Eto na
Eto na talaga
Anlaki ng paaralan.
Malinis
Maayos
Maaliwalas
Ang mga estudyante nakatingin sakin
Syempre Siguro alam nila New student ako dito
"oh nandito na tayo sa classroom mo ” sambit sakin ng aking kapatid
Hindi ko napansin nasa tapat na pala kami ng Silid aralan ko
“oh sige kuya Dito muna ako "sabi ko naman.
Ayun iniwanan ako ni kuya.Old student sya dito . Mula Kinder dito siya nag aral kaya kabisado na niya lahat.
Matapos akong iniwan ng aking kapatid. Patuloy kong pinagmasdan ang palagid at ang mga dumadaan na estudyante.
Mukha silang mababait, matulungin, Matatalino at Magagalang. Pinagtitinginan nila ako, naka freestyle kasi ako eh . (^_^).
So ayun maunti palang kami. Hindi pa bukas yung aming classroom Kailangan pa hintayin yung adviser namin .Dito kami naghihintay sa may corridor.Kinakabahan ako sa “introduce yourself" kaya nagprapractice ako sa isip ko para sa sasabihin mamaya sa unahan.
Parami na ng parami ang Dumadating na estudyante sa corridor. May tumabi din saking babae..
Familiar siya saken.
"ikaw si Ann?" sabi ko na nahihiya pa.
Nagtangu siya. Bigla siyang nagsalita
“Ikaw? Ikaw ba si Althea?” tanung nya
Hmm.. Alam niya pala mukha ko.Kasi kagabi may groupchat kami ng section namin. Share ko lang.
"Ahh oo ako nga yun " sagot ko naman.
Awkward. (•_•)
So, nag isip ako ng tatanungin para naman hindi awkward
“Sa west 1 ka ba nag elementary?" bigla niyang tanong.
Infairness alam nya school ko.Bat haw“oo bakit mo alam?" nagtataka kong tanong
“Doon din kasi ako nag elementary, nakikita kita doon eh" sambit niya.Nagulat ako. kilala na nya pla ako dati pa.famous amp charot.
“ahh kaya pala medyo familiar sakin yang mukha mo " sabi ko
biglang may dumating na isang babae na teacher binuksan ang aming room, binuksan ang mga bintana at ang ilaw, at sandaling..
“Pasok na kayo "Pumasok naman kami sa aming classroom. Malaki, malawak at plain at simple lang pero mabuti at may Aircon.Nag hanap kami ng pwesto ni Ann. Ang plano ko sana ay tumabi sa kanya kaso may naunahan na kaya hindi kami magkatabi.
*Fast Forward*
9:30 am
Sa wakas recess na
Sabay kami ni ann mag recess.
Hindi ko pa kabisado ang daan papuntang canteen kaya nakisabay ako sa mga tao kung saan sila pupunta.Andaming estudyante kala mo may concert so ayun medyo nababano ako sa daan, malapit lang pala sa room yung canteen nag pakalayo kame.
So ayun andaming tao parang may digmaan, nagtutulakan ang mga senior high may nasigaw. Grabee hindi ko to ineexpect
Nakipagsik sikan ako. Naghiwalay kami ni Ann. Dahil bibili ako. Pagkatapos ko bumili hinanap ko si Ann. Natatakot kasi ako eh syempre di ko pa nga to kabisado tapos may nag tutulakan pa masikip halos dina makagalaw.“Althea! " sigaw ng isang babae.
Syempre si ann yun.
Agad kong hinahanap kung saan nanggagaling ang boses. Hanggang sa nakita ko si Ann, dali dali akong pumunta sa kanya at sabay narin kaming pumuntang room
YOU ARE READING
Foolish Love
Fiksi Remaja"New School, New life, New crush " Yan ang line ni Althea Ito po ay hindi base sa totoong buhay.Pero may iba pocdyang scene na true to life 😂 hahaha .Sana po ma enjoy nyo.