Okay na sana ang lahat.
Unti-unti ng nakakalimutan
Ang bawat sakit na dulot
Ng iyong paglisan.
Ngunit biglang bumalik lahat ng sakit.
Ang sugat na unti-unting naghihilom
Ay kumikirot na naman.
Dahil bigla kang nagbalik.
Okay na ako.
Okay na sana ako.
Pero bakit bumalik ka pa?
Masakit, sobrang sakit.
Sobrang sakit ng sugat
Na idinulot mo sa akin,
Sa aking puso.
Ayoko na.
Wala ka ng babalikan.