"Patnubay mula sa Diyos"

2.4K 8 0
                                    

Mga Kawikaan 3:5-6
[5]Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.
[6]Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin,upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.

Napakasarap lang na isipin na napakadakila ng Diyos sa bawat isa. Na sakabila man ng mga nagagawa nating mga kasalanan nananatili paring tapat ang ating Diyos. Ngunit ganoon paman, sa kabila ng katapatan ng Diyos, marami parin sa atin ang tila ba nagbubulag-bulagan at walang pakialam sa kung ano man ang nais ipagawa ng Diyos sa atin. Ito ang tamang pagkakataon upang iapply ang salitang "TAMA NA" wala kang kailangan na patunayan. Everything is happen for a reason & purpose. Isantabi mo muna ang mga pansarili mong kagustuhan at ipaubaya mo ito sa Diyos, at huwag na huwag kang magbaba-se sa sarili mong kaalaman, bagkos sa lahat ng iyong gagawin ay alalahanin mo ang Diyos upang sa ganoon ang pag-iingat at paggabay ng Diyos sa iyong buhay ay lagi mong tatamasain.

Hingin ang pag-iingat at paggabay ng Banal na Espiritu Santo sa iyong buhay na turuan ka at matutunan mo ang magtiwala ng lubusan sa Diyos. Na kung saan ang lahat ng iyong gagawin ay naisangguni sa Diyos. Hayaan mong ang Espiritu Santo ang siyang maging gabay mo sa landas ng buhay na ito tungo sa isang maayos na relasyon sa Diyos.

Ama naming nasa langit, sa pangalan ni Jesus. Salamat po panginoon sa umagang ito ng aking buhay, salamat po sa mga aral na itinuturo niyo po sa akin. Kung paanong ang pagtitiwala ko sa inyo ay ibibigay ko ng buong puso at ang pangalan mo lamang Panginoong Jesus ang siyang patuloy na maitataas at mapaparangalan.
Sa pangalan ni Jesus.

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon