Letter 3

3.7K 87 1
                                    

Dear Mama,

Abril 14 na po Ang ganda ng gising ko ngayon mama, kasi 16 na po ako inaasahan ko po na makikita po kita sa sala habang inaabangan po akong magising at babatiin ng maligayang kaarawan tapos aayain sa labas pero mali po pala ako pagbaba ko po kahit anino mo po hindi ko nakita tinignan ko po yung sasakyan mo kung nanjan pero nabigo nanaman po ako siguro maaga ka po ulit umalis.



Inisip ko nalang po na mamaya may sorpresa ka para sa kaarawan ko...



Inabangan po kitang dumating galing trabaho kahit na antok na antok na po ako para ipaalala po sayo na kaarawan ko ngayon. Baka kasi po nakalimutan mo. Nagulat pa nga po ako sa pagbalibag mo ng pinto nakatulog pala po ako sa kakahintay na dumating ka pero nakita po kitang pagewang gewang. Mama uminom ka po ba? Bakit ngayon ka po uminom? Gustong gusto ko pong sabihin yan sayo kaso nagulat po ako sa mga sinabi mo "ANG MALAS MALAS NG ARAW NA TO! ANG ARAW NA NAGUMPISA ANG PAGDUDUSA KO!! ALAM MO BA KUNG BAKIT?!! KASI SIMULA NUNG PINANGANAK KITA! NAGKALETSE LETSE NA ANG LAHAT! SIMULA NG LUMABAS KA SA MUNDONG TO! NAMATAY ANG MAGULANG KO!! NALUGI ANG KOMPANYA! NAGKALABUAN YUNG RELASYON NAMIN NG PAPA MO! AT IKAW! IKAW ANG PUMATAY SA KAKAMBAL MO! KASI NAIINGIT KA! NAIINGIT KA KASI LAHAT NG ATTENTION NAMIN NASAKANYA SAMANTALANG IKAW!?! NANDOON LANG SA ISANG SULOK AT NILALAMON NG KAINGGITAN MO" Mama  hindi ko po yun sinasadya kung alam ko lang po na ganun ang mangyayare hindi ko nalang po sana siya niyaya maglaro sa labas. Mama mahal na mahal ko po yung kakambal ko. Hindi mo lang po yun nakikita kasi puro kamalian ko po yung pinapansin mo. Mama sana naman po kahit isang araw lang kalimutan mo po muna yung mga mali ko. Kahit isang araw lang po sana hayaan mo po ako maging masaya kahit sa araw lang po na ito. iparamdam mo naman po saakin na anak mahal mo po ako 

Mahal na mahal po kita Mama!


-Lucy

~~~~

Don't forget to comment and vote babies 💙

FORGOTTEN DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon