I Want You Back..

1.2K 31 15
                                    

I want you back....

Umiiyak na naman si Maigne dahil nakasama niya ang ex-boyfriend niya. Tama, umiiyak siya dahil sa halong saya at lungkot na nararamdaman niya.

Nagkaroon na naman kasi siya kanina ng oras upang makasama ang taong mahal niya kahit alam niya wala lang ito sa lalaki. Kahit saglit lang na naging sila ay mahal na mahal pa rin ni Maigne si Laurence.

Maayos naman ang relasyon nila pero dahil sa natakot si Maigne na malaman ng magulang niya ang pagkakaroon ng boyfriend ay nakipaghiwalay siya, sa kaalaman na hindi pa siya maaring magkaroon ng boyfriend.

Hindi niya sinabi ang dahilan kay Laurence ng pakikipaghiwalay niya kaya't sobrang nasaktan ito. Iniisip ni Maigne na babalik sa dati ang samahan nilang dalawa bago pa sila magkaroon ng relasyon pero nagkamali siya.

Ilang beses din kasing sinubukan ni Laurence na makipagbalikan pero hindi siya pumayag, patuloy rin niyang inilihim ang dahilan ng break-up nila.

Minsan na lang magka-time si Laurence para sa sa barkada na kinabibilangan nila pareho. Kahit pa ipakita nilang dalawa na ayos sila sa harap ng barkada alam ni Maigne na kabaligtaran nun ang nararamdaman niya. Maging si Laurence ay maganda ang pinapapakita sa kanya

Pero hindi ayos kay Maigne ang lahat. Sabihin man niyang naka-move on na sila pareho at iba na ang gusto ng bawat isa, kunwari lang ang lahat para sa kanya. Masaya lang siya kapag hindi nag-iisa, dahil nakakalimutan niya ang sakit. Lagi niyang iniiyakan ang nagawa niya at nagsisisi siya sa lahat.

Hindi madaling ngumiti para ipakita sa tao na masaya talaga siya lalo pa kung nasa paligid lang ang lalaking mahal niya na kasama ang bagong babae sa buhay nito. Laging palihim na titingin at walang bakas na makikita sa mukha.

Namimiss na niya ang nakaraan nila,namimiss na niya ang atensyon at higit sa lahat ang pagmamahal nito para sa kanya dahil kahit magkaibigan palang sila dati, sobra kung alagaan siya at mahalin nito.

Sobra siyang nasasaktan kapag nakikita niya itong masaya sa piling ng iba.

TO: Him <3

I miss you... :'(

--------------------

Tinext niya si Laurence habang patuloy na umiiyak. Wala siyang pakialam kung magreply man ito o hindi, basta masabi niya ang nararamdaman niya

.

FROM: Him <3

"haha. Kanina lang magkasama tayo ah? Na-miss mo agad ako?"

-----------------------

Naiyak siya ng lubusan sa reply ni Laurence.

TO: Him <3

I miss you... :'(

-------

FROM: Him <3

"double send? O wrong send?"

-------

TO: Him <3

"I miss the old us. Nagbago ka na. pero I miss you.. very much . :'( "

-----

FROM: Him <3

"asan ka?"

------

TO: Him <3

"bahay"

------

Hindi na nagreply si Laurence after niyang sabihin na nasa bahay siya kaya patuloy na umiyak si Maigne. Iniisip na wala na talagang pag-asa sa kanilang dalawa dahil tinawanan lang nito ang text message niya.

Masyado ng malayo ang samahan ng dalawa sa dati na agad siyang pupuntahan ni Laurence kapag malungkot siya.

Kinuha niya ang mga sulat na naglalaman ng mga nararamdaman niya at lahat ng gusto niyang sabihin kay Laurence. Itinago na lang niya ang mga ito dahil wala na rin dahilan upang ibigay ito sa lalaking mahal niya.

Ano pa ang gagawin niya kung naka-move on na ito at masaya sa iba ngayon. Niyakap niya ang mga sulat at patuloy na umiyak sa kanyang kama hanggang sa di niya namalayan na nakatulugan na niya ang sakit na nararamdaman at ang pag-iyak.

Hapon na ng magising siya at mapansin na wala na ang mga sulat na hawak niya bago siya makatulog. Hinanap niya subalit tanging isang sulat na lang ang nakita niya. Isang maikling sulat na nakapagpabilis ng tibok ng puso niya.

"I miss you too. And I love you. Magsimula tayo ulit :)"

========

Sheimy's Note.

thank you! :)

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon