'Pag may tiyaga, good luck!

110 9 1
                                    

Determinado si Seungwan na makabawi ka. Sa sobrang determinado nga niya, akala mo siya ang may atraso at hindi ikaw.

May plano na nga siya kaagad. Simple lang, Seulgi, ang sabi niya pa sa'yo. Kailangan mo lang daw magpakita kay Joohyun at mag-sorry.

Agad-agad pa nga. Sabi ni Seungwan, bukas na bukas din daw ay pupuntahan mo si Joohyun. At nang magkita-kita nga kayo kinabukasan, hinawakan ka niya agad sa tenga at hinila ka patayo ng bench para daw hindi ka na makatakas pa. Halos kaladkarin ka na rin niya papunta sa building nila Joohyun.

Simple man ang plano niya, pero hindi ganun kadali para sa'yo. Ngayon pa nga lang kasi, hindi mo na alam kung paano at saan ka magsisimula sa apology mo. Kung matatanggap mo ba yung sampal at mga hampas na pwedeng ibigay niya sa'yo. Kung sasaluhin at lulunukin mo ba yung mga salitang maaari niyang ibato. Ni hindi mo nga alam kung hahabulin mo ba siya kung sakaling mag-walkout siya, o hahayaan nalang siyang umalis.

Siguro, gagawin mo nalang yung bilin ni Byul sa'yo. "Kung ano man ang reaction niya sa sorry mo, ang magagawa mo lang talaga, tanggapin yun. Kahit ipakain niya pa yun sa'yo."

Yun nga lang, mas marami ka pang tanong na nabuo, kesa i-internalize yung sinabi niya. "Tapos, ano? Ganun na lang?"

Mawawala ka nalang ba uli? Eto ba yung sinasabi ng nila na, I've done my part, now it's up to you. Your move? O susuyuin mo si Joohyun hanggang sa maging magkaibigan kayo uli?

Gusto mo nga bang maging magkaibigan lang kayo uli? Gusto mo nga bang bumalik sa kung ano kayo dati? Right where you left off, bago ka nagtamang hinala at nawala.

Or, do you want to do things right this time?

Naawa ata si Sooyoung sa'yo, sa mukha mong tila hinahanap ang sagot sa mga misteryong kahit Science at mismong si Einstein hindi nasagot. Para kang computer na naghang at na-stuck, trying to find a limit that didn't exist.

Ganun ka na siguro kalito. Na si Sooyoung na madalas kang pinagti-trip-an at tinutukso sa pagka-clueless mo, siya na sumagot para sa'yo. "We'll figure it out after. One step at a time, right?"

Right. Siguro nga, this time, hindi ka na dapat tumalon pa ng kahit isang step. Sa kahit anong step.

Lalong-lalo na: into conclusions.

;;;

Pero, paano nga ba bumawi? Enough na nga ba ang sorry?

Sabi nila Seungwan sa'yo, sa ngayon daw kasi, yun pa lang ang pwede mong gawin.Whatever would come next, dedepende sa magiging reaksyon ni Joohyun sa apology mo.

At since yun na lang ang natatanging pwede mong gawin, pinractice mo na yun ng todo. You wrote ten different apologies na kinabisa mo isa-isa, kahit pa you've always hated memorizing anything.

You even skipped dinner, at halos hindi na nakakain ng breakfast sa sobrang kaba mo. Hindi ka nga rin pinatulog ng kabog ng dibdib mo.

Ang ending, sobrang lalim ng eyebags mo, at yung mga mata mong singkit na nga, lalo pang lumiit. Kung pwede nga lang sanang i-request kay Seungwan na sa susunod na araw nalang, kasi hindi mo nagustuhan yung nakita mo nung humarap ka sa salamin bago ka umalis ng bahay niyo. Pero alam mong hindi papayag ang best friend mo, so useless din.

One of these days talaga, lalapagan mo si Seungwan ng isang bucket at itatanong sa kanya kung bakit ba siya sobrang triggered sa mga nangyari. Para kasi siyang natalo sa pustahan, tapos dangal at 500 Sun load card ang naging kapalit.

Tagaktak ang pawis mo habang nakatayo ka't nag-aabang sa may labas ng building nila Joohyun. Sila Sooyoung at Byul naman, nagpakalat-kalat sa may likuran mo, para daw bigyan kayo ni Joohyun ng privacy at space.

Wala na sanang lalayo, Mundong ito ay hihintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon