"Bakit ka kasi nakikipag-usap sa hndi mo kakilala?? Ang hilig mong humanap ng gulo no! Para ka rin kasing sira!"
buti maagang umuwi yung si Mr. Bakulaw at naging matiwasay na naman yung party. Ewan ko ba kung nalasing na yun o sadya lang na may pagkamanyak at retarded yung tropang yun ni Hiro na nadampot lang ata niya kung saan mang lupalop.
Kaso lang ako naman ang kawawa dito. Bakit ba hindi matigil sa kasesermon tong si FATHER HIRO dito saakin. Hay! Kawawa naman ang aking precious ears.
"SA susunod kasi wag kang basta basta nakipag-usap sa mga mukang hndi mapagkakatiwalaan! Isa ka talagang malaking sira!"
"Aba at ako pa ngayon ang sira dito?? Malay ko bang meron ka palang tropang mentally retarded at manyak. Atsaka siya naman yung lumapit kaya sa akin! Ansarap ng kain ko dun mag-isa e. Tapos biglang may asungot na lalapit saakin para istorbohin lang yung pagkain ko."
"Hoy! H-hindi ko tropa yun nuh!! Wala akong kabarkadang manyak at mukang bakulaw. Anak yung ng kaibigan ni mama.
Eh kung ganun bakit ka naman mag-isang kumakain dun sa isang sulok huh?"
"WOw naman huh, sorry huh. Malay ko ba naman na masama na palang kumain mag-isa sa lugar na akala ko ay safe.
Kasi nga po di ba party po itong pinuntahan ko po. Di ba po. At akala ko po tayo tayo lang po nila Tita Emy po ang magpaparty po nuh Father!!
Tsk!" habang nagbabangayan kami ni Hiro ay napupunta naman lahat ng buhok ko sa muka ko. Badtrip panira ng moment sa pag-aaway napapatigil tuloy ako ng pagsasalita.
Paano? Asan kami?? Andito lang naman kasi kami sa may terrace nila na tanaw ang dark beach kasi nga gabi na at mahangin at malamig pa.
Habang ito namang si father Hiro e patuloy pa rin sa paninermon sa akin. Akala mo naman kung anu ng disgrasyang nangyari daig pa si mama kung manermon. Nag-oover react nanaman.
"E panu kung dinala ka na nung retarded na yun kung saan man. Panu kung pinilit kang dalhin sa madilim na lugar ng hindi namin namamalayan. Panu kung bukod dun may-iba pa siyang masamang gawin at may mangyaring masama sa'yo. Panu kung dahil dun hindi ka na namin makita. Or worst baka makita ka nga namin pero chopchop ka na at nakalutang na ang ulo mo sa ilog pasig. Oh pan kung--.,."
(O___O)--->
(O___O)
mata ni Hiro nung bigla kong inilapit sa kanya yung muka ko kaya naman gulat na gulat siya at napatigil sa napakahaba niyang litanya.
Ayaw kasing tumigil tumingkayad pa nga ako para matapatan ko yung muka niya eh. Kaya ngayon halos ilang pulgada na lang ang layo ng muka namin sa isa't isa.
Ang sakit na kya sa tenga. Kung anu anung walang kwentang bagay na yung pinagsasasabi niya e.
(>.<) eh?? Bakit biglang pumikit tong kumag na to?? Hahahaha akala ata niya....
Whahahaha nakakatawa yung itsura niya.
Pfffft... Grabe!! Pfffft hirap magpigil ng pagtawa.
"Kapag hindi ka pa tumigil sa pagsasalita. Tototohanin ko paghalik sa'yo ta mo!!" bigla naman napadilat yung mata niya na parang natauhan sa tunay na nangyayari.
"Pffffft
"Pfffft..... PWHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Grabe Hiromi Doza! Epic fail yung itsura mo!" whahaha grabe hindi ko talaga mapigilan.
"Anu? Edi tumigil ka din sa kasasatsat mo jan ng kung anu anu??? WHAHAHAHA!!" then i smiled evily. Habang siya naman na parang nangangamatis na sa pula at kahihiyan. Hindi na rin siya umiimik.