> Fall Im's <
"Oh ba't nakasimangot ka dyan?" nagtatakang tanong ko sa bakla kong kasama na kanina lang ay ang lakas ng tama.
Joke.
"Nakakita kasi ako ng pangit. Aga-aga eh." sagot niya. Kapal naman ng mukha nito!
"Ay opposite day ngayon! Alam kong pangit ako. Pangit talaga ako. Napakapangit ko, thank you." pang-aasar ko sa kanya pero nanatili lang siyang nakasimangot. Ano ba problema nito?
"Alam mo byun, napakaunpredictable mo talaga minsan." sabi ko. Napahinto siya sa paglalakad.
"Un... unperdi... ano ulit yun??" kunot-noong tanong niya. Napatawa ako ng malakas.
"Sabog ka talaga! Unpredictable kasi." sagot ko.
Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng room. Nauna akong pumasok at as usual, nakatingin na naman mga kaklase ko sa akin. Yung iba kasi, weird talaga tingin sa akin. Yung iba naman, sadyang galit lang sa akin dahil best friend ko yung crush nila. Pero sorry sila kasi wala akong pake.
"Fall! Sa wakas dumating ka na! Akala ko talaga wala na akong pag-asa." salubong sa akin ni Yul. Isa pa 'tong baliw eh.
Sa lahat yata ng kaklase ko, si Yul at Ace lang ang mga kaibigan ko. Totoo nga siguro yung kasabihan na kapag parehas kayong mga baliw, magkakasundo kayo. Tsk tsk. Ano na lang mangyayari sa amin diba?
"Uy good morning pareng Ace! Mukhang badtrip tayo ngayon ah?" bati ni Yul kay Ace sabay akbay dito. Lalo namang sumimangot si pangit na Ace.
"Walang good sa morning kung dalawa kaagad makikita kong pangit." sagot niya sabay tanggal ng braso ni Yul na nakalagay sa balikat niya.
"Hala! Kung ikaw yung isa, sino naman yung isa mo pang tinutukoy? May kambal ka ba?" basag ni Yul kay Ace. Di ko mapigilang tumawa ng malakas, at dahil tumawa ako ng malakas, syempre magtitinginan na naman yung mga mukhang matcha kong kaklase. Matcha kasi kulay green uniform namin. Pero di ako mukhang matcha ah!
"Oh ano tinitingin-tingin niyo? Gusto niyo madukutan ng eyeballs?" sabi ni Yul sa kanila. Inalis naman nila yung tingin nila sa amin.
Siraulo talaga to. Palibhasa kasi takot sa kanya mga kaklase namin since boyish and warfreak siya.
Hinila ko nalang si Yul para maupo, "Alam kong may kailangan ka. Sabihin mo na," sabi ko at yung bruha eh ngumiting-aso.
"Di ko kasi nagawa yung assignment sa social science eh first subject pa naman yun. Pakopya naman oh hehe." sagot niya. Sabi na nga ba. Nilabas ko naman yung notebook ko at binigay sa kanya. Nagsimula na siyang kumopya at ako naman ay tumunganga lang.
Napatingin ako kay Ace na natutulog. At dahil wala akong magawa eh pinaglaruan ko yung buhok niya. Magkakatabi kasi kaming tatlo okay.
"Ace." tawag ko sa kanya, pero nanatili lang siya sa pwesto niya. Alam kong gising 'tong mokong na 'to, ayaw lang akong pansinin.
"Ace." tawag ko muli sa kanya, pero no response. At dahil nabwisit ako, sinabunutan ko na siya,
"Ace!!!!" sigaw ko sa kanya.
"Ah kkaebsong!" gulat na sigaw niya sabay bangon. Hinimas niya yung parte ng ulo niya kung saan ko siya sinabunutan.
Tinignan niya ako ng masama habang tawa lang ako ng tawa, "Ano ba naman yan Fall! Natutulog yung tao eh!" himutok niya.
"Enebenemenyen fell! Neteteleg yeng tee eh!" panggagaya ko sa kanya. Narinig ko naman ang tawa ni Yul na lalong nakapagpasimangot kay Ace.
"Mga impakta! Wala talaga kayong libre sa akin mamayang break!" singhal niya. Napatigil naman kami ni Yul sa pagtawa at nagkatinginan,
"SORRY NA ACEEEEE!!/DI NA KITA TATAWANAN" sabay naming sabi.
"Yan lang pala makakapagpatahimik sa inyo eh. Tsk." sabi niya sabay balik sa pagtulog. Di na namin siya ginambala, baka di kami makalibre eh hehe.
BINABASA MO ANG
❮fall❯
Short Story"fall naman pangalan mo, pero bakit di ka mahulog-hulog sa akin?" ↭ highest rank attained: #110 in short story