Krrriingg... krrriingg... krringg...
(Pang-anim na tunog ng cp ko yan, baka sakali bang gigising ako)Dust.. Dust... gising na late ka na sa klase mo. - yaya ko.
Hmmm.? Anong oras na po ba? (Antok na antok na sabi ko)
7:45 na.
Aaaaaahhh. Bat di nyo ko ginising?! (Gulat na gulat na napabangon sa pagkakahiga at tumatakbo papuntang cr)Dali dali akong naligo nakalimutan ko ng magsipilyo hahaha actually di talaga ako nagtootoothbrush pag umaga, ewan nakasanayan ko na, tamang mumog lang. Nagsisipilyo kasi ako pagkakain.
Nagmamadali ako kasi eto yung first day ng klase bilang college student.
Nak kumain ka muna bago umalis. -yaya
Ay di na po malalate na po ako. (sabay dampot sa bag pagkatapos magbihis)
Sa araw na to, nagsuot ako ng white shirt at black pants tapos white shoes. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako nakauniform? Ganito kasi talaga dito samin, hindi nag uuniform ang mga college students.Pasok na po ako nay. Sabay baba na ng hagdan.
Sige magingat ka.
(At dali- dali akong pumunta sa malaki naming pinto.)
Si yaya lang yung kasama ko sa bahay, sina mommy at daddy kasi may business trip kaya ilang linggo sila wala. Pero sigurado ako may kasama na ring libot yun lol. Iisang company kasi yung pinagtatrabahuhan nila. Nagiisang anak din nila ako kaya si yaya lang yung kasama ko ngayon.Sige habang inistart ko tong kotse ko, magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Dustin Lyndon. 18 years old. Nahihiya akong sabihin e pero mayaman kami. May malaking bahay at dalawang kotse. Nakatira kami dito sa Alberta, Canada at 100% canadian po ako. Kaya maputi ako, gwapo, may asul na mga mata, di gaanong katangkaran sakto lang ang taas at medyo mahilig sa gym kaya di naman sa nagyayabang, maganda ang hubog ng katawan ko. Nagtataka ba kayo kung bakit ako marunong magtagalog? Oo Filipina ang yaya ko pero kung iniisip nyo na sa kanya ako natuto, nagkakamali po kayo. Hayaan nyo malalaman nyo din yan sa mga susunod na chapter.
Ba't ayaw magstart?! Late nako! Dala pa naman nina Daddy ung isang kotse.
Tsk.Hayy, mukang di maganda ang first day ng college ko ah. Dahil ayaw magstart ng kotse ko, napilitan akong sumakay ng bus. Kaya dali dali akong lumabas ng gate namin.
Pagpasok ko sa loob ng bus, punong-puno ng pasahero kaya napilitan akong tumayo. Ngayon ko lang nakitang ganito karami ang pasahero. Malalaki ang mga bus dito sa Canada kaya nakakagulat na makitang may mga nakatayong tao sa sobrang daming nakasakay.
(After 30 mins)
Huminto yung bus sa tapat ng school namin...What the f*** !
-sigaw ng mga pasahero ng bus ng mapasobra yung preno. Andami tuloy na out of balance sa pagkakatayo tapos nangauntog ung mga nakaupo tapos yung nakakainis pa....Paaakkk! ( T.T) Ayan yung tunog ng sampal sakin nung babae nung nasubsob ako sa dibdib nya 😰
What do you think you're doing?!! -sigaw nya sabay baba ng bus kasama ang iba pang mga pasaherong estudyante.Ako: (Natulala na lang sa nangyari habang hawak yung namumulang pisngi)
Aaaaahhh... bwisit na araw na to! Ano pa bang kasunod?!!(Umandar na yung bus at nang makalayo ng kaunti tsaka ko lang narealized na dun nga pala yung school ko! Aaaaahh!..)
Stop! Stop!
Huminto naman yung bus kaso nagalit yung mga pasahero pati driver.
BINABASA MO ANG
Infinity
FantasiMasarap magmahal pero mas masarap kung alam mo na ito'y walang hanggan. Pero mamahalin mo pa ba sya, kung di mo na sya makilala? Ang kwentong ito ay tungkol kay Mark at Dustin at ang kanilang love story. Sa mga umaasang ito ay LGBTQ story, nagkakama...