'Pag planado, hindi pulido

511 10 1
                                    

Cancelled lahat ng afternoon classes. May GA.

Maka-ilang beses mong binasa yung text message na kaka-receive mo lang. Baka kasi biro lang, or wrong send. Pero sa mga ganitong class schedules kasi, hindi nagbibiro ang kaklase mong si Byul.

Strict kasi ang schedule nun. Pero mas strict ang girlfriend.

Sumulyap ka sa bintana ng tren na sinasakyan mo, pilit inaaninag kung saang station ka na parating. Kahit malabo ang mata't medyo nakakahilo, sige pa rin. Iniisip mo sanang mag-roundtrip nalang at bumalik pauwi, kaya lang, narinig mo na yung paboritong ding dong ng karamihan, at yung kasunod na paparating na sa Legarda Station sa pinakamahinhin na yatang boses na narinig mo sa buong buhay mo.

Alam mong masyado nang huli. Masyado ka nang malapit sa school para bumalik pa.

Nakakainis. Ang dami mo pa namang dala. Para sana dun sa presentation at submission ng project niyo sa Drafting. Hakot mo pa naman yung lahat ng laman ng drafting table mo sa kwarto.

Mga pencils, iba't-ibang klase ng rulers. Yung t-square mong minana mo pa sa Mama mo na hindi yata normal ang haba. Makakapal na libro na halos hindi na magkasya sa bag mo. Maging yung five months' worth of drafting assignments na kinailangan mong ipunin sa isang clear folder.

Five months.

Hindi mo talaga namalayang five months na pala simula nung nagstart ang school year (going six na nga yata), at nagsimula ka na rin sa bagong yugto ng buhay mo: ang unang sem ng unang taon mo sa kurso mong Architecture.

Daang mag-isa mo lang direchong tinatahak. Kahit pa alam mong may naiwan ka. Kahit pa alam mong yugto kang hindi natapos.

Kaso ang oras ay parang LRT rin. Hindi tatakbo ng pabalik.

;;;

Inabutan mo si Byul na nakaupo sa isa sa mga bakanteng bench malapit sa Main Building. Nakayukyok siya habang nakaharap sa stage na kasalukuyang inaayos para sa assembly maya-maya. Kunot ang noo at hindi maipinta ang mukha. Nakapangalumbaba. Nakasimangot pa nga sa mga estudyanteng nag-aayos ng decorations sa stage, na para bang may nagawang malaking kasalanan sa kanya.

May hinala ka kung bakit mukha siyang pinagkaitan ng tadhana. Pero, dahil mabuti kang kaibigan, tinanong mo pa rin siya. "Oh, sinong aawayin natin?"

Narinig mo yung buntong hininga niya, at gusto mong matawa. Sa sobrang lalim kasi, mas lalo siyang napayukod na akala mo'y biglang naubusan ng lahat ng hangin sa katawan. "Sana kasi sa Educ Auditorium na lang ginawa 'tong pesteng GA na 'to e. Edi sana, pwede ko kitain si Yong."

Sabi mo na nga ba eh. Kaya mukha siyang batang nagmamaktol dahil hindi binilhan ng gustong laruan. Kasi hindi niya masusundo sa Educ Building ang girlfriend niyang si Yongsun.

"Eh diba nagkikita naman kayo tuwing umaga?"

Mabilis niyang inalis ang tingin niya sa may stage at ibinaling sa'yo. Ikaw naman ang may nagawang kasalanan ngayon. "Kanina pa yun!"

"Tapos sabay kayo nagla-lunch?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Byul at naningkit ang kanyang mga mata. "Sa tono mo parang may gusto kang sabihin ah? Clingy ako, ganun?"

Matatakot ka sana, kaya lang, mas mukhang nakakatawa yung itsura niya: parang isang frustrated hamster na hindi mabalat-balatan yung kaisa-isang sunflower seed.

Nag-flash sa utak mo yung image na 'yon. Kaya sa halip na sumagot ka, bigla kang bumunghalit ng tawa. Yung kulay pa kasi ng buhok niya, kakulay ng balahibo ng hamster.

Tiningnan ka lang ni Byul na animo'y nababaliw ka na. Actually, narinig mo pa ngang sinabi niya talaga. Habang nagta-type sa phone niya na hinugot niya mula sa kanyang bulsa.

Wala na sanang lalayo, Mundong ito ay hihintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon