27 | Set

254 16 0
                                        

Khaleesi

"Oh? Kay Jun daw galing yung breakfast?" tanong ni Aphrodite sa akin.

"Yun ang sabi niya sa akin. Haay, nag-expect pa naman ako na magkaka-feelings na siya sa akin." sabi ko habang humihiga sa lamesa ng table namin dito sa coffee shop.

Naka-tanggap naman ako ng masakit na batok galing sa kanya. "Aray ha! masakit siya." sabi ko habang tinitignan siya ng masama.

"Kasi naman girl hindi mo inu-up yung game mo! Anong silbi ng binago natin sa hair at makeup mo kung hindi ka naman kumekembot sa kanya? Alam mo kung may malanding nagkagusto din kay Jeonghan, talo ka na." sabi niya sa akin.

"Salamat sa words of wisdom mo. Nakatutulong" Kung hindi halata, sarcastic ako.

"Tanga ka, seryoso kasi ako! Lumandi ka din kasi! Paano magiging lalaki yan aber?"

"Eh paano ba kasi!!" Wala naman kasi akong ka-idea idea kung papaano ko siya maakit diba? "Hindi ako marunong eh! tsaka nakakahiya kaya!" dagdag ko pa.

"Oh eh tutal nahihiya ka lang din naman, edi ipa-bago nalang natin kay Syll yung title. Seducing Jun nalang para di na si Jeo— ANO KA BA! NAKAKAPANGGIGIL KA HA!"

Halos makasipa na ako ng mukha nang bigla siyang sumigaw. Parang tanga, biglang sumisigaw.

"OH EH BAKIT KA SUMISIGAW?!"

"BOBO MO KASI KHAL! BOBO KA! MAMATAY KA NA!"

"ANO AKO LANG? BOBO KA DIN ULUL! DI KA MAHAL NG NANAY MO!"

"Yah yah yaaah. Sige sige lang teh away lang kayo yah yah yaaah." biglang may monggoloid na naka oversized shirt ang lumapit sa table namin at nagsasayaw ng kung ano ano.

"Fuck this shit! Hayaan mo sila dre! yah yah yaah." may isa pang naka oversized din na shirt ang sumulpot na may gold na kwintas and umepal.

"Luh sino kayo." tanong ko sakanila.

imbis na sagutin ako, nag-lip sync lang sila sa pinapatugtog nilang kanta sa phone nila tsaka nag walk away na parang ewang sayaw ng sayaw.

"So as i was saying— Matuto ka din kasing gumiling giling kay Jeonghan!" bigla naman siyang kumalma na akala mo walang nangyari.

"Ang pangit ng term mo."

"Mas pangit ka."

"Tang ina mo Aphrodite. Wala nang patutunguhan 'tong pag-uusapan natin eh!" This time ako naman ang namatok.

"Ba yan kasi Khal!" reklamo niya habang hinihinas himas yung pinalo ko. "Ganito nalang."

Pumwesto siya ng maayos sa upuan niya.

"Tutal bida bida school natin at days before christmas lang sila nagpa-vacation, bakit di mo siya yayain na mamili kayo ng gifts? Oha oha." Tumataas pa ang kilay niya habang sinasabi niya yan.

Okay, medyo ayos din ha.

"Pero paano ko siya iinvite? Hindi naman sya papayag pag ako yung nag-yaya eh. Bading yun." nanlumong sabi ko.

"Let me do the magic. Pa-tulong tayo kay Joshua."

"Wao ka-close mo?"

"Hindi ba't ba. Bawal fc?"

.

"Nakanang— Saan lakad natin, sister?" biglang pumasok sa kwarto ko si kuya habang nag-aayos ako ng mukha.

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon