Chapter 2
COME HOME WITH ME{ Thorn's POV }
"Class Dismiss." Sabi ng last professor namin sa araw na 'to.
Nagpaalam na rin kaming lahat kay Prof Delgado. Yes! Makakauwi na ako. It was a long day. Na-text ko na rin si Manong Garpidio na sunduin na ako.
Nilingon ko itong babaeng multo na kasalukuyang humihikab. I bet she's tired. Maghapon ba namang nakaupo tapos ilang oras na pakikipagtitigan sa labas ng bintana, ewan ko ba sa babaeng ito't hindi ata nangangalay.
Hinintay kong magsilabasan lahat ng mga colleagues ko at tsaka kinausap si Miss Multo, baka mapagkamalan akong baliw kapag kinausap ko sya e diba nga mejo invisible sya. Charot!
"Anong pangalan mo?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong itatawag ko sakanya.
"My name's Daphne Shennel Velasquez. Call me Daphne." She said at inikot ang ulo, sabi ko na nga ba't nangangalay din ang isang 'to e.
"Sige, Bye. See you tomorrow, Daphne." Isinukbit ko na sa aking likod ang aking backpack at akmang aalis ng lingunin kong muli si Daphne.
She's staring at me sadly. Teka, saan sya matutulog? Saan sya uuwi? Hindi kaya...
"Are you staying here?" Tanong ko.
She nodded, "Oo. Two years na akong namamalagi dito. Pilit na nilalabanan ang sobrang tahimik na paligid ng skwelahang ito tuwing sasapit ang dilim."
Shit!
"Mag-isa?" Tanong ko pa.
"Yup. Im not scared though. I'm a ghost, remember?" She smiled sadly.
"But you're all alone." Sabi ko pa.
"Hindi. Okay lang. Sige na, baka gabihin ka pa. Bye na, Thorn. See you tomorrow." Ngingiti ngiti si Daphne habang wine-wave ang kamay.
"No way!"
"Huh?" She asked out of confusion.
"Come home with me, Daphne."
"Seryoso?"
"Hell yes!" I shouted. Kasabay niyon ang paglawak ng ngisi nya at nagtatatalon sa tuwang lumapit sa akin.
"Pano kapag nagalit ang parents mo?" Tanong nya.
I patted her head, "My Dad's in heaven already. Si Mama lang ang kasama ko sa bahay at mga katulong."
"Pano kapag nagalit sya." Natawa ako sa tanong nya.
"Are you nuts? Diba multo ka? And so you're invisible!" Pigil tawa kong saad.
"You're right! Oo nga no. Hahaha. Tara. Thank you talaga, Thorn! Boring din talaga kasi dito e." Nakangiti sya habang sinasabi iyon.
"Let's go, for sure naghihintay na sa labas si Mang Garpidio." I said habang nakakapit sa strap ng aking bag.
"Who's Mang Garpidio?" She asked while we're going out of the campus.
"Ah, driver ko."
"Hindi ka ba marunong mag-drive?" Tanong nya pa.
"Marunong naman."
"Eh bakit kailangan mo pa ng driver?" Ang kulit nya. Pramis!
"Hindi ako pinagd-drive ni Mama eh."
"Ah i see. Hahaha. Mama's boy ka, ano?" I glared at her kaya natigil sya sa pagtawa.
"Hindi naman masyado, mahal na mahal ko lang si Mama kaya hindi ko sya magawang suwayin sa lahat ng trip nyang gawin." Pagpapaliwanag ko.
"Wow. Masunuring anak." She complimented.
"Ikaw ba? Hindi ka ba masunurin sa mga magulang mo?" Ako naman ngayon ang nagtanong. Hah!
"Masunurin din naman. Mahal na mahal ko nga sila Nanang at Natang though ampon lang nila ako." Napalingon ako sa kanya ng sabihin nya iyon.
"Adopted ka?" She nodded. "Kilala mo ba ang biological parents mo?"
"Yun nga lang Hindi ko sila kilala. Ang sabi ni Nanang at Tatang iniwan lang daw ako sa isang basket sa tapat ng bahay nila. Naawa naman sila sa akin kaya sila na ang nag-aruga at nagpalaki sa akin."
"Masuwerte ka pa rin kasi napunta ka sa mga mabuting tao." Sambit ko.
"But i think hindi ako naging mabuting anak." She mumbled sadly.
"Why not?"
"Dahil sa akin, napaaga ang pagkamatay ni Tatang." Malungkot nyang sabi.
"It's not your fault, Daphne."
"Hindi. Kasalanan ko talaga. Dahil sa frustration at lungkot ni Tatang na baka hindi na ako magising. Kasalanan ko 'to. Edi makakasama pa sana ni Nanang si Tatang kung hindi sya binawian ng buhay."
"Seryoso ah. Hindi mo kasalanan. Kasalanan 'to ng sumaksak sa'yo. Don't ever try to blame yourself dahil sa kasalanan ng iba. You're just a victim." Ngumiti lang sya ng mapakla sa sinabi ko.
"Tara na nga. Ang drama. Mahuhuli din natin ang walanghiyang sumaksak sa akin." Sabi nya. Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad palabas ng campus.
---
Note: BWAHAHAHA. Ang sabaw ng chapter na 'to.
Thanks for reading!
Votes and comments ♥
BINABASA MO ANG
Captivated by a Ghost
ParanormalOnce upon a time, I am a typical transferee student at Western University, until i met this quiet gorgeous ghost, and everything started with twists and turns. Genre: Teen fiction, Fantasy, Romance ♡ Copyright 2018 @pinkyy_trishyy