Chapter 5

550 13 0
                                    

"YOU look beautiful, by the way."

'Yon ang mga salitang gumugulo kay Jewelle pagkabalik niya sa mansion kung saan naunahan pa siya ng kaniyang breakfast. Wala man lang tanong-tanong ang lalaking kasama niya kanina kung bakit doon siya nagpahatid. Pagkakain ay nanatili lang siyang nakaupo sa dining.

"Jewelle! Dahil do'n lang, kinilig ka na naman? Put your shits together. Ipakita mo namang nag-mature ka kahit kaunti sa kaniya," pangagastigo niya sa sariling tila baliw na kumukumpas sa hangin. Bago kasi umalis si Alvin ay nag-iwan na naman ito ng makalagalag-panty na ngiti at nakaka-diabetes na mga salita na hindi maalis-alis sa kaniyang isipan. Iniisip ni Jewelle na hanggang ngayon ay napakapaasa pa rin ng lalaki gayong mayroon na itong fiancée.

Napatigil lang siya sa pinaggagagawa nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nakapatong 'yon sa lamesa. As she looked at the caller's ID, she immediately grabbed it and answered. "Mommy!"

"Jewelle, anak. How are you? Nasa L'île ka ba ngayon?" Malambing ang boses ng kaniyang ina, malayo sa overprotective niyang ama na naaappreciate niya naman. Sa pagka-opposite ng dalawa ito naging mas compatible. Mahal na mahal niya ang kaniyang mga magulang kahit halos lumaki siyang wala ito sa tabi niya at kadalasa'y overprotective.

"Of course, Mom. Napatawag po kayo." Jewelle stood up and put her plate on the sink and washed it with her phone between her ears and shoulders. Pagkatapos maghugas ng pinagkainan ay inayos na niya ang pagkakahawak sa gadget.

"Oh, sweetheart. Your dad and I just want to greet you happy birthday in advance. Wala na naman kasi kami riyan sa tabi mo." Jewelle just flashed a smile even if her Mom wouldn't see it.

"Okay lang po, Mommy. Thank you po. Basta lagi po kayong mag-iingat diyan ni Daddy. I'll send my selfies to you later," tukoy niya sa nakaugalian na niyang gawin noon pa man sa mga magulang para hindi siya ma-miss umano ng mga ito. They already chose to stay abroad, kung saan sila nagtatrabaho noon. Ngunit ngayon ay retired na sila at gumaganti na si Jewelle sa mga magulang sa pamamagitan ng siya namang pagbibigay ng pera sa mga ito kahit na sila'y may sariling pension. Sa katunayan ay kay Jewelle na rin galing ang bahay na tinitirhan ng kaniyang mga magulang do'n na mula sa ipon niya simula nang maka-graduate sa kolehiyo at sa mga unang kita niya sa isla.

She just visits them twice a year since they already loved it there, while her heart lies here in the Philippines.

"Anak, may nararamdaman ako, e. I am your mother at alam ko kung kailan may bumabagabag sa 'yo. Tell me, what it is."

Hindi namalayan ni Jewelle na marami na palang nasabi ang kaniyang ina at siya ay natatangang nakatulala. Umupo siya sa sofa sa sala at tumikhim. "Mom..." Never na nagtanong siya sa dalawampu't limang taon—na magdadalawampu't anim na—ng buhay niya sa kaniyang ina tungkol sa pag-ibig at ngayon lang pero kailangan niya 'tong malaman dahil masiyado siyang naguguluhan. "Mom... paano ba makalimot ng tao?"

Pababa na ng pababa ang emosyon ni Jewelle nang narinig niyang tumawa ang ina sa kanilang linya. "I knew it. Mukhang may lalaki na sa buhay ng baby ko."

Namula na naman ang kaniyang pisngi. Hindi na siya nagtanong kung paano na-pinpoint ng ina ang problema niya kahit ang sinabi lang naman niya ay "tao." Ngunit wala nang puwang kung mahihiya pa siya rito.

"Seryoso kasi, Mommy," lumabi ba si Jewelle kahit hindi siya nito nakikita.

"Talaga bang gusto mo nang kalimutan ang taong 'yan, anak? 'Yon muna ang itanong mo sa sarili mo. 'Yon lang din ang masasabi ko sa 'yo kasi nasasaiyo kung makakalimot ka nga."

Hindi na nagsalita pa si Jewelle at iniba na agad ang topic kausap ang ina hanggang magpaalam na ito. She sighed. Siya nga lang ata ang makakaalam sa mangyayari. Pero paano nga ba?

L'île Bachelorette Series 1: Jewelle AnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon