Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang kay Seulgi na bagong gising

221 14 11
                                    

Huwag kang magmadali.

Kulang nalang talaga itato mo 'yun sa noo mo para hindi mo makalimutan. Tipong ganito:

"Huwag kang magmadali."

      - an ancient proverb

Hindi naman sa talagang atat ka, lalo ka lang kasing naging pursigido simula nung inabutan ka ni Joohyun ng tissue. Napakaliit na bagay kung tutuusin, pero malaki ang epekto nun sa'yo. Lalo na nung sabihin ni Yongsun na it was a sign that she still cared about you.

"Ganyan talaga 'pag nagtatampo," dagdag pa ni Yongsun sa inyo, habang nakaupo kayo sa may Pav at nanananghalian. "Gusto sinusuyo. Kaya 'pag sinabi niyang 'wag kang magmadali, matuto kang maghintay."

Sa gitna ng malawak na pavillion ng eskwelahan mo, sa pagitan ng kanya-kanyang usapan ng mga kapwa estudyante mo, malinaw na tumatak at umulit-ulit iyon sa utak mo. Parang linya lang sa isa sa mga paborito mong kanta, akin ka nalang, iingatan ko ang puso mo.

"'Di mo rin naman siya masisisi diba? Kung ako nga yung nasa posisyon niya, baka hindi mo na talaga ako makausap. Bakit ko nga ba bibigyan ng second chance yung taong minsan nang nawala, diba? Anong assurance ko na hindi na niya yun uulitin?"

Narinig mong biglang naubo si Byul na nakaupo sa tabi niya, nasamid ata dun sa bote ng Coke na tinutungga niya. Mabuti nalang nag-take ng ROTC si Sooyoung kaya mabilis yung reflexes niya, at saka hinampas yung likod ni Byul para malulon na niya kung ano man yung nakabara.

Habang ikaw, napasubo ka nalang ng isang buong siomai at hindi na muling nagsalita pa.

;;;


Sa totoo lang, gusto mo talagang i-skip yung araw na 'to ng paghatid kay Joohyun. Pakiramdam mo kasi wala ka pang mukhang maihaharap sa kanya, after mong aksidenteng ma-like yung picture niyo from six months ago.

Pero pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Yongsun sa'yo, napagtanto mo na kahit pala isang moment, hindi mo pwedeng ma-miss. Baka kasi eto nalang yung huling chance na ibibigay ni Joohyun sa'yo. Tapos nun, wala na. Kaya kung sasayangin mo pa, baka hindi ka na makabawi pa sa kanya kahit kailan.

Kaya kahit sobrang hiyang-hiya ka pa at halos hindi siya matignan sa mata pagdating niya, nag-hi ka pa rin sa kanya at naghulog ng isa sa mga bagong jokes mo.

"Joohyun, anong sabi ng baby patatas kay uncle patatas nung magkita sila?"

Expected mo na rin na hindi siya sasagot sa'yo. Pero nagulat ka nung lumingon siya sa'yo, tila ba hinihintay yung punchline mo. Kaya nalunok mo yung biglang nabuhol mong dila. "H-hello potato."

Sinabayan mo yun ng nagbibirong ngiti, hesitant at unsure sa una, pero lumapad nung makita mong pinagdikit Joohyun yung mga labi niya. Halatang nagpipigil siyang tumawa, lalo na nung inalis niya yung tingin niya sa'yo at dun siya humarap sa kabilang side. Tila ba pinipilit niyang ibalik yung kontrol sa sarili niya, para ma-poker face ka na niya uli.

Magaling kasi si Joohyun dun, eh. Kung isasama mo nga siguro siya sa casino, baka manalo kayo ng malaki dahil lang sa poker face niya.

Ang saklap nga lang na sa ngayon, you were at the receiving end of it.

Pero kuntento ka na dun, sa maliit na reaksiyon niya. Hindi ka nga kasi nagmamadali. Though, aminado ka na nag-iisip ka na agad ng panibagong joke na pwede mong i-share sa kanya, para mapatawa mo siya ng tuluyan. Na-miss mo kasi yung tunog ng tawa niya, yung paghampas niya sa'yo 'pag natatawa siya ng husto, to the point na inuubo na siya at halos hindi na makahinga.

Sabi nga ng Counting Crows, you don't know what you got till it's gone.

Dati, music lang yun sa pandinig mo. One of the songs in your playlist called Bae Joohyun. Pero ngayon, gusto mo sanang malaman kung pwede yung gawing soundtrack ng araw mo. Napagtanto mo kasi na hindi pala nabubuo yung araw mo kapag hindi mo naririnig yun. Parang laging may kulang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wala na sanang lalayo, Mundong ito ay hihintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon