Chapter 4
Pinsan?!
Ck's POV
"Oh, ba't ang dumi mo?" Si Ulysses.
"Kasi hindi malinis" tsaka ako umirap at tumaas papuntang kwarto.
Ewan ko ba kung bakit nandito pa yan. Pagkadating na lang namin ni Ac nakahilata siya sa sofa at na nonood ng tv. Feel at home lang noh?
Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo muna tsaka nagbihis. Amoy adobo tuloy ako. Nakakainis kasi yung starfish na yun eh!
Pero parang naamoy ko na yung adobo na yun? Sino ba nagluto kaninang adobo?
Nasa hagdan palang ako pero naririnig ko na mga bunganga nila
"Anong nangyari dun kay Ck?" Si Ulysses
"I dont know, ang alam ko lang e lumapit yung crush ko sa table namin tsaka tinapunan ng pagkain si beb"
"Pfft... Anong ginawa ni Ck?" Aniya na tatawa- tawa pa.
"Ayun! Mabilis nagkaroon ng revenge! Yung pagkain niya binato dun kay Jake....pfft.... Hahaha! Epic yung mukha ni Jake"
"Jake?? As in Jake Kian Zales?" Aniya nagtaka naman ako kaya tinuloy ko ang pakikinig sa kanila habang nakaupo ako sa hagdan kung saan hindi nila ako makikita.
"Oo, bakit alam mo kung sino siya?"
"Kasi mag----"
'Kringgg Kringgg'
Epal yung tumawag potek!
Sinagot ni Ulysses yung tawag at senyas kay Ac na lalabas muna siya.
Nang makalabas na siya ay ako naman ang bumaba na.
"Oh, nandyan ka na pala." Tumayo siya at pumunta sa kusina.
Sumunod naman ako sa kanya. Iniisip ko yung sinabi ni Ulysses, kasi mag? Mag-ano sila? Magkakilala? Magkaibigan? O magshota? Tapos ang bakla ay si Patrick. LOL.
Naputol ang pagiisip ko ng makita ko kung ano ang naka handa sa hapag.
Adobo na naman ang nakita ko. Pumasok sa isip ko si Patrick the guy.
Umupo na ako sa upuan at tinignan ang wrist watch ko.
7:05 na pala.
"Beb, excuse tayo kanina, sinabi ko kasi kay Ma'am na natapunan ka ng pagkain at walang kang damit."
"Ahh... Eh anong sinabi?"
"Wala, Tinanong lang kung bakit ka natapunan, sabi ko lang natapunan mo sarili mo" ngumisi siya pero inirapan ko lang siya tsaka kinuha ang cellphone sa bulsa ko.
Ite-text ko na sana si Ulysses na pumasok na sa loob (kasi tamad akong pumunta salabas) para makakain na. Pero hindi na natuloy dahil pumasok na siya ng nakangisi na parang ulol na aso.
"Tss! Tagal naman. Gutom na ako e!" Maktol ko ngunit walang pumansin sakin. Hmpf! Mga snobber!
Nang makaupo na si Ulysses sa upuan ay siya naman akong kumuha agad ng pagkain at kumain na.
"Oo nga pala, Ulysses. Para kanino yung niluto mo kaninang umaga?" Si Ac
Kumunot at noo niya at parang may inaalala ba. Siguro'y naalala niya na yung sinasabi ni Ac kaya ngumiti siya.
"Ahh.. Yung adobo ba?"
Tumango lang si Beb bilang pagsagot.
"Para sa pinsan ko yun, babaunin niya kasi sa school Niya daw." Aniya sabay subo ng pagkain..
"Babae o lalaki?" Siguro ay pinsan niya sa father side.
"Lalaki" tila ba parang naging kiti-kiti itong si Ac ng nalaman niyang lalaki ang pinsan ni Ulysses.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang paguusap.
"Anong pangalan? Gwapo ba? Pakilala mo ako kung gwapo, hihihi."
"Jake Zales" simpleng sagot nito.
Jake? Zales? Parang pamilyar....."Ah! Baka si Patrick the guy!"
Napalakas yata ang sabi ko kaya sila tumingin sakin ng naka kunot ang noo.
"Patrick the guy?" Sabay pa nilang sabi.
"Si Jake! Yung mukhang startfish! Yung crush mo!" Sabi ko sabay turo kay Ac.
Tinuro niya ang sarili niya at tumango naman ako.
"Si jake?!" Sabay ulit nilang sabi. Ano toh goal nila? Sabayang pagbigkas lang?
Wait. Kung nagluto si Ulysses ng adobo at binigay niya ito sa kanyang pinsan ay.... Si Patrick yung pinsan niya?! At ang mas malala ay yung adobo na pinaligo sakin ay ang luto ni Ulysses?!
"Pinsan mo si Jake?!" Tanong ni Ac.
Tumango lang si Uly tsaka nagpatuloy ulit sa pagkain.
"At si Jake din yung nagtapon sa kanya ng niluto MONG adobo." Sabi ni Ac tsaka inirapan si Uly
"Pfft!" Pigil na tawa ni Uly pero di kalaunan ay hindi niya na napigilan. -__-
"HAHAHAHAHAHAHA!" -__-
"Tss." Tinuloy ko na lang ang pag kain ko.
Pagtapos ko sa kusina ay tumaas na ako sa kwarto ko.
Si Ac na ang naghugas ng mga plato. Hah! Balaha siya don ang bagal bagal kasing kumain eh.
Kung sino kasi ang huling matapos na kumain sa amin siya ang mag uurong kaya ang resulta ay uubo ubo pa si Uly dahil nabulunan siya sa sobrang pagmamadali sa pagkain.
Jake's POV
"Jk, di mo manlang sinabi na bestfriend ko pala yang ginawan mo ng 'revenge'." Sabi niya sa cellphone. Ramdam kong naka ngisi siya.
She's Ulysses's bestfriend? Ano kayang ginagawa nila tuwing magkasama sila? Oh! Kian! Stop thinking about that!
"Pch. I didn't know. And I don't care if she's your bestfriend."
Tangina! Ngayon lang ako napahiya ng ganoon! Sa harap pa ng maraming tao!
Ngayon lang ako nakakita ng may lalaban sa akin! No one dare to do that to me!
But.... She's brave huh? And I..... I admire her.
What?! What are you saying Kian?! You admire her?
Dammit!
YOU ARE READING
That Boyish Had A Secret Admirer (Slow Update)
Teen FictionJake Kian Zales. O mas kilala ng karamihan na Jake at sa iba naman ay Jk. Isa siyang famous guy sa school nila. But nagbago lahat yun ng dumating ang titibo-tibong babae sa school nila. But what will happen if a famous guy admire or love a boyish n...