4th - Surprise Visit

29 2 1
                                    

Prince's POV

Nagpaalam lang ako saglit kay Mavi para magcr.

Napatakbo ako ng makita kong nasa trouble si Mavi. Sino ba yung mga yun?

Panay ang tawag sa kanya ng malandi. Kaya di na ako nakapagpigil nung sumobra na yung babae sa pinagsasabi nya.

Wala akong alam sa kwento nila pero wala naman silang karapatan na pagsabihan si Mavi ng ganun.

Di ako pumapatol sa babae pero nung makita kong sinasaktan nya si Mavi, muntik na akong manakit.

Yung kasama naman nung babae parang walang nakikita. Hindi man lang pinigilan yung kasama nya. Sarap pag-untugin.

Nagtataka lang ako kay Mavi, alam ko masakit yung ginawa sa kanya pero ni hikbi hindi ko sya kinakitaan. Sanay na ba sya sa ganito? Bakit sya pumapayag na ginaganun sya ng mga yun?

Nalaman ko kay Mavi na schoolmate nya ang mga yun at di lang basta schoolmate, exbestfriend at ex boyfriend pa. Grabe! 

Hindi ko alam pero nung makita kong ginaganun sya at maringgan ng masasakit na salita yung "kaibigan" nya, nakaramdam ako na para bang gusto kong protektahan ang babaeng to at all cost. 

Halos isang linggo ko na din syang nakakasama at sa loob ng mga araw na yun, madalang ko sya nakitang tumawa. Swerte na nga pag tumatawa sya sa joke ni King eh.

Hindi mahalaga sakin kung ano man ang nakaraan nya, ang mahalaga sakin ay mapasaya sya habang kasama nya ako.

Hindi ko pa naman masasabi na nagugustuhan ko na sya, ang alam ko lang gusto ko syang nakakasama lagi at gaya nga ng sabi ko kanina, gusto ko syang protektahan.

Nang malaman ko na wala na palang magulang si Mavi, I had this urge na yakapin sya. Siguro para macomfort na din sya. Ewan ko. Kusa na lang kumilos ang katawan ko eh para yakapin sya.

Papatunayan ko kay Mavi na tama ang ginawa nyang paglipat sa school namin. Nandito naman ako, si King at Alice para makasama nya. 

Isurprise ko kaya sya bukas? Tutal sabado naman, yayain ko kaya si Alice at King na pumunta kina Mavi? Matutuwa kaya ang babaeng yun? Kaso di ko naman alam kung saan ang kanila. Psh! 

Ahh! Siguro naman alam ni Alice kung saan ang bahay nina Mavi kasi bestfriends sila nung highschool diba? Tama, si Alice ang tatanungin ko. 

Itinext ko si Alice, buti na lang alam pa nya kung saan ang bahay nina Mavi.

Sinabihan ko sya na samahan ako. Pati si King itinext ko na din.

Buti na lang pwede silang dalawa. Nakakahiya naman kung ako lang ang pupunta diba? Mukhang manliligaw lang. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabusan...

"Alice, akala ko ba tanda mo pa din kung saan nakatira sina Mavi?" kasama ko na si Alice at King at kasalukuyang nagtatalo yung dalawa. Mukhang naligaw pa yata kami.

"Ang alam ko dito lang yun eh, bakit ba hindi tayo magtanong?" nagtataray na si Alice.

"Eh di ikaw ang magtanong, tutal ikaw ang nakaisip" singhal ni King sa kanya. 

"Che! Di tayo close kaya wag mo kong maganyan ganyan ha?" banat ni Alice.

Sa limang araw na nakakasama namin ni King si Mavi, kasa-kasama din namin si Alice pag vacant nya. Di pa din kami ganun close pero sa pinapakita ng dalawang to ngayon, para lang silang may LQ.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Start of Something GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon