"Paglalapastangan at Pagpapabaya"

1.8K 1 0
                                    

1 Samuel 3:13-14
[13]Sabihin mo sa kanya na habang panahon kong paparusahan ang kanyang sambahayan sapagkat hinayaan niyang lapastanganin ako ng kanyang mga anak. Ni hindi man lamang niya pinahinto ang mga ito.
[14]Dahil dito, isinusumpa kong hindi mapapawi ng anumang handog ang kalapastanganang ginawa ng sambahayan ni Eli.”

Walang lihim na hindi nabubunyag at walang kasalanan na hindi pinagbabayaran. Kung paanong ang kasalan ng mga magulang sa panahon ng lumang tipan ay pagbabayaran ng mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. Kung paanong ang ginawang paglalapastangan ng mga anak ni Eli ay hindi isinawalang bahala ng Diyos bagkus ito'y nagdulot ng kakila-kilabot na parusa sa buo niyang sambahayan. Nang dahil sa kapabayaan ni Eli ng hindi man lamang niya ito pinahinto o pinatigil nung mga panahong alam niya na ang ginagawang paglalapastangan ng kanyang mga anak sa Diyos ay wala siyang ginawa. At dahil dito, nauwi sa habang panahon ang pagpaparusa ng Diyos sa buo niyang sambahayan.

Bilang isang tagasunod ni Cristo Jesus, marapat lamang na tayuan natin ang dapat nating tayuan at huwag hayaang ang mali ay patuloy na lumaganap at sumakop sa ating pagkatao. Nawa'y matutunan nating ipaglaban ang Tama , sapagkat gaya ng isang kasabihan. "Kapag hindi mo ipinaglaban ang tama , para mo naring ipinanalo ang mali." Kaya huwag sanang matulad tayo sa ginawa ni Eli na hinayaan niya lamang ang kanyang mga anak sa paglalapastangan sa Diyos.

Ama naming nasa langit, sa pangalan ni Jesus. Salamat po panginoon sa umagang ito ng aking buhay, kung paanong ipinaalala niyo po sa akin na hindi kayo nalulugod sa mga panahon na nalalapastangan ko na kayo. Patawad po panginoon kung sakali mang dumarating ako sa pagkakataon na minsan nalalapastangan ko na ang mga bilin at babala niyo po sa akin. Patawarin niyo po ako panginoon sa mga panahon na ako'y nagbubulagbulagan. Sa pangalan ni Jesus.

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon