Letter 2

4.3K 83 2
                                    

Dear Mama

Mama, alam mo po ba nakatanggap ako ng pitong medalya kanina inaasahan ko po na pupunta kayo sa araw na ito pero umasa lang po pala ako sa wala.

Katulad din po pala dati na hindi ka pumunta alam niyo po bang yung mga guro ko nalang po ang nagsabit ng medalya saakin iniisip ko nalang po na kayo yung nagsasabit saakin pinipilit ko pong ngumiti kaso hindi ko po nakayanan kaya bumuhos narin po ang mga luha ko alam niyo po ba naiisip ko kahit minsan ba tinuring niyo po akong anak? Kasi hindi ko po yun nararamdaman  parang mas importante pa po sainyo yung mga trabaho niyo kaysa saakin. Tinitignan ko po yung mga kaibigan at ibang kamag aral ko na kasama ang mga magulang nila. Naririnig ko pa po ang mga katagang sinasabi ng kanilang nanay o tatay sakanila "proud ako saiyo anak" "mana ka talaga saakin sweetie maganda na matalino pa" at marami pang iba naisip ko po kailan niyo rin po kaya ako masasabihan ng ganun.

Tinanong po kita pag uwi mo pero isang napakatamis na ngiti lang po ang isinukli mo saakin kaya napangiti narin po ako. Ang saya saya ko po kasi ngayon ko lang po ulit nakita yung mga ngiti mo tapos pinagluto mo po ako ng paborito nating sinigang at nagbake ka rin po ng paborito nating cookies tinanong ko po kung anong ginawa niyo kanina at ang sabi niyo po nagkaroon kayo ng business meeting sa isang koreano na malaki ang maitutulong sa kompanya na pinapalago niyo po sinasabi mo po iyun ng nakangiti kaya kahit papaano po ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Sobrang saya mo po habang kumakain po tayo sa hapag-kainan kaya naiisipan ko po na itanong kung bakit hindi po kayo nakadalo sa graduation ko pero binagsak mo lang po iyung kubyertos at sinabing nawalan ka na po ng gana iniwan mo na po ako dun sa hapag na malungkot at nagpipigil umiyak... mama, mahal niyo po ba talaga ako?  Kasi ako po mahal na mahal ko po kayo...

-Lucy

~~~~~~

Don't forget to comment and vote babies <3

FORGOTTEN DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon