> Yul Kwon's <
Nandito kami ngayon sa mall dahil nga niyaya ko tong patay gutom kong kaibigan. Wala kasi akong magawa sa bahay dahil sabado ngayon at ayoko mabulok doon.
"Dalian mo nga Yul! Tsk gutom na ako umorder ka na dun." daing ni Fall habang nauna pang pumasok at umupo sa Jollibee. Kita mo 'to, siya na nga lang magpapalibre demanding pa.
"Yes MASTER. May iba pa po ba kayong iuutos?" tanong ko sa kanya sabay irap.
"Wala na. Bumili ka na don, aking alipin." sagot niya tsaka ngumiti ng matamis. Binatukan ko nga.
"Aray naman! Pag ako nainis iiwanan kita dito!" himutok niya. Kapal talaga ng mukha neto huhu bat ko ba naging kaibigan to?
Pumunta na ako sa may counter at umorder.
"Meaty saucy linamnam ulam." sabi ko doon sa may babae sa counter. Napatingin naman siya sa akin ng nagtataka, tsaka ko lang narealize kung ano yung sinabi ko.
Pakshet! Bat ba yung commercial ng jollibee yung nasabi ko?!
"Ah.. h-hehehehe, ang ganda ng commercial niyo noh? Bet na bet ko as in pak ganern! Ang catchy pa nung kanta! Dalawang burger steak nga miss." sabi ko sabay ngiti ng pilit. Yung babae naman ay tumango na lang kahit alam kong naweirdohan siya sa akin.
Lamunin na sana ako ng lupa ngayon.
--
Pagkatapos naming kumain, pumunta naman kami sa World of Fun. Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ng basketball nang may makita ako na talaga namang di kanais-nais.
"Liam.." mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya.
May kasama siyang babae na blonde yung buhok. Nakaakbay siya don habang yung babae naglalaro dun sa may claw machine.
Lalapit na sana ako nang biglang i-kiss ng babae si Liam sa cheeks dahil sa sobrang tuwa nang makakuha siya ng doll doon sa machine.
Okay so, what the eff??
"Hoy gaga tara na. Game over na oh tsk! Ano bang klaseng score 'to? 16? Gaano ba tayo kalampa Yul?" biglang sabi ni Fall at haharap na sana siya nang harangin ko siya.
"Teka Fall sandali! Maglaro pa tayo! Oh ayan oh." natataranta kong sabi habang naghuhulog ng token.
"Ayoko na nga eh nangangalay na ak-"
"Eh basta gusto ko pa maglaro! Shoot!" sabat ko at tuloy-tuloy na nagshushoot ng bola habang nakatingin parin kila Liam. Hindi pwedeng makita ni Fall nang lantaran yung kagaguhan ni Liam.
"Aray punyeta! Ako na yung binabato mo eh! Mukha ba akong ring ha?!" sigaw ni Fall kaya naman napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang nagpupulot ng bola sa sahig habang nakahawak sa ulo. Tumingin siya sakin ng masama at nag-peace sign nalang ako.
"Tara na kasi! Nauuhaw na ako eh." reklamo niya. Umiling lang ako.
"Hindi nga pwedeeeee." sabi ko at napataas naman yung kilay niya.
"At bakit naman aber?" tanong niya.
"Kasi ano," pabitin kong sabi.
"Kasi ano?" tanong niya naman.
"Kasi ano.." sabi ko ulit.
"Ginagago mo ba ako Yul? Ano nga kasi?!" naiinis na tanong niya. Kung alam mo lang, hindi ako yung gago, yung boyfriend mo huhu.
"Kasi nga, ang hot ko." sagot ko. Yung mukha naman niya parang hindi na maipinta.
"Ano konek?" tanong niya.
"Wifi." sagot ko at lalo lang nanggigil yung bruha.
"Ang sarap mo sabunutan Yul! Tara na nga, mababaliw ako sa'yo eh!" ani niya at lumakad na paalis. Napatingin naman ako sa pwesto kanina nila Liam at nung babae and phew! Buti nalang wala na sila doon! Makakatikim talaga ng sampal at suntok yang lalaking yan pag nakita ko siya ulit!
BINABASA MO ANG
❮fall❯
Short Story"fall naman pangalan mo, pero bakit di ka mahulog-hulog sa akin?" ↭ highest rank attained: #110 in short story