3rd - Exes

32 1 0
                                    

Mavi's POV

Friday ngayon, dadaan muna ako sa mall para bumili ng pasalubong para kay Marielle. As usual, kasama ko itong asungot na Prince na ito. Si Alice sana kaso may klase pa sya. Sasama sana si King pero may biglaang lakad pala.

Ano kayang magandang madala kay Marielle? Marami na yung toys sa bahay eh. Pagkain na lang kaya? Kung uuwi naman ako na walang dala, baka magtampo yung batang yun. Gusto nya kasi kahit simple lang, meron pa rin syang pasalubong. Malapit na nga pala ang birthday niya. Kelangan ko na ding paghandaan yun.

"Anong magandang pasalubong sa bata except toys?" tanong ko kay Prince.

"Uhmm ilang taon ba? Para sa pamangkin mo? Pagkain kaya? Mabubusog pa." may point sya.

"2 years old pa lang si Marielle pero malapit na syang mag 3. Wala akong kapatid." tugon ko.

"Ahh.. Pamangkin sa pinsan? Kung ako sayo pagkaen na lang."

"Hindi din. Sabagay, sige donut na lang." mahilig naman sa donut si Marielle eh.

"Eh ano mo? Inaanak? Shoes kaya?" di ko na sya tinugon. Baka mamaya madulas pa ako eh. 

Matalinong bata si Marielle, at the age of two marunong na syang magbilang. She can also easily recognize shapes and colors. Mana sa akin. hehehe

Nandito na kami sa mall ni Prince. Nagpaalam lang sya saglit na pupunta sa restroom. Habang ako naman ay pumunta sa Jco. Baby pops na lang ang bibilhin ko, cute eh. Matutuwa si Marielle dun. Matakaw na bata.

Kaso pagpasok ko sa shop, ang haba ng pila. Sana may abutin pa ako. Sinabihan ko naman si Prince na dito ako bibili. Pero di ko inaasahan ang nakita ko. Shit! Malapit nga lang pala tong mall na to sa dati kong school. Bakit ba nakalimutan ko?

"Hi malandi! Kamusta na ang kalandian mo?" bati sa akin ng papalabas ng Jco na si Melissa. Nakakawit ang braso nya kay Benj, ex ko. 

Pinigilan ko ang sarili ko na patulan ang babaeng 'to. Kung wala lang kami sa mall ngayon, baka nasapak ko na 'to. Di ako nanununtok ng babae, pero pag di ako nakapagtimpi, baka sya ang unang babaeng masusuntok ko. 

Nga pala, nasa akin na si Marielle bago pa ako magcollege kaya big deal sa kanila ng malaman nila na may anak ako. 

Napansin kong hindi makatingin sa'kin si Benj. Ganyan ba talaga sya kaduwag? Walang kwentang lalake.

Tutuloy na sana ako sa loob ng biglang hilahin ni Melissa ang braso ko dahilan para mapabalik ako. Masakit ang ginawa nyang pagkakahila sakin. Marahas ko itong tinanggal at itinapon sa ere at naglakad na ulit. Wala akong balak na pumatol sa mga kagaya nilang mabababaw ang pang-unawa.

Pero di pa din nagpapigil si Melissa. Maya-maya ay naramdaman kong may humablot sa buhok ko at pagtingin ko ay hawak hawak ito ng babaeng ito. Ano bang problema niya? Gusto ba talaga nya ng eksena? Kung papatulan ko to, lagot talaga to sakin. Napapatingin na yung mga tao sa paligid namin. Hindi ba sya nahihiya?

"Hey! What do you think you're doing?!" marahas na hinawakan ni Prince ang kamay ni Melissa. Kasama ko nga pala ito, muntik ko ng makalimutan. Si Benj naman nasa isang tabi lang. Mukhang walang pakialam sa nangyayari.

"Ginagawa ko? Tinuturuan ko ng leksyon ang babaeng yan! Masyadong malandi. Slut!" itawag na nya ang gusto nyang itawag sakin. Bahala sya sa buhay nya.

"Ano bang ginawa nya sayo?! Wala kang karapatang tawagin sya ng ganyan ha? Watch your words woman! " sigaw ni Prince at dinuro pa si Melissa.

Start of Something GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon