Chapter 5

186 5 2
                                    

A/N: Pambawi ko. :D

Enjoy reading! :) Vote and Comment po.

---


"Look what you've done!" Galit na sigaw ni Nick ng makita ang nangyari sa gitara nya.

"Kung hindi ka bigla na lang sumusulpot, hindi ko sana yan mabibitawan." kinakabahang sabi ko.

Bigla bigla kasing sumusulpot. Parang kabute.

Nabasag yung back cover at nabali yung neck nung gitara. Aish, nasayang lang tuloy.

"Alam mo ba kung magkano 'to?" Sinabi nya kung magkano ang halaga nung gitara na nasira ko, na-shock ako sa presyo. Holy cow! Ganoon kamahal ?
"Plus the sentimental value!" Namumula na si Nick sa pagsigaw sa akin. Nanahimik na lang ako. Kasalanan ko naman talaga eh.

"Hey! What's going on?" Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gino.

"Bakit hindi mo sa kanya itanong?" inis na sagot ni Nick kay Gino. If looks could kill, I might be on th floor lying lifeless right now.

I admit it's my fault and I felt really guilty. Nick kept on giving me dagger looks.

"Babayaran na lang niya. Di ba Andrei?" Gino said and look at me as if waiting for me to say yes.

"Sige babayaran lang pala---What?! Babayaran ko?" Nanlaki ang mga mata ko ng mag-sink in sa akin yung suggestion ni Gino. Geez! Sa'n naman ako kukuha ng ganon kalaking pera?

"Na dapat lang naman. Dahil sa'yo, nasira yung gitara ko." Naiinis na sagot ni Nick. But he's more calm now.

"Wala akong pera pambayad." Honesty is the best policy right ? Hindi naman ako pwedeng manghingi sa lolo ko dahil siguradong may kapalit.

"That's ridiculous! Walang kang pera? Kung ganoon, paano ka nakapasok sa school na gaya na 'to?" Hindi makapaniwalang sabi ni Nick.

"Mukha ba kong mayaman? Hindi mo pa ba naririnig yung salitang "scholarship"? Yon ang dahilan kaya ako nakapasok dito." Ngayon lang kaya nakakilala ang isang to ng mahirap na gaya ko? Kawawa naman.

Hindi ako mayaman. Yung lolo ko, oo pero ako, hindi. Totoo din na dahil sa scholarship kaya ako nakapasok dito, isa yun sa deal na ginawa ko kay lolo, para iwas gulo na din. At pinaghirapan ko ang scholarship na to, kahit na sinabi naman ng lolo ko na hindi na kailangan. But I insist. Basta scholar ako at bahala sya sa other necessities.

Malinaw na? Kung hindi pa, bahala ka sa buhay mo. Chos. :D

"Wala nga sa itsura mo." He sarcastically said. Lumapit sya sa akin at kumakad oaikot sa akin. Problema ng isang to?

He look at me as if I am a specimen in a microscope. He stop in front of me. Inilapit ang mukha nya sa akin. He look at me so seriously.

"Hmm, since wala kang pambayad sa nasira mo, magiging slave kita for 2 months. I think that would be enough to cimpensate at least half of the damage. Is that clear?"

"W-what?" Hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Siguro dahil sa sobrang lapit nya sa akin.

"Kailangan mong pagtrabahuhan dahil wala ka naman pambayad, pagkatapos ng 2 months kakalimutan ko na din ang kasalanan mo." Lumayo na siya sa akin, pero nakatayo pa din sya sa harap. Arms crossed over his chest.

Bigla nagsalita ang nananahimik na si Gino. Thanks heaven! Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Nakaka-intimidate pala tong Nick na to.

"Isn't that a little too much Nick? I think a week will do." Lumapit sa akin si Gino at ngumiti.

"Sa tingin ko naman ay tama lang ang dalawang buwan. Pero kung hindi ka sang ayon, payag ka ba na ikaw ang magbayad ng damage?" tanong ni Nick kay Gino.

"Sige, babayadan ko. Hindi naman nya sinasadya---" Hindi pa natatapos si Gino sa sasabihin nya ay nagsalita nang muli si Nick. Nakatalikod siya sa amin at nakaharap sa floor to ceiling na glass window.

"Even if you are willing to pay for it I won't let you. Siya ang nakasira kaya dapat siya ang magbayad. Hindi ba?" He glance at us and return he's gaze to whatever he is looking at.

"Pero-" Pagtutol ni Gino.

"Tama siya Gino. Hindi rin naman kita papayagan na ikaw ang magbayad. Okay lang naman sa akin." Pag-awat ko kay Gino sa kung ano man ang sasabihin nya kanina.

"Sigurado ka? " Tanong nya sa akin.

"Oo naman." Lumingon naman ako kay Nick. "So, kailan ako magsisimula?"

Humarap si Nick sa amin ni Gino. Napaka seryoso nya. Hindi kaya marunong ngumiti ang isang to?

"Today." Simpleng sabi nya.

Tumango lang ako.

 Wala naman akong mapagpipilian. Ayoko naman na hayaan si Gino na magbayad, ayoko magkaroon ng utang na loob at saka nakakahiya. Ayoko din naman na humingi sa lolo ko at lalong ayokong humingi sa papa ko. Problema ko to kaya dapat lang naman na ako ang lumutas di ba?

"Be here after class." Sabi ni Nick at lumabas na.

"Don't worry." Tinapik tapik naman ni Gino ang balikat ko habang nakangiti.

Pagkatapos lumabas na din siya at sumunod kay Nick.

Naiwan akong mag-isa sa kwartong to. I checked my watch. Nanlaki ang mata ko ng makita kung anong oras na. Almost time na para sa next subject. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas ng kwartong yon.

Physically and mentally.
----

A/N: Hanggang dito na muna ulit. Sa next update na lang. :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's a She?! ( O N - H O L D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon