Epilogue Current Date

4.9K 105 14
                                    

3rd person's pov

Humagulgol na ang mag asawa pagkatapos nilang basahin ang nilalaman ng kwaderno ni Lucy isang buwan narin simula ng mawala si Lucy ngunit ngayon lang nila ito nalaman dahil narin sa hiniling ito ni Lucy na wag na lang sana ito sabihin sa kaniyang magulang upang hindi na sila maabala sa kanilang trabaho... ngunit hindi na natiis ni Mae at sinabi na ito pagkalipas ng isang buwan... pinipilit naman patahanin ng tatay ni Lucy ang kaniyang asawa ngunit hindi ito tumitigil dahil sinisisi nya ang kaniyang sarili sa pagkawala ng kaniyang anak...

Tinanong nila si Mae kung saan nakalibing ang kanilang anak at pinuntahan nila ito

Lucy Reyes
Born- April 14 2002
Die- September 21 2018


"Patawad! Patawad anak ko! Kasalanan ko ito! Anak! Halika na aalis na tayo dito! Diba magluluto pa si mama ng sinigang at yung paborito nating cookies! Tara na anak! Ipapakilala ka pa namin sa ate mo.... anak.... wag ka namang magbiro ng ganyan.... promise babawi saiyo si mama! Halika na anak ko... Lucy.... tara na.. nandito na kami ni papa ohh... aalagaan ka pa namin diba? Pupunta pa kami sa graduation mo diba tatlong taon nalang gagraduate kana... tara na anak ko..mahal na mahal ka ni mama..." humagulgol na ang nanay ni Lucy at naalala ang mga ginawa at sinabi sakaniyang anak...

"Little princess diba sabi mo you'll do whatever make us happy.... hindi naman ito yung makakapagpasaya saamin ee... princess halika na...ihahatid pa kita sa school diba... sasabihan pa kita ng I love you tapos magcecelebrate pa tayo ng mga birthday's mo kakain pa tayo ng sabay sabay diba... magkakaroon pa tayo ng family bonding kaya halika na ihug mo na kami ni mama ikikiss ka pa namin... kaso huli na ang lahat anak ko.... huli na kami... sorry.... patawarin mo si papa... binalewala lang kita patawad anak.... patawad.... mahal na mahal kita...."

~~~

FIN

You see guys. We have to treasure and value everyone minsan hindi talaga mawawala sa isang pamilya ang isang   'black sheep' dahil sa favoritism to the point na hindi natin alam na nasasaktan na sila sa mga nangyayare sa buhay nila. Specially sa parents, please treat your children fair and as much as possible give atleast an hour to have a heart to heart talk to your kids wherein they can tell you their life problems. Kasi the more na nagmamature ang isang bata, the more din yung mga problemang nae'ncounter nila. In this short story I want to open your mind and heart about those people and if you know someone in that position. Please let them feel that there's still someone that loves them.

FORGOTTEN DAUGHTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon