Chapter 4
AND WHO'S MELANIE?{ Daphne's POV. }
"Dito ka lang. Magbibihis lang ako. Umupo ka muna sa couch." Sabi ni Thorn at umakyat na sa taas ng malaki at magarbo nilang bahay.
Imbes na umupo sa couch ay inilibot ko lang ang aking tingin sa kabuuan ng kanilang bahay. Wala namang nakakakita sa aki, kaya kahit mag-back tumbling o mag fire dancing ako dito'y walang makakapansin bukod kay Thorn.
Ngayon ko lang na-realize, masaya rin pala ang maging semi-multo...medyo invisible. Hihi!
Napapapalakpak tuloy ang tenga ko. BWAHAHA!
Namangha ako sa laki at ganda ng kumikinang nilang chandelier. Marami ding furniture at lumang antiques sa loob ng bahay nila. Pero mas agaw pansin iyong isang malaking frame na nakasabit sa dingding nila.
A picture of a true family. Ang litratong ito ay ang pamilya ni Thorn. Nakangiti silang lahat. Yung mama nyang makulit, malaki ang ngisi habang nakaakbay sa Papa ni Thorn.
Kuhang kuha ni Thorn ang itsura ng papa nya, mas kamukha nya pa ito kung ikukumpara sa mama nyang makulit. Malaki din ang ngisi ni Thornton habang nakatingin si camera. They look so happy. Im happy for them, pero nakakalungkot pa rin dahil patay na pala itong papa ni Thorn.
Nadako naman ang tingin ko sa picture frame na nakakulob sa isang shelve. Kinuha ko ito at tinitigan ang dalawang taong parehong nakangiti sa camera. Si Thorn 'tong lalaki ah. And she's with a girl. Mukhang nasa kinse anyos pa sila. Parang highschooler pa sila dito.
Malapad ang ngiti ni Thorn, gayon din ang babae. Mukhang nasa ibang bansa sila sa picture na ito dahil nags-snow pa.
Mukha namang Pilipina ang babae, pero mukhang half amerikana din. Maganda kasi ito at maputi. Mapupungay ang mga mata at napakaamo ng mukha. Maiksi din ang itim nitong buhok at mapupula ang labi na animo'y mansanas.
Ang kanyang balat ay maputi at makinis, parang nilublob aya ng isang taon sa fresh milk. Isang word lang ang swak na swak para sa kanya...FABULOUS!
Sino kaya sya? Sobrang saya pa nilang tignan. They're smiling genuinely. Halatang hindi plastik ang pagngiti. Kaibigan kaya ito ni Thorn? Or Ka-IBIGAN? Hahaha. And sheesh, what on earth is happening to me? Bakit nacu-curious ako? Eh buhay nila yan diba? Hays.
Ibabalik ko na sana ang picture frame sa pinagkunan kong shelve nito ng biglang dumaan sa paanan ko ang isang puti at matabang aso.
*CLAACK*
Sa pagkabigla ko sa aso'y nabitawan ko ang frame. Hala!
Huhu. Takot kasi ako sa aso. Omyghaaaad! Nakatingala itong aso sa akin ngayon na para bang hindi ako welcome sa pamamahay nila. Omyghaaaaad! Im scared of dogs!Nang biglang lumapit sa direksiyon ko ang mama ni Thorn kaya dumistansya ako ng konti. Nakatingin pa rin sa akin ang aso huhu!
Bigla akong kinabahan dahil sa itsura ng mama ni Thorn ng makitang nahulog sa sahig ang frame.
"Yaya Florence!!! Yaya!" Tawag nito sa katulong na agad namang lumapit.
"Maam?"
"Yaya naman. I've told you na 'wag palabasin si Karim sa dog house nya. Alam mo namang sobrang likot ng baby dog ko na 'to diba?" Mahinahon na sabi ng mama ni Thorn.
So, Karim pala ang pangalan ng nilalang na 'to. Dogs are one of the animal species that I've hated the most since i was a child! Nakagat na kasi ako nito, I've learned already---na may rabbies sila!
"Opo, Maam." Sabi ng katulong at kinarga palabas ng bahay iyong aso na si Karim.
Nakita ko namang pinulot ng mama ni Thorn ang frame at tinignan, niyakap, at napangiti. Geez. Why would she act like that? As if she'd remembered some kind of memories.
Tinignan nyang muli ang frame. "Hay nako. It's been a while, Melanie. Alam kong miss ka na rin anak ko and so I does. Wish you were here..."
Ibinalik na nito ang frame sa shelve at bumalik na sa kusina.
Melanie? Who is she?
---
Note: Sino nga ba si Melanie? HAHAHAHAHAHAHA.
THANKS FOR READING!!!
Votes and comments ♥
BINABASA MO ANG
Captivated by a Ghost
ParanormalOnce upon a time, I am a typical transferee student at Western University, until i met this quiet gorgeous ghost, and everything started with twists and turns. Genre: Teen fiction, Fantasy, Romance ♡ Copyright 2018 @pinkyy_trishyy