Kung 'di ukol, bakit ka may bukol

192 8 2
                                    

Third Year High School: First Grading Period

Sa fifth row, rightmost aisle ng classroom niyo, dito mo unang nakilala si Son Seungwan.

Ikaw yung bagong salta sa section nila: III-Athena. Kaya't ikaw yung naging tampulan ng mga tingin at bulungan noon pagpasok mo. Walang kumaway o ngumiti ni isa man lang sa mga magiging kaklase mo dahil lahat sila, nakatingin lang sa'yo habang lumalakad ka papunta sa upuan mo. Para bang goldfish na nasa loob ng fish bowl.

Lahat sila, maliban kay Seungwan.

Kaya't laking pasalamat mo na rin na siya yung designated seatmate mo. Simula pa kasi kagabi, kung ano-ano nang naiisip mo tungkol sa bagong school mo. Kagaya nang kung mabait ba yung mga kaklase mo, o baka kasing sutil din ng mga estudyanteng napapanood mo sa mga drama na kina-aadikan ngayon ng pinsan mong si Yeri.

Baka mamaya kasi, uso din ang red card dito. Wala ka pa namang panama sa ganun. Hindi ka tigasin, at lalong hindi mo kayang magpakawala ng suntok.

Buti nalang, malayong-malayo yung Seungwan na bumati sa'yo sa Seungwan na na-imagine mo: nakatulis ang nguso at naka-angat ang isang kilay habang tinitignan ka mula ulo hanggang paa. Kaya yung kabog ng dibdib mo nabawasan kahit pano, lalo na't hindi nawawala yung ngiti niya na sumalubong sa'yo.

Siya na rin ang unang nagpakilala sa sarili niya. Kahit pa hindi na talaga kailangan, dahil bukod sa nakausap mo na si Principal Kim, ang laki rin ng pagkakasulat ng pangalan niya sa name plate niya. Naka-pin ito sa may harap ng necktie niya, kaya imposibleng hindi mo makita.

(Eto yata yung ipinagpuputok ng butsi ng mga classmates mo, since pinagsusuot uli sila ng name plates para lang sa'yo.)

"Hello! Ako pala si Seungwan! Ikaw si Seulgi, diba?"

Tumango ka sa kanya at tuluyan na ring nagpakilala. "Ah, oo. Kang Seulgi," wika mo sa kanya. Patanong na ring idinagdag ang, "Yung transferee?"

Hindi mo rin naman kasi sigurado kung nasabi na rin ba ng adviser niyo sa buong klase. Alanganin kasi ang pagkaka-transfer mo, dahil halos kalagitnaan na ng first quarter. Bagay na ipinagtaka rin ni Seungwan.

Ang totoo, you were set to finish high school sa dati mong school. Pero dahil nakakuha ng magandang opportunity ang Papa mo, yung promotion na matagal na niyang hinihintay, hindi na niya nagawang palampasin pa nang dumating.

Yun nga lang, may mga bagay kayong kinailangang iwan bilang kapalit, kasama na yung buhay na nakagisnan mo simula nung bata ka pa.

Ang ending, you wrapped up sixteen years of your life in four boxes and two suitcases. At ngayon nga'y heto ka, tila ba nag-reset sabay pindot ng restart.

;;;

Nang magsimula nang magdatingan ang iba niyo pang mga kaklase, isa-isa na rin silang itinuro sa'yo ni Seungwan at ipinakilala, para na rin daw mapadali ang buhay mo, sabi niya.

Sa totoo lang, wala ka naman talaga balak makipagkilala sa kanila. Bukod kasi sa mahiyain ka na, hirap ka pang tumanda ng pangalan at mukha. Kaso, nagmagandang loob na si Seungwan, kaya hindi mo na rin natanggihan.

Sa pinakalikod na row ng side niyo siya nagsimula, umakyat pataas at tuloy-tuloy lang sa pagtuturo sa mga classmates niyo. Habang ikaw, tango lang din ng tango, kahit na ang totoo, iniisip mo kung anong oras nga ba ang recess at kung nalagay mo nga ba yung baon mong lunch sa loob ng bag mo.

Pilit mo ring inaalala kung saang banda mo nga ba nadaanan yung canteen kanina. Sa dami kasi ng likong ginawa mo, hindi mo na rin matandaan. Alam mong nasa school grounds lang yun. Hindi kalakihan, pero dahil nga bago pa ang lahat para sa'yo, baka maubos lang yung thirty minutes mo sa paghahanap.

Wala na sanang lalayo, Mundong ito ay hihintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon