A/N: Hello guys! Ang tagal kong hindi nakapag-upate. Sobrang busy kasi. :) Maraming salamat din po sa mga nagbabasa ng story na 'to kahit walang sense at mabagal mag update ang author. Leave some comments/feedback. Vote na din po. Thank you! :))
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nandito ako ngayon sa classroom. Wala kaming teacher kaya sobrang ingay. Bwiset lang, hindi tuloy ako makapag-concentrate sa binabasa ko. -_-
Two hours kaming walang instructor kaya naman napagpasyahan kong i-review ang notes ko sa susunod na subject. Pero hindi ko magagawa yun, dahil sobrang ingay ng paligid ko. May tawanan na wagas, may kulitan na parang mga ewan, may nagbabangayan na parang aso at pusa, meron din naman mga babaeng tumitili dahil sa .... kilig ? Grabe lang.
Absent si Gino. Buti na lang, baka dumagdag pa yon sa noise pollution na nagaganap sa kwartong to kung nandito siya, wala din yung "bestfriend" nyang si Nick. Pakilam ko do'n?
"Black Hole is so cool!" impit na tili ng isa kong classmate mula sa likuran ko.
"You're right girl, they're so cool!" Patiling bulong din ng isa ko pang classmate.
Kailan pa naging cool ang swirling Black Hole? Tagilid yata talaga utak ng mga tao dito. -_-
At correction lang, hindi ako nakikinig sa usapan nila, malakas lang talaga silang magbulungan, ewan kung bulungan pang matatawag yon kung naririnig naman ng lahat. Ang labo nila at nakakabadtrip na. -_-
WORLD PEACE!
Yan ang gustong gusto kong mangyari sa mga sandali na ito.
Hindi ko na kaya ang ganitong katinding ingay.
Tumayo ako, sabay kuha ng mga gamit ko. Makapunta na lang sa library. Sigurado tahimik do'n. Naglakad ako palabas, wala ngang nag-abala na lingunin ako e.
Lakad. Lakad. Lakad.
Bakit ba kasi ang laki ng school na 'to? Nakakapagod na. -_-
Pagkatapos ng mahabang lakaran, nakarating din ako sa library 1, binuksan ko ang isa sa mga double doors. Napasimangot ako sa nakita at narinig ko.
May mga students na nakaupo sa ibabaw ng table at nagkukwentuhan at mas wagas ang kaingayan dito. Kailan pa naging allowed sa library ang ganito?
Hindi ko na tinangka pang pumasok. Punta na lang ako sa library 2, baka tahimik doon. Sa pagkakaalam ko, tatlo ang library sa school na to, pero parang hindi naman nagagamit ng tama, ano pang silbi ng library?
Nakarating na ko sa Library 2, gaya nung una pagpasok ko pa lang napasimangot na ko. Ganitong ganito din eksena sa Library 1 e. Pambira lang.
-_________-
Isa na lang ang pwede kong puntahan, sana naman, hindi ganito ulit ang aabutan ko. Naglakad na naman ako papunta sa hagdan na papuntang 3rd floor dahil nandoon ang library 3, bawat floor kasi ng building na 'to may library tapos sa kabilang dulo naman music room. Kaya tatlo din ang music room dito dahil mayroon sa bawat floor.
Makalipas ang ilang minuto at nakakapagod na pag-akyat ng hagdan nakarating na din ako sa Library 3 bubuksan ko na sana ang isa sa mga double doors na pinto ng may mapansin akong nakadikit sa left side ng pinto.
Binasa ko agad.
"No Students allowed. Authorize personnel only. Library 3 is under renovation. Sorry for the inconvenience."
BINABASA MO ANG
He's a She?! ( O N - H O L D)
JugendliteraturA story about a girl who was mistaken for a boy. Will she keep on pretending until the end? She has to choose what matters most. Copyright © 2013 by iAmMissNerdy