. Sumunod siya sa dalaga.
Magaling sumayaw si Eilla. Magaling, in a way na disente itong mananayaw. Maski daring ang tugtog ay hindi ito pumulupot sa kanya na parang sawa na tulad ng ibang mga babaeng nasa dance floor. Maraming pagkakataon na puwede siya nitong landiin pero hindi nito ginawa. At dahil doon, naisip niyang, iba si Eilla sa nakararami.
And he wanted to know more about her.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not COMPLETED (Published by PHR)
RomanceForget Me Not By Gazchela Aerienne "Hindi pala kailanman mapipilit ang puso na mahalin ang isang tao. You'll feel it naturally." Aeriella "Eilla" Eisenhauer is a brat-multibillionaire daughter. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha. Ngunit sa kabila...