7

3 0 0
                                    

Tapos na akong maligo, at nagbihis agad ako. Bumaba ako para kumain, at sinalubong naman ako ni mama. Woah, nasan yung unggoy ko na kuya?

"Bakit hindi ka kumain kagabi? Nilock mo pa yung pinto. Oh, ito magpakabusog ka. Wag kang pumunta sa paaralan ng gutom." Sabay lagay ng plato na may kanin at itlog.

"Salamat ma. Nasan nga pala si Kuya?" Sabay kiss sa pisngi, sarap naman tumira sa pamilya na nag-aalaga sayo ng mabuti. May kumatok sa labas at alam kong si Princess yun.

"Ang kuya mo nasa kwarto niya. Kung matulog parang may kaaway sa motor niya. Ikaw na bumukas dun habang nagluluto pa ako para sa kuya mo." Sabi niya at tumayo agad ako.

Kakatok na sana ako sa kwarto ni kuya nang may nagdoorbell. Teka, ahh si Cess.

Lumabas ako at binuksan ang gate, sinalubong ko si Cess- teka hindi si Cess to hah!

"Bat nandito ka?" Tanong ko sa kanya. Nakatayo sa gilid ng Auto niya, gwapo pa rin as usual pero bobo siguro.

"Giving you ride to school." Eh sino nangangailangan nun kung may maghahatid din sa kin.

"Too bad I won't come with you. Break na tayo. I mean yung acting-actingan natin tapos na."

"Sino nagsabi?" Tanong ni Kyouya. Obvious naman.

"Ako, ikaw, sila, siya, tayo, at buong barangay ang nagsabi." Sarkastikong sabi ko.

"No, we are not done yet."

"Yes, we are."

"No, we're not."

"Yes, we are."

"No, we're not."

"Yes, we are."

"No, we're not."

"Wala ka na bang ibang magawa sa buhay? Yes, we are done."

"No, we're not and you're coming with me."

"NO I'M NOT COMING WITH YOU AND YOU MAY NOW GO." Sabi ko at isinara yung pinto ng gate sa lakas ng makakaya ko.

"Aray!" Napalingon ako sakanya ng linagay niya ang kamay niya sa pinto.

"Sino yan Erika?" Tanong ni nanay

"Wala po nay!" Sabi ko kay nanay. "Bat mo ginawa yun?! Bobo mo talaga!" Linapitan ko siya at hinimas ang kamay niya. Bobo naman ng lalaking to.

"Wala ka kasing galang, hindi pa tayo tapos mag-usap sinara mo agad ang Pinto."

"Bahala ka. Hali ka nga dito." Pumasok kami sa bahay at nagdahan-dahang lumakad papunta sa kwarto ko.

Pinaupo ko siya sa kama at kumuha ako ng panggamot sa naggawang mali niya. Aray ng Aray ang ulol hanggang may nagdoorbell na naman sa labas.

"Pupuntahan ko muna yun. Dito ka lang." Sabi ko sa kanya at lumabas.

Lumamabas ako sa kwarto at pumunta sa labas at alam ko sino tong hindi man lang alam ang salitang 'patience' at sigurado ako.

"Hindi man lang marunong maghintay." Sabi ko sakanya ng nakita ko siya... mag-isa wala man lang auto.

"Tagal mo kasi eeh."

"Hindi na lang siguro ako gagamit ng make-up. Liptint na lang." Sabi ko sakanya.

"Haa? Bakit?!" Sabi niya, O.A naman kung makasigaw wakas parang naka-megaphone.

"Nandito kasi ang ulol. Nasa kwarto ko."

"Haa?! BAKIT?!" Grabe nato ah! Hindi talaga marunong tumahimik, parang nasa bahay niya lang. "Aray ko naman." Sabi niya ng hinampas ko siya sa kamay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not So Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon