"AAAAAAAHHHHH!!!" >.<
O__O bigla naman nawala yung momentum ko sa pagtulog sana. Anu naman kayang isinisigaw nitong si Amia.
Aba! Nandito na pala kami sa villa. Huminto na eh... Eh? Nakalabas na pala sila?
Sayang!! Andun na eh, matutulog na sana ako e. Andun na yung..... Hay
( __ __ ) ayus lang yun (O__O) for sure maeenjoy ko nama-
"WOW!!! Dagat!!!
AAAAAAAHHHHH!!!" >.<" grabe, pagkababa ko dagat agad nakita ko. Di ko alam na sa beach resort pala nila kami pupunta... Ganda talaga (O___O)
"Hoy, DINO! Wag ka ngang sumigaw. Anu ba yun huh? May ahas ba? Sunog? Pating? Hoy anu ba? May naiwan ka bang gamit? Para kang timang sumigaw jan oh"
"Hoy Hiro yun pangsnorkling ko na may design na Mr. Krab?? AAAAAAAHHHHH!!! >.< bakit wala dito!!! Nakakainis naiwan mo ata e" napalingon na lang ako sa may likoran ng dahil sa sumisigaw si Amia at mukang iiyak na.
"Aba. Malay ko ba naman sa gamit mo!! Pareho kayo ni Dino, sigaw ng sigaw. Bahala nga kayo jan"
Ako nasigaw?? Hahaha eh sa namamang ha ako e. Ang ganda kaya dito. Nanlaki talaga yung mga mata ko sa ganda ng view dito.
"EEH!! Bakit kasi hindi mo dinala eh huhuhuhu.... T__T ung Mr. Krab ko" si Amia parang bata talaga. Hala parang maglulumpasay pa ata... Tsk... Ewan ko kung paano kong natagalan tong bessie kong parang sanggol. Para tuloy ako nagbababy seat sa 5 years old.
"Hoy!! Amia! Tumayo ka nga jan inaatake ka nanaman ng syndrome mo e." patatayuin ko na sana siya ng tinanggal niya yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya at tumingin ng nakakatakot. Bigla nalang ata ako nagfreeze sa kinatatayuan ko.
Hala ayan nanaman siya sa mata niya sobrang scary kapag nagtatantrums siya. Tsk... Tsk kahit cute si Amia at mukang manika once na may gusto yan na di nakuha ganyan yan. Pero mabait naman yan. Sumpungin nga lang. Hay ewan
minsan hindi ko din maintindihan yung ugali e.
"Amia, anak don't worry daddy will buy nalang your new Mr. Krab stuffs ok?? Kaya tumayo ka na jan and get your things in car or pakuha mo na kay Mang Fred"
"Talaga daddy?? Yehey!!! ^___^ owkie dowkie... Eimien bessie. Tara na sa loob ng villa" tamo to parang hindi niya lang ako tinititigan ng masama kanina e. Bipolar talaga tong si Amia. Kahit ganun yan mahal na mahal ko yan bessie ko...
"Sige susunod nalang ako."
"Sige, wag kang magtatagal huh ^__^"
"Ok. ^__^"
Tinitigan ko ng maigi yung buong lugar. Grabe ang ganda talga dito. Sobrang mangha mangha ako dun sa buong lugar.
Sobra kasing lawak... Tapos yung mismo tutuluyan namin pang townhouse style. Nature na nature.... Ahm ou tama para siyang may bahay ata or rather a MANSION. Grabe anlaki talaga nung tutuluyan namin.
Andun siya sa parang may talampas. Hndi naman siya yung nasa bingit nuh. Pera andun siya sa may taas.
Tapos tanaw mo yung buong dagat kung andun ka siguro sa may biranda.
Parang may gubat sa may gilid at kapag diniretso mo yung tingin sa dagat may makikita kang dalawang maliit na parang island. As in WOW talaga.
(*___*)
"Grabe ka naman!"
"Whaaaa!!! Anu ka ba bakit ka nanggugulat?? Bigla ka na lang sumusulpot. Panira ka talaga ng moment e!"