Yumi PoV
Pagmulat ko ng aking mata, ang kisame parin ng malaimpyernong bahay na to ang bumungad sakin.
Naaalala ko tuloy Ang buhay ko..
Ang aking paaralan..
Si Annie..
Ang antipatikong grupo na kaaway ko..
Ang buhay namin ni Mama..
Malayo sa buhay na meron ako ngayon..
Flashback~
Third Person PoV
"Anak bumaba kana diyan at malelate kana sa pasok mo... unang araw mo pa naman sa Grade 10.. Sige ka mamarkahan ka ng late! Sayang honors mo!" ani ni Gng. Lara Lagrimas, ina ni Yumi.
"opo andiyan na po ma!" sagot ni yumi na pababa ng hagdan
Sila lamang dalawa ang simpleng namumuhay.
Isang accountant ang kaniyang ina ng isang malaking kompanya.
Sobra pa sa Sapat ang kinikita nito upang buhayin silang dalawa.Kaya masasabi nitong maganda ang klase ng pamumuhay na meron sila.
Sa edad nitong 47 ay mababakas pa sa kaniya ang angking kagandahan. Kagandahan na namana ni Yumi.
Laging laman ng mga pageants ang mama niya noong kabataan nito. Siya ang naging mutya ng kanilang bayan, kaya naman napakarami ang nanligaw dito.
Mga propesyunal, pulitiko at maging mga estudyante pa lamang ay nagkandarapa sa kaniya.
Pero sa dinami dami ng manliligaw niya noon. Sa maling tao pa nagawang umibig ng kanyang puso.
Alam niyang mali ang umibig sa taong pag-aari na ng iba ngunit naging matigas ang ulo niya.
Umibig siya kay Antony Martinez, Ceo ng Martinez Business Group at isa sa kinikilalang pinakamayaman sa buong bansa. May asawa at isang anak. Ang maybahay nito na si Mildred ay isang kilalang aktres at anak ng senador.
Kaya naman halos hindi sumagi sa kanya na magkakagusto ang isang Antony Martinez.
At ang naging bunga ng kanilang maling pagmamahalan ay si Yumi.
———————————————————————
"Yumi! Bat ngayon ka lang? Atsaka bat ganyan itsura mo? Para kang basang sisiw diyan sa itsura mo girl?" -pambungad ni Annie sakin
"Ah e ano, minalas lang he-he" -sabi ko
di ko masabi na kagagawan ito nung lalaking pinagkakaguluhan nilang lahat maging ni Annie na Bestfriend ko.Bale ilang araw na din akong pinagdidiskitahan ni Brylle at ng grupo niya, mga antipatikong grupo ng mga lalaki na gustung gusto ng halos lahat ng kababaihan dito sa aming paaralan. Lahat sila ay babaero, chikboy at kung ano pang tawag sa lalaking
malandi. Nagsimula ang pantitrip nila sakin noong nakaraang linggo nang di ko sinasadyang -ay mali sinadya ko pala na tapakan ang paa ni Brylle at sapakin siya dahil sa pasimple niyang paghawak sa pwet ni Annie. At ang lukaret naman na bespren ko, nawalan na sa tamang isip ng mga oras na yun dahil napansin siya ng lalaking iyon.MAtapos niyon nagdeklara siya ng gyera sa pagitan namin. Suportado siya ng mga kasama niya. At ako? walang kakampi dahil ayaw akong suportahan ng lukaret kong kaibigan. Kasalanan ko naman daw at bakit daw kasi ginawa ko yun? Anak ng kalabaw ako pa napasama! -_- e siya na nga tong pinagtanggol ko mula sa kamanyakisan ng taong yun.
BINABASA MO ANG
Piece of Tail
RomanceA love story, not a typical love story. A very sensual story that tells scenes behind closed doors. Dont read this if you dont have an open mind.