**Sa Bahay**
"Salamat kanina Cess ah." Pagsasalamat ko. "Salamat sa Kylie at Sa Contact Lens. Pati na rin yung Liptint hehe."
"No Problem. Sige mauna na ako." Sabi niya.
"Pakisabi narin kay Tita Pat na salamat ulit. Sige na. Ingat." I wave my hands at humarurot na rin siya.
Pumasok na ako sa loob na dala-dala ang plastik ng Jollibee at paper bag ng Kylie at Naked na make-up. Naabutan ko na naman ang tatlo sa sala na nanunuod ng TV. Kailan kaya sila matututong huminto sa panunuod ng TV.
Sabay silang lumingon sakin at kumunot naman ang noo ni kuya
"Ohh Erika nandyan ka na pala. Kanina ka lang ba diyan nakatayo?" Tanong ni mama.
"Teka. Teka. Anong Erika? Si Erika ba yan Ma?" Tanong naman ni kuya.
"Bago lang ako dito Ma. Yung nanay pala ni Princess ay nagtatrabaho sa Optical. Kaya free lang yung Contact Lens." Sabi ko
"Ang Bait naman ng nanay ni Cess. Pero ano yang paper bag? Anong laman niyan? Patingin."
"Ayy, hehehe" nagfake-laugh lang ako kasi alam kong ayaw ni Mama na gumamit ako ng Make-up kasi ang bata-bata ko pa daw at para ka na raw matanda kapag titignan. Kinuha ko naman ang laman ng paperbag na dala-dala ko papunta dito.
Nagreact si Mama pero hindi sobrang galit. "Bakit meron ka niyan? May pera ka?"
"Hehehe..." Fake laugh ulit. "... Wala." Patay.
"Kailan ka pa natututong magnakaw? Ikaw bata ka. Sino nagturo sayo niyan?" Patay ang High Blood. Pucha
"Ma! Ma! Kalma lang. Yung High Blood ma. Hindi ako nagnakaw nu. Libre parin 'tu sa Nanay ni Cess. Nahiya nga ako eh. Kaso hindi ko sila napigilan kasi nakabigay na ng Pera si Mrs. Rama kay Cess."
Kumalma naman si Mama. "Sige na... Pasensya na. Nadala lang sa High Blood. Basta huwag mo gamitin ng sobra kasi nakakatanda ng Mukha at Hindi ikaw ang gumastus. Sige na magpahinga kana. Magluluto na lang ako mamaya. Tatawagin na lang kita kapag kakain na." Tumango lang ako sa sinabi ni Mama at lumakad papunta sa Hagdanan ng Tawagin ako ni Kuya.
"Teka. Teka. Erika bigyan mo naman ang kuya mo ng Fries." Sabi ni kuya na nagpuppy-eyes.
"Gusto mo sundae na lang?" Tanong ko.
"Yan na lang."
"Ohh." Binigay ko sakanya ang sundae na lanay. "Sayo nayang Sundae na lanay." Sabi ko habang tumatawa.
"May araw ka rin sakin Erika..." Sabi niya nang pagalit.
"Buti na nga lang binigyan kita, kung hindi kita bibigyan. Tutulo laway mo kakatingin sakin tulad nito." Sabay kain ng fries paslow-motion at kindat sa kanya.
"Tsk."
Pumunta na ako sa kwarto ko, linagay ko ang fries sa ibabaw ng drawer ko at nagbihis ng pambahay. Kinuha ko ulit ang fries at kumain. Kinuha ko narin pati yung cellphone.
~~~~~~~~~~~~
Hinatid ako ni kuya sa paaralan, pero hindi pa ako nakapunta sa loob sa dami na ng mata na nakatutok sakin. First time ko kasing papasok ng nakacontact-lens lang.
Papasok na sana ako ng paaralan ng pigilan ako ng isang lalaki. Nakayuko ako kaya I raise my head para makita ko kung sino ang virus na nakabara. It was Kyouya.
"Where is your eyeglasses?" He asked angrily.
"Pake mo ba? Ba't galit ka?" Tanong ko.
"Nasan eyeglasses mo? Soutin mo nga." He command.